Ipinagbigay alam ko ang tungkol sa alok na trabaho sa mga magulang ko. Kumontra pa noong una ang Daddy ngunit ay nakumbinse ko naman kinalaunan.
Nang sinabi ko naman ito kay Karys ay hindi siya magkamayaw sa galak at excitement. Araw araw na kasi niya makakapiling ang kanyang Lolo, Lola at Tita Kianna. At hinirit pa na sana ay kasama rin si Tito Raf niya.
Nanatili pa kami ng isang buwan sa Batangas upang maayos at maiendorse ko pa ang maiiwan kong position. Binigyan pa nila ako ng isang despedida party noong huling araw ko. Masaya na malungkot akong lumisan sa opisinang iyon. Pitong taon rin na doon umikot ang mundo ko sa institusyong iyon.
Nagprisinta si Raf na ihahatid niya kami sa Maynila. Nakasunod naman sa isang kotse sina Kuya Allan at Manang Lydia lulan ang mga gamit namin.
Halos si Karys at Raf lang ang nagsasalita at nagtatawanan sa mga unang oras ng biyahe namin. Nakakatuwa na masyado silang malapit sa isa't isa. Hindi nagtagal ay naubos rin ang energy ng anak ko at nakatulog na. Napansin naman ni Raf na tahimik ako at nakamasid lang sa labas.
"Hoy Mars!" Pukaw niya sa akin sabay sundot niya sa tagiliran ko na ikinatili ko naman.
"Ayy ano yan virgin effect lang?" Sabi niya na agad ko namang tinakpan ang bibig niya.
"Hoy may bata, baliw ka talaga teh." Angil ko sa kanya.
"Tulog naman yan. Bakit nga kasi tulaley teh? Back out ka na? Ano ibabalik ko na kayo sa Batangas ngayon rin." Tiningnan ko lang siya.
"Ang drama. Iniisip ko lang mga kakailanganin ko pa bago magsimula sa trabaho ko don no!" Sabi ko na ikinataas niya ng kilay.
"Sige kunwari na lang naniniwala ako diyan. Na hindi ang posibilidad na pagkikita niyo ng ex jowa mo ang iniisip mo. Hoy Alyssa ingatan mo yan. Alam ko naman masarap pero huwag basta bumukaka teh." Saka siya humalakhak.
Hinampas ko naman yung dibdib niya. "Ayaw mo kasi ako pagbigyan Mars eh." Biro ko na ikinaasim ng mukha ni Raf.
Nagkatinginan kami at sabay na umarteng nasusuka. Hindi talaga talo.
Hindi kami naubusan ng pagkukwentuhan ni Raf hanggang narating namin ang bahay namin sa Quezon City.
Nanatili pa siya ng isang oras bago nagpasyang tumulak na pabalik ng Batangas. Nagkadramahan pa sila ni Karys nang magkapaalaman na. Nangako na lang siyang babalik balik ng Maynila na siyang nagpatahan sa bata.
"Uy Mars yang puso mo ha ingatan teh. Mamimiss ko kayo." Sabay yakap niya sa akin.
Ngumiti ako ng malapad. "Salamat sa lahat Mars. Basta tawagan na lang tayo ah. Ingat ka sa biyahe." Sabi ko at niyakap rin siya.
+++++++++++
Isang linggong pahinga lang at nagsimula na rin ako sa Good Samaritan. Si Karys naman ay naihabol ko pa ng enrollment para sa first quarter ng school year dahil mid July na noong nag Maynila kami.
Laking tuwa ko na itinalaga ako sa Medical Ward. Si Ella at Chye naman ay mga head Nurse na rin sa ibang departamento.
Naging mabilis ang paglipas ng panahon. Masyado akong naging abala sa trabaho, kay Karys at kung paminsan minsan ay sumasama akong lumabas sa mga kaibigan ko.
Sa tuwing susubukan ni Ella na buksan ang usapin tungkol kay Kiefer ay agad ko siyang binabara. Hindi ako interesante sa bagay na iyon. Hindi sila nagsasawa sa panunukso sa akin kaya hinahayaan ko na lang.
Naging punong abala ako sa paghanda para sa ika walong taong birthday ni Karys sa parating na Nobyembre.
It was her first time to celebrate her birthday in Manila. And her first time to gain many friends since I enrolled her in a big school. I tried to grant everything in her wishlist.
Hanggat makakaya ay naging hands on ako sa lahat ng pag aasikaso. Ipinagsabay ko ang lahat. Mabuti na lang rin at napapadalas ang pag biyahe ni Raf sa Maynila. Naging kasa kasama ko siya sa mga lakad.
Dala na rin siguro ng madalasang puyat at sobrang kapaguran ay napansin kong laging sumasakit ang ulo ko. Marahil dala na rin iyon ng hindi pagkain sa tamang oras. Minsan nga sa pagmamaneho ko ay biglang lumalabo ang aking paningin.
Inakala kong baka tumaas lang ang grado ng mata ko kaya nagpacheck ako at kumuha ng bagong salamin.
Nang sumapit ang birthday ni Karys ay maaga pa lang nasa hotel na ako para siguraduhing magiging maayos ang venue. Naka angkla ang kamay ko noon kay Raf habang papasok sa venue nang may mahagip ang mga mata ko.
Sinundan ko iyon ng tingin, kumurap kurap pa ako umaasang namalik mata lang ako. Posible ngang si Kiefer iyon. Malaki na ang pinagbago ng postura niya, ibang iba ang pananamit. Binago na siya ng panahon. Alam kong tumingin rin siya sa direksyon namin.
Saglit nawaglit iyon sa isip ko nang hatakin ako ni Raf dahil tinatawag na pala kami ng organizer.
Naging maayos naman ang takbo ng party. Halos lahat ng inaasahan naming mga bisita ay nakadalo sa piging.
Sumali kami ni Raf sa mga contest bilang request naman ni Karys. Game na game naman si Raf, aakalain mo ay tunay na lakake sa mga kilos. Palihim na lang akong natatawa at tinutukso siya.
Maging ang Lolo at Lola ay hindi rin naging ligtas sa mga kagustuhan ng bata. Nakita ko ang galak at tunay na kaligayahan sa mga mata ng anak ko.
Nagulat na lang ako at tinawag si Karys ng emcee sa stage upang magbigay siya ng konting speech pagkatapos niyang hipan ang kanyang birthday candle.
I cheered for her the loudest as she made her way to the stage. But I did not expect on what she said next.
"Hello everyone. I'm Karys and I want to thank you for attending my birthday. Thank you Lolo Ruel, Lola Lita, Tita Kianna, Tito Raf and to my Mommy Ly for giving me the best birthday ever. My Mommy gave all the things I asked in my wish list but I think she forgot the last one on my list."
Nagtawanan ang lahat ngunit ako ay nagtataka kung may nakalimutan nga ba ako.
"Momma, I wish to see my Daddy soon po. Please Mum." Pinagsikop pa niya ang kanyang munting kamay.
Those were the last words I heard before I lost my consciousness.
xxxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
IMPULSE [KiefLy]
Fanficwhere will your decisions out of impulse take you? 110317-120317