Paboritong Topiko

53 0 0
                                    


Sa simula, 'di ko pa alam
kung paano uumpisahan
anong magiging laman?
naisip kong ikaw nalang

sa unang pangungusap, sinimulan ko sayo
lagi kitang tinutukoy
sa pangalawa'y nahanap ka, napalapit lalo
'di man matapos pero laging tinutuloy

Sa gitna, akin ng nasimulan
biglang ikaw ang naging paborito
pilit kong iniiba pero 'di ko mapigilan
ikaw ang nag-iisang topiko

sa sumunod na talata, biglang napapikit
nabighani sa mga pang-uring nagamit
hanggang sa tuloy-tuloy ka nang binabanggit
walang negatibong salita para ika'y maialis

Sa bawat pagbigkas ng mga salita
ay tila ilang sentimetro nalang palapit sa'yo
kaya aking ipapadama
mautal man, sa'yo'y pilit na ibabato

Noong wala ka pa,
pagbuo ng mga salita'y puno ng lumbay
ngayong ikaw ang kasama,
pagdidiin ay naging makulay

Malaking espasyo ang nilaan sa puso
para tuluyan kang mabuo
kaya naman sa lahat ng naisulat ko
ikaw ang pinakagusto

ako'y patuloy na magsusulat lagi
'di dahil sa gusto ko lang
sa espasyong ikaw ang may-ari
sa puso'y maituturing kang espesyal

Kay dami na ngayong tulang naikuwento
at lahat masasaya
dahil nakarating ako sa dulo
kung saan nandoon ka

kaya sa pagwawakas ng pangungusap,
'di mo man marinig pero nais kong sabihin
pagkatapos ng huling pangungusap,
hindi mo man alam pero patuloy kang mamahalin.

~Paboritong Topiko
09/01/2019; 4:12

Hundred Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon