Hindi ko kita ang totoong kulay
ang berde nagiging dilaw
sa mata ko'y kulay ay 'di tunay
ginagawa kong lila ang bughaw
Sabi nila ang paborito mo'y kulay rosas
pero kulay pula ang nahanap
gusto sanang terno tayo ng damit
pero bigla kang nagalit
kasi muli na namang napagpalit
Minsan naman nagpabili ka sa'kin ng pulbo
noong binigay sa'ybigla kang nagtampo
oo na alam ko
ibang kulay na naman yung nabili ko
Noong naglalaro ka ng rubix cube
nagpatulong ka sa'kin pero wala akong mamove
ba't ba kasi ang daming kulay nito
tuloy nakasimangot na naman yung mahal ko
nakiusap ako na iba nalang huwag lang 'to
hiniram mo yung telepono ko
may pinasa kang laro
nakita ko sa screen sobrang daming kendi
nagsisiwalaan at nagsisibabaan sila habang nilalaro mo
tumingin ka sa'kin
gusto mo akong paglaruin
iba-iba ang hugis at kulay nila
ang sweet talaga ng mahal ko
hindi ko ito kayang ubusin
kung puwede ko lang kainin para sumaya ka
wala kasing natutunaw, ni kahit isa walang nawawalaSablay din ako sa color switch
bukod sa ngalay ko sa sunod-sunod na pagpindot
nababangga ko ang ibang kulay lagi
nahihilo ako sa mga makukulay na bagay na umiikot
dinadaanan ko itong umiikot ng mabilis tapos biglang babagal
at yung pagtalbog ng bolang pabago-bago
sa bawat segundo nagbabago ang kulay nito
kaya wala akong hilig sa mga color games strategies
kasi naman palagi kaya akong lugi
pero pagdating sa'yo ako'y nagwawagi
suwerte ako basta ikaw lang palagi
ikaw ang kasama
'yang makinang mong mata ang nakikita
malarosas mong labi
at ngayon, sobra pula na ng 'yong pisngi
tignan mo
sa unang pagkakataon, natamaan ko ang saktong kulay
paano ba naman kasi lagi mong hawak ang kamay
sana ganito tayo habang-buhay
kahit bulag pagdating sa kulay
ng bawat bagay-bagay
balewala yun sa'kin basta't pag-ibig ko'y tunay
pagdating sa'yo 'di ako sasablayAnong kulay 'to?
hindi makakibo
laging mali ang hula ko
oo, hinuhalaan ko lagi ang sagot ko
nahihirapan ako pagdating dito
pero pag tinanong nila ko kung anong kulay ang pagmamahal ko sa'yo
hindi ako sasagot kaagad
kundi titingin muna ako sa'yo
at sasabihing, walang eksaktong kulay
kasi simula nang sinamahan mo ako
iba't ibang kulay ang nakita ko
naging makulay ang mundo ko dahil sa'yoSa buong buhay ko laging maling kulay ang nasa paligid
kaya dati bumuo nalang ako ng sariling silid
isang silid kung saan ako lang ang may alam
at ako lang ang laman
dito ko tinago ang nararamdaman
laging dinadaig ng takot ang isipan
pero nang dumating ka
napalitan ito ng saya't pag-asa
tinulungan mo akong umahon
sa kalaunan muli akong nakabangon
palabas ng silid ng pag-aalinlangan
patungo sa mundong puno ng pagmamahalan
walang kakulay-kulay ang mundo ko dati
pero naging makulay noong ika'y nakisali
at noong ako ang pinili
ang puso ko'y tila naging isang bahaghari
pagkatapos ng ulan kaagad itong namutawi
ang dating itim at puti
pinintahan mo't nagkaroon ng palamutiNakisali ka sa mundo ko
at hindi lang iisang kulay ang nasisilayan
kundi magkakaiba, kahit mali
basta madami
hindi ko man mawari kung ilan
sa mata ko man mga ito'y walang kasiguraduhan
nag-iisa ka sa mga kulay na lagi kong pakakatandaan
hindi ko malilimutan
laging ikaw lang
totoo lang
ikaw lang ang kulay
na naging tunay at malapit
naging tunay sa paningin
tila nga hanggang naging malapit sa'king puso
kaya pagdating sayo
hindi na ako magkakamali
lalong 'di na ako malilito
kasi tinuturo mo ng maigi
at sinasabi mo parati
na 'di naman kailangang hulaan mo kung anong kulay
kundi piliin mo nalang 'yung sigurado kang tunay
tunay sa puso mo kahit hindi na sa mata
kasi nga may mga bagay na 'di nakikita ng mata
na tanging puso lang ang nakakakitaNaging eksperto ka sa mga kulay
kita mo ang ganda ng mundo
gumuguhit ka gamit ang iyong kamay
para magkaroon ng buhay ang bawat bagay dito
ganyan ang ginawa mo sa'kin
ako ang napili mong kulayan
sa dami namin ako ang pinili mong minahal
sabi mo ako ang pinakapaborito mong pintahan
linapatan mo ng iba't ibang kulay ang bawat pagkatao ko
nabago ang pananaw ko sa mundo
na dati akala 'di ko na mababago
pero nagkamali ako
kasi sa bawat araw ko
na kasama kita
nagkaroon ako ng pagkakataon na makita
sa bawat araw na magkasama tayong dalawa
sa piling ng mga tinta
makukulay na tinta na laging nagpapaalala
kung gaano kasayang magbigay kulay
sa mga bagay-bagay sa mundo
kung paano mo mapapagaan ang puso
sa pamamagitan ng pagtawid mo sa kanila sa tulay ng buhay
na para bang kusa nilang binubuksan ang 'yong isipan
at pilit na nakikiusap sa'yo na pagbigyan
na tuluyan mo silang buhayin sa imahinasyon
sa pamamagitan ng tiwala't pagmamahal
walang kasamang takot at pangamba
walang alinlangan at pag-aalala
basta't kasama mo siya
pareho kayong nagbibigay kulay sa bawat isaKaya nagiging tama ang lahat ng 'to dahil sayo
dahil hawak mo ang kamay ko
at ikaw ang nagsisilbing mata ko
sa mga kulay na 'di ako sigurado
ikaw ang laging dahilan kung bakit nagiging totoo
na kahit laging mali sa paningin ko
pilit nagiging tunay at totoo sa'king puso
kasi nga nandoon ka
kasama ka niya
bihag mo siya
at ikaw ang kaisa-isang kulay na taglay niyaPero 'di ko alam kung paano magkakaroon ng buhay ang mga kulay
kapag nawala ka
o 'di kaya nama'y kung magkakaroon pa ng kulay ang buhay
kapag iniwan mo akong mag-isa
parang 'di ko yata kaya
kaya dito ka lang sa tabi ko
samahan mo ako hanggang sa makabisado
at masanay ang mata sa mga kulay ng mundo
sana 'wag kang magsawang ituro sakin kung pa'no
magpakatotoo sa sarili gamit ang puso
'di puro pagkukunwari gamit ang mata sa paniniguro
'di ko alam kung paano ko itatama ang mga kulay kapag wala ka na
'di ko alam kung paano ako makikinig sa puso ko
kung unti-unti ka na niyang 'di makikita
at tuluyan ng mawawala ang kulay na binigay mo sa kanya
huwag naman sanaSabi mo sabay nating kukulayan ang mundo
parehong pagtutulungang kulayan ang bawat makikita ko
bubuo tayo ng makulay na paraiso
na mismong tayo lang ang bumuo
at pumili sa mga kulay sa paligid nito
at sa unang pagkakataon 'di na ako mahihirapan
sa pagtukoy sa bawat kulay ng sulok nito
mahal ko akala ko hindi na magkakakulay ang mundo
pero mas pinili mong samahan ako
kahit na alam mong bulag ako
bulag pagdating sa kulay ng mundo
pero hindi sa kulay ng pag-ibig ko sa'yo
sinisigurado kong walang sinuman ang makakapagpapabago
nang tunay na kulay na ipininta natin
mananatili ito sa dati
wala akong babaguhin
kahit ni isa walang aaalisin
wala kong gagalawin
kasi dito alam ko
perpekto ang pagtingin ko
dito ko unang nakabisado
ang tunay halaga ng bawat kulay
naging mahalaga ang bawat anggulo nito sa'yo
kung kayat patuloy ko itong aalagaan
ito'y lubos kong iingatanSa pagkawala ng kakayahan mong makakita
ako naman ang magsisilbing iyong mata
muli nating itutuloy ang pagkulay
hindi na sa mundo natin kundi sa ibang bagay
sa labas ng paraiso natin
kung saan madaming nag-aabang sa'tin
at sa paglabas natin
gusto kong ipaalam sa'yo na kaya ko na
kaya na ng puso kong lumikha
guguhit at pipintahan isa-isa
ang bawat espesyal na bagay na makikita
at sa aking obra
gagamitin ko ang kulay sa puso ko
at ikaw 'yun
mata ang gagamitin sa pagbuo ng hugis at anyo
habang sa pagpili ng kulay gamit ang aking puso
pusong taglay ang kulay ng pag-ibig mo
na kada nalilito ako sa pagpili ng kulay
tibok nito ang susundin ko
hindi ko na kailangang mag-aalala
dahil sa bawat pintig nito sinasabi niyang nandito ka
mananatili ka
hindi ka kailanman mawawalaHindi man ako nakikita ng iyong mga mata
malaman mo sanang mahal parin kita
asahan mong 'di magtatago
kasi ramdam kong nandito ka lagi sa'king puso
sinasabi niyang taglay niya parin ang kulay na binigay mo
natatangi kang kulay na kanyang paborito
na sa paglipas ng panahon 'di yun mapapalitan ng ibang kulay
patungan man nila ng iba 'di ito tatamlay
pilitin man nilang burahin ito pero 'di ito kukupas
ikaw at ikaw parin ang kulay na ipapamalas
kulay na namumukod tangi sa lahat.Colorblind
November 30, 2018; 10:40pm
BINABASA MO ANG
Hundred Thoughts of You
PoetryKadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...