Dama Ang Tinig Mo

37 0 0
                                    

Ramdam kong naglalambingan ang mga ibon
kita ko ang galak sa kanilang huni
narararamdama'y sa kanya itinapon
pero tila ayaw kong magpahuli

ramdam ko ang pagyugyog ng paa
ngunit walang anumang marinig na tunog
'di ko napigilang isayaw ka
tayo'y biglang napaindayog sa tugtog

ramdam kita sa bawat tinig mo
patawad, tanging ngiti lang ang kayang ibalik
bawat saya't kaba mo'y nasaksihan ko
tahan na, yakap ka ng aking bisig

nag-umpisang pumilantik ang mga kamay at daliri
sa ganitong estilo kaya kitang kausapin
napintahan na ng saya ang labi
sabi sa'yo kayang-kaya kitang patawanin

'di ko marinig ang ingay ng mundo
tanging musika ng puso ang nararamdaman
sa piling mo'y kampante ako
puso nati'y lubusang nagkakaintindihan

'di alintana ang hilo ng paligid
kahit patuloy tayong pinaglalaruan ng daigdig
kabisado na kita bawat buka ng bibig
palaging dama ang tinig ng 'yong pag-ibig.

~Dama Ang Tinig Mo
10/11/2019; 21:58

Hundred Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon