My Lullaby

54 2 0
                                    

Lagi kang bumibisita sa tuwing ako'y magpapahinga
Madilim na ang paligid
Alas nuebe na
Di na naman ako makatulog
di dahil natulog ako kaninang tanghali
kundi dahil iniisip na naman kita
nasa isip na naman kita
inaalala na naman kita kasi
at mas malalim pa 'to kaysa sa gabi

Sa tuwing kaharap kita di ako mapakali
kapag nasisilayan ka, halos abot tenga ang ngiti
at kapag tumatabi ka sakin
may kung anong mga paru-paro sa tiyan ko't
halos mapunit na ang labi

Gabi-gabi akong naghahanap ng kanta
musikang magpapatulog sakin kaagad
Pero ibang klaseng musika ang hanap ko
lagi kong hinahanap ang pangalan mo
pagkatapos nun pinipindot ko yung may hugis telepono
biglang tumunog
isa
dalawa
pagkatapos ng pangatlong tunog
sinagot mo na
at narinig ko ang boses mo
gustong-gusto kong lagi kang naririnig
ang boses mong nagpapagaan sa loob ko
tumatanggal ng lahat ng pag-aalala sa isip
nagpapasaya sa puso ko
at nagpapatulog sakin sa tuwing ako'y iidlip
para akong isang batang naghahanap ng kuwento
munting batang hinehele dahil mata'y di maipikit
unang banggit mo pa lang ng pangalan ko
bigla nalang akong napapangiti
ewan ko ba
nasanay na akong ikaw lang ang hanap
bago ako pipikit kailangan kong makinig sa kanta
musikang ikaw lang dapat
pagkatapos nating mag-usap
nakakatulog na ako agad
magmula ngayon, ikaw na ang pampatulog
at dahil dun, maraming salamat
salamat dahil hinahayaan mo lang akong makinig sayo
hanggang sa makatulog na tayo
salamat at kinakantahan mo lagi ako
sa puso ko ikaw ang musika niya
na kada maririnig ka bigla nalang sumisigla
salamat sa kanta
kantang inaalay mo sa isang katulad kong bigo
bigo sa lahat ng bagay
pero sa pagdating mo nagkaroon na ako ng kulay
unti-unting nagkakulay
ang nilalang na kagaya kong walang kabuhay-buhay
salamat dahil hinayaan mo akong makilala ka
nakilala na kita ng lubusan
nagustuhan na nga kita ng tuluyan

Dati, kapag pinapakinggan ko ang mga kanta
linalagay ko lagi ang sarili sa pinakamalungkot niyang mensahe
pero simula noong naging musika na kita
nasasanay na ang sariling maging masaya
sabik lagi sa musikang dala mo
lahat ng kanta nagiging masaya ang istorya
boses mong mula tenga tagos hanggang puso
bawat salita mo'y nagiging kanta
na pampatulog ko pagdating ng gabi
at dahilan kung bakit ako gumigising pagsapit ng umaga
na siyang laging hanap ko sa pagsisimula palang ng araw ko
kahit lumubog na ang araw
at hanap ko parin bago matapos ang araw
hanggang sa buwan na ang natatanaw
ikaw at ikaw
at bago pa pumikit ang mata natin
ang musika natin ay muling kakantahin
muli nating aawitan ang isa't isa
oo, hayaan mong kantahan din kita
para sa pagtatapos ng araw na 'to
gusto ko ikaw naman
para malaman mong sa'yo lang
sa'yo nahanap ang kantang pinakaespesyal
ngayon, gusto ko iparamdam ang sayang dulot mo
nang mismong kantang nagmumula sa'yo
musika mong iba ang naging epekto sakin
gusto ko ikaw naman
hayaan mong ikaw ay patulugin
ikaw naman ngayon ang aking kakantahan.

My Lullaby
May 2, 2018; 11:30PM

Hundred Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon