Chapter 22

1.8K 102 10
                                    

"Alyssa, please inform me asap if ever you will feel any unusualities. Any minor change could mean something." Muling paalala ni Doc Saturno sa akin ng ma-idischarge ako kinabukasan.

My parents wanted me and Karys to go back home instead of staying in our condo, in that case they could see and check on me more often. And so I gave in to their request.

I had always pretended to be fine and strong especially in front of Karys. I did not want her to worry about anything else. She is too young for this kind of thing.

Kiefer was so eager to know what my surprise was for him. So I planned everything well for their first meet up.

I asked Manang Lydia to be with them on that special day. Gustuhin ko man makasama sila ay ibabalato ko na muna sa kanila ang moment na yun.

Kiefer

Babe, I'm so sorry I can't be there. Malalate ako ng uwi. May inaayos pa kami dito sa ward. Tumuloy ka na sa bahay, Manang Lydia will assist you, okay? I miss you.

Nakapark na ako sa labas ng bahay nina Alyssa at bababa na sana ako ng sasakyan ay nagtext naman siya. Nagdadalawang isip pa sana ako na tumuloy nang biglang may kumatok sa bintana ng sasakyan.

"Kiefer, tinawagan ako ni Ly na baka malate lang siya, pasok na po muna kayo sa loob. 'Yon po kasi ang bilin niya." Bungad sa akin ni Manang Lydia kaya tuluyan na akong bumaba ng sasakyan. Sinundan ko naman siya papasok ng bahay.

Iginiya niya ako sa sala. Uupo na sana ako nang may iniabot sa akin si Manang na maliit na card at sinabihang huwag ko muna bubuksan. Magtatanong pa sana ako ngunit ay agad siyang tumalikod.

Hindi nagtagal ay bumalik si Manang na may kasunod na batang babae sa kanyang likuran. Sinilip niya ako saglit at agad rin namang nagtago.

"Karys, siya ang visitor na sinasabi ni Mommy mo sa'yo. May gusto siyang ibigay sa'yo." Sabi ni Manang Lydia at sinenyasan ako sa hawak kong card.

Unti-unti namang lumabas sa pagkakatago ang bata. Nang makita ko ang kanyang kabuuan ay hindi ko maipagkakaila na kamukha ko siya. Agad ko naramdaman ang sinasabi nilang lukso ng dugo.

"Hi. I'm Kiefer." Malumanay kong bati sa kanya at agad na inabot ang card na hawak ko.

Binuksan niya ito at binasa ang kung ano mang nakasulat roon. Biglang sumilay ang kanyang ngiti na kuhang kuha niya kay Alyssa.

Lumapit siya sa akin at iniabot ang card.

Hi baby. I'm sorry Mommy's gift came two days late. Enjoy your day with your Daddy, my preemie. Mommy will be home late. I love you.

Iyon ang nakasaad sa card. Lumuhod ako at binuksan ang aking mga kamay para mayakap siya. Agad naman siyang tumakbo palapit sa akin.

Hindi ko alam gaano katagal ang yakapang iyon at hindi ko namalayan na naiyak ako sa galak. Napamulat na lang ako nang pinahid ng anak ko ang luha sa pisngi ko.

"Stop crying, Da-ddy." Nahihiyang tawag niya sa akin.

"I'm sorry, I'm just so happy anak. Call me Daddy Kiefer, okay?" Sabi ko at kinandong siya sa akin.

"That sounds so good in my ears. Now it's not only Mommy who'll call me anak, baby or even preemie. But Dad it's really Karys short for Kaeden Audrisse." Sabi niya ng puno ng galak sa boses.

"You have a nice name, Karys. But can Daddy call you my princess?"

"Opo naman Dad. I love it!" Sabay palakpak pa niya.

"Bakit naman tinatawag ka ni Mommy mo na preemie?"

Napaisip siya saglit nang dumating si Manang Lydia na may bitbit na tray na pagkain.

"Kasi iho naging maselan ang pagbubuntis ni Ly noon. Nung walong buwan na ang tiyan niya ay parehas silang nalagay sa panganib ni Karys kaya napilitan siyang operahan at premature pa ang bata." Paliwanag sa akin ni Manang.

Bigla naman ako nakonsensya sa narinig. Kung sana ay nandoon ako ng mga panahong iyon ay naalalayan ko si Alyssa sa bawat hakbang ng pagbubuntis niya hanggang sa mapalaki namin ang bata.

"Dad come on, let's eat." Aya ni Karys sa akin.

Masyado kaming maraming napagkwentuhan ng anak ko.
Matalino siyang bata at maaayos siyang napalaki ni Alyssa.

Marami man akong hindi nasaksihan sa kanyang paglaki ay pinangako kong mula sa araw na yun ay hindi na ako mawawalay ulit sa kanya.

Masyado kaming abala sa kwentuhan namin na hindi namin naramdaman ang pagdating ni Alyssa.

"Hi Mommy! Hi Tito Raf!" Bati ng anak ko sabay halik kay Ly at sa lalaking minsan ko ng nakita na kausap ni Ly. Siya pala yung Raf na bidang bida sa mga kwento ni Karys. Lalapit sana ako kay Ly para halikan siya ay agad naman siyang nahila ni Karys papuntang kusina. At nakasunod naman yung lalaking yun. Mukhang nakalimutan yata nila ang aking presensiya.

Puno ng tawa at kwentuhan ang naganap habang kami ay naghapunan. Malapit nga talaga ang loob ng anak ko sa Raf na yun. Hindi ko rin naman masisi, siya ang nandoon nung mga panahong wala ako para sa mag-ina ko.

Hindi rin naman nagtagal ay nauna ng umalis si Raf. Si Ly ang naghatid sa kanya sa labas. Nakakapagtaka naman na ang tagal nilang nagusap.

Pagpasok ulit ni Ly ay hinila ako ni Karys papalapit sa Mommy niya. Hinila niya kami parehas paluhod para magkakapantay kami.

"Thank you Mommy, you gave me the best gift today. Thank you Daddy for being here, I won't ask for anything, just the two of you is more than enough." Paglalambing niya kaya pinaliguan namin siya ng halik at saka kiniliti.

Napuno ng halakhak ang kabuuan ng bahay.

"Mum, Dad tuck me to bed please?" Hiling niya kaya sabay sabay kaming umakyat sa kanyang silid.

Nang makatulog ay dahan dahan kaming lumabas ni Ly.

Hinuli ko siya sa kanyang bewang. "Thank you babe. You made me so happy today. Hindi ko talaga inaasahan na darating ang araw na ito. Pangako babawi ako simula ngayon." Sabi ko kay Ly at saka hinalikan ang tungki ng kanyang ilong.

"No promises babe, okay? At isa pa wala kang dapat pagselosan kay Raf noh. Di kami talo nun babe. Ikaw pa nga type non eh." Sabi niyang natatawa.

"Sabi nino? Ako magseselos?" Pagdedepensa ko.

"Hay nako Kiefer Ravena, lumalaki butas ng ilong mo. Maawa ka naman sa ilong mo babe." Tukso niya sa akin kaya hinuli ko ang labi niya at saka siya hinalikan ng matagal.

"Para yan sa panlalait mo sa ilong ko." Hahalikan ko pa sana siya ay tinulak na niya ako papunta sa hagdan.

"Uwi na babe." Sabi ni Ly.  At napakamot na lang ako sa aking ulo.

xxxxxxxxxx

IMPULSE  [KiefLy] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon