Pag-ikot

15 0 0
                                    

Lumalawak aking mundo
Lakbay sa linya ng bilog
Gustong tumakbo palayo
Pagod nang paikot-ikot.

Palaging dama ang pait
Suko na muna sa  laban
Gustong lisanin ang sakit
Magkukunwaring matapang.

Mapaglaro ang daigdig
Lagi paring sumusubok
Sa bilog, nais umidlip
Walang mataguang sulok.

'Di makasabay sa agos
Patangay muna sa alon
Kailan  ba 'to matatapos?
Nais ko munang umahon.

Pagod nang mag-alala
Ramdam nang walang halaga
Takot magpuno ng saya
Baka palitan ng luha.

Uulan panandalian,
parang 'di humupang bagyo
Kinukubling kalungkutan,
dahilan para sumuko.

'Di magising sa oras
Mata'y 'di na maimulat
Babangon muling aatras
Sabay ang ulan at iyak.

~Pag-ikot

02/19/2020; 12:36

Hundred Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon