Chapter 11

1.7K 115 44
                                    

"S-sige.." Ang tanging naisagot ko kay Kiefer. Nakita ko namang sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi.

"Thank you Ly. Saan mo ba gusto kumain para makaupo tayo." Tanong niya sa akin.

"I am still full. Kakakain ko lang eh. Doon na lang tayo umupo sa mga benches." Suhestiyon ko sa kanya.

"Sige tara." Tugon niya. Para kaming naghihintayan ng kung ano, ngunit hindi na ako muling nagsalita at pinili na lang maunang maglakad.

Kiefer kept his distance as he followed me, masyado na akong naging maingat sa mga kilos ko simula ang pangyayaring iyon sa klinika.

Naalala ko na naman ang mapait na memoryang iyon. Kahit ang alala ng pagpunta ni Kiefer noon sa bahay namin at ang pagtanggi niya na siya ang ama ng dinadala ko ay nagdulot ng kirot sa puso ko.

Maguusap rin lang naman kami ay kailangan ko ring ilabas ang mga hinanakit ko. Marahil ay wala rin siyang alam sa ginawa ng kanyang tiyahin.

I led the way until we reached the seaside.  Nang makakita ako ng bakanteng mauupuan ay doon kami tumungo.

Umupo ako sa kabilang dulo, ganoon din ang ginawa ni Kiefer. Nang lumipas ang ilang minuto ay nagpakawala ako ng isang mahabang buntong hininga.

I felt Kiefer gazed at me. I was about to speak ngunit ay naunahan niya ako.

"Ly alam ko nagsasawa ka na sa sorry ko. Pero dahil nandito na rin na tayo sana hayaan mo muna akong makapagpaliwanag ng side ko." I looked at him as he spoke. " Spill it Kiefer." I said in a boring tone.

"Alam ko Ly na hindi naging maganda ang simula natin. Hindi man natin plinano ang lahat pero siguro nadala lang rin tayo ng mga pangyayari. Siguro na curious tayo, nagpadala sa bugso ng damdamin, sa init ng katawan." He took a deep breath and looked far away.

"Si Mika... si Mika girlfriend ko siya for the past three years. Nung una okay naman kami.." I raised my hand to cut him off.

"Hindi ako interesado sa love story niyo. Get straight to the point Kiefer!" Sigaw ko sa kanya.

"Sorry. Uhm.. Nung nakilala kasi kita magulo kami noon ni Mika. Our relationship was on the rocks. Naexcite ako nung nakilala kita. Akala ko game ka sa lahat kaya siguro I took things differently, kaya ko siguro nagawa yun nung unang may nangyari sa atin."

"Alam ko Ly na kahit ilang sorry pa at kahit ano pang justification ang sabihin ko ay walang makakapag patanggal ng sakit na naidulot ko sayo."

"Nung nalaman ni Mika na may nangyari sa atin at niloko ko siya, natural na nagalit siya sa akin at hiniwalayan ako. Nagmahal lang rin ako Ly kaya pinilit kong bumalik siya sa akin. Pero hindi siya papayag hangga't hindi ko gagawin ang gusto niya. Gusto niyang makipaglapit ako sayo, to make you fall for me,  and when you will eventually do ay saka kita iiwan."

I was damn hurt with Kiefer's revelations. Hurt yet a single tear did not escape my eye. Maybe even my lacrimal glands were too tired of excreting tears.

"Inaamin kong noong una yun ang tanging pakay ko. Because I was too inlove then. Pero nung nakilala kita ng mas malalim bigla kong gustong umatras sa hiling ni Mika. Desido na ako noon na iwan siya at tigilan na ang masamang balak sa iyo, but something came up.. Nalulong si Papa sa sugal, nabaon siya sa utang noon na kahit sweldo ni Kuya Ferdy sa Abu Dhabi bilang nurse ay hindi sapat para bayaran ang mga pagkakautang niya."

"Wala kaming ibang matatakbuhan noong panahon na yun kundi si Mika. Pinahiram niya kami ng malaking halaga para lang hindi makulong si Papa. Wala siyang pinatong na anong interest, instead she begged me to stay with her. Wala akong nagawa Ly."

"Noong pumunta kami doon ni Papa sa bahay ninyo, pakana rin iyon ni Mika. Gigipitin niya si Papa pag hindi namin sinunod ang hiling niya."

May kung anong hinugot si Kiefer sa kanyang bulsa, laking gulat ko nang inilabas niya ang ultrasound film ng baby namin.

Garagal ang boses niya ng nagpatuloy siya sa pagsalita.

"Nahulog mo to nung pinuntahan mo ako sa bahay namin kaya tinago ko.. Masakit sa akin Ly na kailangan kong ideny ang sarili kong dugo at laman. Noong pumanhik ka na sa kwarto mo nung andoon kami ni Papa, naglakas loob akong kausapin ang mga magulang mo. Sinabi ko sa kanila na kapag kaya ko na ay babalikan ko kayo ng anak ko. Nagulat ako pero gusto kong intindihin ang Daddy mo."

"Ano bang sabi ni Daddy sayo?" Tanong ko kay Kiefer.

"Sabi ng Daddy mo na mas mabuting kalimutan na kita, na hindi ako bagay sayo, sa inyo, na naging masamang impluwensya ako sayo. Sabi niya kayang kaya ka niya buhayin at ang magiging anak natin. Tama naman siyang dapat na kita layuan pa. Na...."

Hindi ko na pinatapos ang mga sasabihin ni Kiefer. Nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko. Tumayo na ako at nagsimulang tahakin ang daan patungong parking lot.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Kiefer sa pangalan ko. Naramdaman ko rin ang mga yapak niya sa pagsunod sa akin kaya mas lalo kong binilisan ang paglakad ko.

Tama nga ba ang mga sinabi ni Daddy? Bakit nasasaktan ako? May karapatan ba akong magalit sa kanila? Dapat ba akong magalit kay Mika? Kay Kiefer? O sa sarili ko dapat lahat ang sisi? Eh paano yung binalak sa akin ni Tita Juliet?

Masyado nang pagod ang isip ko.

Napasandal na lang ako sa manibela ng aking kotse umaasang sa pagkurap ko ay mawala na ang lahat ng sakit.

Saka ko pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong pumatak.

+++++++++

Kiefer

And for the third time, I saw the love of my life walked away from me.

If only I could had things on my way, matagal ko nang hindi pinakawalan si Alyssa.

Because yes, I am inlove with her.

xxxxxxxxx

IMPULSE  [KiefLy] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon