Alyssa's meningioma was categorized as Type II or atypical meningiomas. Not the cancerous type yet the tumors are rapidly growing than the usual.
On the day that I proposed to her was the day we discovered that the tumors had abruptly increased in size and some had already reached a portion of her spinal cord. Hence the need for surgery. But surgery doesn't entail total removal of the tumors, only a portion of them could be removed.
Surgery highly involves the limbic system. The limbic system is a set of structures in the brain that supports a variety of functions including emotion, behavior and long term memory.
Iyon ang kinakatakot ni Ly na mangyari. Oo nga't maooperahan siya, partially matatanggal ang mga tumor, ngunit ang ikinakatakot niya ay ang mangyayari pagkatapos. Malaki ang posibilidad na lahat ng memorya niya ay mabubura. Natatakot siya na ni isa samin ay hindi niya maalala.
Ngunit iyon lamang ang maaring pagpipilian namin sa panahong iyon. Hindi man garantisado na matatanggal lahat ng tumor o hindi man garantisado na hindi na iyon babalik, iyon ang tanging option na mayroon sa kaso ni Ly.
Napagpasiyahan namin na hindi na lumipad sa America para sa operation. Kakayanin naman kung sa Corinthian Doctors, up to date naman ang technology at equipments na mayroon ang institusyon.
Initiated by Karys, we filled Alyssa's room with balloons and fresh flowers, everyday she would pin a note on a corkboard for her Mom, that she herself designed, saying how lucky she is and how much she adores her.
Alyssa's closest friends were ever present, too. In a day they transformed the private room to different special occasions and events. From Ly's birthday, to Valentine's day, to Christmas day, and to New Year's day. I saw how Ly was happy despite the fear and pain she had.
Karys never got tired of filming us. She wanted to document every single detail of her mom, of us three as a family.
Nang matapos ang visiting hours at nakaalis na ang lahat ng bisita sa silid ay maingat na lumapit sa akin si Karys.
"Dad, I think may nakalimutan po yung friends ni Mommy." Bulong niya sa akin.
"What is it, nak?" Tanong ko sa kanya.
"We never portrayed your wedding day, Dad." Sabi niya na siyang ikinangiti ko.
"Daddy is prepared for that. Tomorrow you'll be Dadddy and Mommy's beautiful princess." Napapalakpak naman siya sa sinabi ko at hindi na maitago ang saya nang sinabi ko sa kanya ang plano ko.
+++++++
Nagising si Alyssa ng bandang alas kwatro ng umaga nang may nurse na nag rounds at chineck siya.
"Goodmorning Ma'am Ly. Tanggalin ko lang po IV line and dextrose niyo, change to heplock po muna tayo." Bati ng nurse sa kanya.
Nang matapos ang ginawa ay nagpaalam na ang nurse. Nagulat naman si Alyssa na biglang dumating si Ella.
"Goodmorning beshhhhh! Rise and shine! Wakey wakey!" Masiglang bati ni Ella sa kaibigan.
"Hoy Ella 4am pa lang oh, aga mong mambulabog. Lahat ng patiente sa floor na to magigising sa boses mo eh." Sita ni Ly.
"Ang sungit besh ha." Sagot ni Ella at saka lumapit kay Ly para makipagbeso.
"Eew besh amoy laway ka." Biro niya at saka lumakad paatras.
"Malamang di ba natulog ako. Bakit nga nandito ka besh? Asan sina Kief? Wala yata akong watchers ah." Buong pagtataka na tanong ni Ly.
"Baka sa kabilang room sila o baka bumaba. Aba'y malay ko besh. Teka, wala ka ng IV?" Pagpapalit ng usapin ni Ella.
BINABASA MO ANG
IMPULSE [KiefLy]
Fanfictionwhere will your decisions out of impulse take you? 110317-120317