Kiefer
Gusto kong takbuhin ang distansiya namin the moment I saw her in the couch, asleep and with a book in her hand. But of course I had to act formal. Nasa workplace kami and we were expected to act professionally.
Nakita kong busy pa si Migs sa kanyang telepono kaya naisipan kong lapitan si Alyssa. Gustong gusto ko siyang yakapin at halikan.
Mahigit walong taon ko rin siyang hindi nakita at nakausap.
Sa walong taon na yun wala akong ginawa kundi mag-aral ng mag-aral dahil gusto ko pagbinalikan ko na aking mag-ina ay karapat-dapat ako at tunay na may maipagmamalaki hindi lang kay Ly at sa anak ko kundi higit lalo sa mga magulang niya.
Pinigilan ko ang aking sarili sa gagawin kaya naisipan ko na lang na ilabas ang aking cellphone at kunan siya ng litrato. Nakailang kuha na rin ako bago pa niya namalayan.
Bwisit rin tong Migs na 'to eh, makipaglandian na sa harap ko at kay Alyssa pa.
Walang gana akong nagpakilala sa kanya na kunwari'y estranghero kami sa isa't isa. Nang magtama ang mga kamay namin ay alam kong naramdaman niya rin ang kuryenteng dumaloy sa amin dahil bigla niyang binawi iyon.
Parehas ba kami ng nararamdaman?
Iginugol namin ang araw naming tatlo sa paglibot sa buong hospital at pag-aral sa mga papeles at daily routine ng hospital.
Hindi ko maiwasang hindi asarin si Alyssa. Alam kong pikon na siya at gusto na akong patulan ngunit ay pinili niyang magtimpi at manahimik.
Hindi natapos ang araw na hindi ko sinabi kay Migs kung sino talaga si Alyssa sa buhay ko. Mabuti na malinaw ang lahat.
Bago kami pormal na nagsimula mag duty sa Good Samaritan Hospital ay nauna ko nang puntahan ang mga magulang ni Alyssa na lingid sa kanyang kaalaman.
Nais ko lang na magpakita sa kanila at ipaalam ang kagustuhan kong makuha muli ang loob ni Alyssa.
Sa pagkakataong iyon ay hindi na ako nagpasindak at hindi ko hinayaang maliitin ako muli. Marami na masyado ang panahon na nasayang, ni hindi ko man lang nasilayan at nagabayan ang paglaki ng anak ko.
Sa pagkakataong iyon, itatama ko na ang lahat.
"Isa lang naman ang hinihiling namin Kiefer, yun ay ang makitang tunay na masaya ang anak at apo namin. At kung sa piling mo iyon ay hindi na kami kokontra." Iyon ang mga salita ng Daddy ni Ly na tumagos sa akin.
"We're giving you our blessings, Kiefer." Sabi naman ng Mommy ni Ly na ikinagalak ng puso ko.
Ang mga salita nila ang siyang nagbigay sa akin ng lakas ng loob at nagtulak lalo para magpursigi ke Ly. Gustuhin ko mang makapiling ng agaran ang aking anak ay gagalangin ko kung anuman ang magiging desisyon ni Ly.
Nagsimula ako noon sa mga papansin na pacute kay Alyssa sa tuwing nagkakataon na parehas kami ng duty. Nagsisilid ako ng maliliit na notes sa mga bagay na hawak niya o kaya ay nagiiwan ng pagkain para sa kanya. Ngunit lahat ng iyon ay sinosoli niya pabalik sa akin. Kaya pinilit kong kumuha ng pagkakataon na makausap siya ng maayos.
"Ly, please, can we talk like two civilized adults nang hindi mo ako iniirapan at tinataasan ng kilay?" Tanong ko sa kanya ng minsan ay inabangan ko siya sa parking lot.
"Ano ba kasi ang gusto mo ha, Doc?" Sarkastikong sabi niya sabay na binuksan ang pintuan ng kotse upang ilagay ang mga gamit niya.
"Ikaw ang gusto ko Ly." Diretsong sagot ko. Bigla naman siyang napatayo at hinarap ako.
"Gustong ano? Iassist ka sa patiente mo? Icarry out doctor's orders mo? Irefer sa ibang department mga kaso sa ward? Ano?" Sunod sunod niyang tanong habang binibilang pa sa daliri ang nga sinasabi.
"Gusto nga kita romantically, Alyssa." I said with conviction.
Tumawa siya ng pagak. "Gago! After 8 years makikita kita at sasabihin mo gusto mo ako? Ulol. Hindi na ako nakikipaglaro Kiefer. Excuse me kailangan ko na talaga umuwi."
Hinawakan ko siya sa magkabilaang siko upang humarap siya sa akin ngunit ay lalo lang siyang nagpupumiglas. "Ly, naipaliwanag ko na sa'yo dati ang side ko. Ito na ako Ly oh, handang handa na ako bumawi sa lahat lahat at harapin ang lahat na darating pa. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon Ly." Pakiusap ko sa kanya.
"Hindi mo kailangang bumawi. Iwan na natin ang lahat ng yun sa nakaraan." Walang gana na sabi niya.
"Basta papatunayan ko sarili ko sa'yo, sa inyo ng anak ko. At walang kang magagawa dahil hindi ako titigil."
"Eh di goodluck sa'yo. Basta huwag na huwag mo idadamay yung pamilya ko sa kalokohan mo na yan." Banta niya sa akin.
Napangiti naman ako. "Sorry Honey, I asked for their blessings and they said yes. Soon yung yes mo naman ang makukuha ko." Saka ko siya kinindatan na ikinapikon naman niya.
"Asa ka pa! Alis na nga diyan at nang makaalis na rin ako." Utos niya sa akin at saka mabilis na sumakay ng kotse.
"Ingat sa pagmaneho babe." Bilin ko sa kanya. At mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan.
Mapapasagot din kita, Alyssa.
Hiningi ko ang tulong ni Ella sa pamamagitan ng pagsuhol ng pagkain sa kanya. Kapalit noon ay ang cellphone number at combination ng locker ni Alyssa.
Araw araw ay wala akong pinalampas na ipadama sa kanya ang nararamdaman. Letters, notes, food, small gifts at madalas na pangungulit sa kanya, lahat ng iyon ay walang kapaguran na ginawa ko kay Alyssa. Paminsan naman ay pumapayag siya na lumabas kami upang mamasyal. At may pagkakataon rin na umaakyat ako ng ligaw sa bahay nila. Ngunit sa tuwing punta ko ay hindi ko nasisilayan ang aming anak. Marahil ay pinoprotekhan lang siya ni Alyssa. Nauunawaan ko naman iyon.
Ramdam ko naman na may espesyal na nararamdaman rin si Alyssa para sa akin. I was not that dense. But maybe the demons from the past kept haunting her. Maybe it hindered her from giving another shot, another chance.
I should make a way to make her face all those fears and second thoughts.
xxxxxxxxxx

BINABASA MO ANG
IMPULSE [KiefLy]
Fanfictionwhere will your decisions out of impulse take you? 110317-120317