Ramdam kong may mga matang mabigat na nakatingin sa akin kaya pasimple akong napalingon lingon sa loob ng bar na iyon.
At nang nagawi ang tingin ko sa grupo na halos mga babae at bading ang magkakasama, ay nagtama ang mga mata namin ng isang babaeng estranghero. Agad naman niyang binawi iyon.
Mataman ko siyang tinitigan sa malayo. Matangkad, morena, maganda, at may napakatamis na mga ngiti. Ang boses at tawa niya ay parang musika sa aking tenga.
Napailing ako sa mga naiisip. Tinamaan na yata ako ng espiritu ng alak. Iwinaksi ko ang mga naglalaro sa isip ko. Kaya pinili ko na lamang na sumaya at makipagsabayan sa mga kaibigan ko.
Pero sabi nga nila minsan sadyang mapagbiro ang tadhana.
Naglalakad lakad kami ni Von noo
n sa isang mall nang mahagip ng mata ko ang babaeng estranghero. She was wearing her all white nurse's uniform, her hair in a neat bun. Far from that perky and too daring clothes she was wearing that night in the bar. Simple yet captivating."Uy paps! Laway mo! Grabe ka makatulala diyan ah!" Pukaw sa akin ni Von at saka sinundan ang direksyon na tinitingnan ko.
"Parang pamilyar yang nurse na yan ah. Teka, oo, oo tama! Siya nga yung isa sa mga kasama ni Ella." Bulalas ni Von.
"At sino naman si Ella?" Kuryosong tanong ko sa kanya.
"Nung birthday ni Kevin di ba nag bar tayo, sa Altitude?" Tumango naman ako. "Di ba may nakilala akong babae non, si Ella. Tapos siya kasama siya ni Ella nung gabing yun." Sabay turo niya sa babae.
"Hingin mo naman number niya sa chicks mo paps!" Utos ko kay Von.
"Uy loko ka. Paano si Mika?" Tanong niya.
"Ito naman number lang naman. Bigay mo na sa akin." Paguusig ko kay Von.
At doon na nga nagsimula ang istorya namin ni Alyssa.
Nang magkasakit ang Lola ko ay ginawa ko iyong excuse para kahit papano ay makalayo ako kay Alyssa. At sa paglayo na iyon ay doon ko napagtanto na unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Lahat ng ginawa at pinakita ko kay Alyssa ay bukal sa akin at totoo.
Sa katunayan pa nga ay nakalimutan ko na ang kasunduan namin ni Mika na saktan si Alyssa.
Oo at minahal ko siya. Pero ang pagmamahal niya ay nagdidikta, nanghihingi ng kapalit, pagmamahal na nakakasakal.
Handa na akong tuluyan na makipaghiwalay sa kanya, kung hindi lang dahil sa sitwasyon na nakasadlakan ni Papa.
Noong natanggap ko ang mensahe ni Alyssa, nagulat man ay iba pa rin pala ang galak na malaman na magkakaanak na ako.
Handa akong panagutan iyon at pagsikapan na buhayin siya at ang magiging anak namin. Yun nga lang ay naipit ako sa sitwasyon na hindi ko ginawa.
May bahid man ng katotohanan ang mga sinabi sa akin ng Daddy ni Alyssa, ay malugod kong tinanggap ang lahat ng nga salitang iyon. Wala akong magawa kundi sumang ayon. Naging biktima ako ng pagkakataon.
Ipinangako ko na lamang sa aking sarili na magtatapos ako, maghahanap ng maayos na hanap buhay at kapag umayon na ang tadhana ay hindi ako magdadalawang isip na kukunin ang mag-ina ko.
At noong araw na iyon, sa ikatlong pagkakataon ay hinayaan at pinanood ko siyang lumayo sa akin.
Hinabol ko siya ngunit mas binilisan niya lang ang mga hakbang niya kaya't tumigil ako. Baka iyon ang mas makabubuti sa amin.
Masakit pero kailangang tanggapin. Iyon ang buhay.
Balang araw Alyssa, balang araw, mahal ko.
+++++++++
I went home that day with a heavy heart. After hearing all of Kiefer's revelations, I realized one thing, that I had ruined too many lives just because of a single mistake.
Even though how hard I would repent and blame myself, I just could not undo things and put everything back in shape. It was too late.
The best that I could do was to keep going and start anew. For myself and for the new life I was carrying.
Alam kong magiging mahirap pero kailangang kayanin. Wala akong ibang makakapitan noon kundi ang sarili lamang.
Napagpasiyahan kong hindi na rin komprontahin ang mga magulang ko sa mga nalaman ko mula kay Kiefer. Marahil ay may sarili silang mga dahilan, para sa kapakanan ko at sa magiging anak ko.
Marahil ay wala talagang ako at Kiefer.
When I had settled in Batangas, my parents hired me a personal driver and a maid who would be my constant companions. They needed to travel to and from Manila to attend to our family business then.
Bagong bahay, bagong buhay. Pinilit kong isara ang mundo ko sa Maynila. Nagpalit ako ng numero, maging ang mga social media accounts ko ay dineactivate ko. Kailangan kong gawin lahat ng iyon para sa sarili.
Napilit ko ang mga magulang ko sa kagustuhan kong maghanap ng trabaho. Ayoko namang mabato at magmukmok sa bahay. Isa pa ay kailangan kong malibang ang sarili ko sa ibang bagay.
Yun nga lang ay hindi ako maaaring mag apply muna sa mga hospital. Masyado itong magiging mabigat sa kalagayan ko.
Kaya sinubukan ko noong mag apply ng office work sa local branch ng Department of Health sa Batangas.
At doon nga ay nakilala ko si Raf.
xxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
IMPULSE [KiefLy]
Fanfictionwhere will your decisions out of impulse take you? 110317-120317