Kiefer
Nagulat akong nakita sina Alyssa, Raf at Karys na lumabas sa CT scan room ng Corinthian Doctors. Pagkatapos ay nakita ko naman sila sa canteen. Gustuhin ko man silang lapitan at alamin kung bakit sila naroon ay kinapos ako sa oras dahil kasama ko ang ilang mga doctor at abala sa aming mga gawain.
Pagkatapos ng huling paguusap at paghihiwalay namin ni Ly ay hindi ko na siya muling nakita o nakausap. Maging sa Good Samaritan ay hindi ko siya nakikita. Sa tuwing susunduin at ihahatid ko pauwi si Karys ay hindi ko rin siya nasisilayan. Sadya atang umiiwas siya. Sa tuwing tatanungin ko rin naman ang anak namin ay sinasabi niyang okay naman ang Mommy niya.
Nagulat rin akong bukal sa loob ng bata ang paghihiwalay namin ng Mommy niya. Hindi siya kailanman nanghinayang o nagtanong pa. Marahil ay maayos iyon napaliwang ni Ly sa kanya.
Kalagitnaan ng Agosto ay kinailangan ko ng magpaalam sa Good Samaritan na ititigil ko na ang pagduduty doon. Tinanggap ko ang offer sa akin ng Corinthian Doctors na maging bahagi ng neurology department. Doon ay mas mahahasa ako sa field na iyon.
Pormal sana akong magpapaalam kay Ma'am Monsanto ngunit napagalaman ko na nagresign na siya sa pwesto at may iba ng acting hospital director. Lalabas na sana ako ng opisina at nagpasiya na magiiwan na lang ng note sa sekretarya. Laking gulat ko na si Alyssa ang sumalubong nang ipinihit ko na ang doorknob.
Mataman ko siyang tiningnan kahit pa sa loob loob ko ay gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Nauna siyang bumitaw ng tingin at nagulat ako sa sumunod na pangyayari.
Bigla siyang nawalan ng malay. Bubuhatin ko sana siya ay bigla naman siya nag seizure. Hindi ko alam kung bakit nagkaganoon si Alyssa.
Pagkatapos ng episode na iyon ay agaran ko siyang itinakbo sa Emergency Room. Nakita ko naman si Ella at Chye na agad sumugod.
Pagkatapos siyang mabigyan ng paunang lunas ay sinabi sa akin nina Ella na dapat ay ilipat namin si Ly sa Corinthian Doctors kaya agad kong inayos iyon, gustuhin ko mang magtanong na ay pinili ko munang iprayoridad ang hospital transfer at mailayo sa panganib si Ly.
Habang tinatahak namin ang daan sakay ng ambulansiya ay nakailang beses akong nagtanong kina Ella. Ngunit ay pinili nilang hindi magsalita. Mainam raw na tanungin ko ang doctor ni Ly o si Ly mismo.
Sinalubong kami ni Doctor Saturno pagkarating sa Corinthian. Doon lang rin muling nagmulat si Ly at naging stable ang lagay. Bilang bahagi ako ng neurology team ay may pahintulot ako na makita ang mga records ni Ly. Nasapo ko ang aking noo ng mabasa at malaman ang lahat.
Bakit siya pa?
Nang pumanhik ako sa kanyang silid ay nadatnan kong naguusap si Ly, Ella at Chye. Nagtama ang mga tingin namin ni Ly ngunit parehas kaming nanatili na tikom ang bibig.
Sinensyasan ako ni Ella na sundan siya sa labas na agad kong ginawa. Doon nga ay kinwento niya sa akin ang lahat, maging ang rason kung bakit pinili ni Ly ang sukuan ako.
Gustuhin ko mang kumontra sa mga rason niya ay pinili kong hindi na. Kahit masakit sa akin na hindi ko man lang napagtanggol ang sarili ko, ayoko na rin dagdagan ang stress niya.
Imbes na makipagaway ay mas pipiliin kong alagaan pa siya lalo hindi lang ngayon kundi pang habambuhay dahil sisiguraduhin kong malalagpasan at malalabanan niya ang sakit na ito. Kahit gaano pa magmatigas si Alyssa ay hindi ko siya kailanman susukuan.
(Continuation of Chapter 2 before flashback....)
Nang maging stable ang lagay ni Ly kinabukasan ay unti unti na siyang sumailalim sa mga laboratory tests upang madetermina pa lalo kung saang aspeto pa kailangan ma-address bago siya tuluyang magpaopera.
Halos araw araw ay naroon ang pamilya ni Ly at ang anak namin na si Karys, bawat segundo na kasama siya ay sinisiguro naming ligtas at komportable siya. At alam kong pinipilit niyang maging matatag at kinukubli ang sakit lalo na sa harap ng anak namin.
Ilang diagnostic procedures pa ang kanyang dinaanan bago siya ulit isasabak sa CT scan at MRI.
Alam ko ang pagod ng katawan na pinagdaanan ni Ly. Ngunit mas lalo ko lang siya kinakapitan at hinihila pataas.
"Daddy I'm really sorry for keeping a secret from you. Gusto ko lang po kasi talaga na makasama pa lalo si Mommy. You know that I really missed her di po ba?" Sabi ni Karys at kumandong sa akin.
"It's ok my princess, Dad is not angry or anything. But will you make it up to Daddy?" Tanong ko at bigla naman siyang napaangat ng tingin sa akin.
"Paano po ako babawi Dad?" She asked, her eyes full of wonder.
May binulong ako sa tenga niya at bigla naman siyang tumayo sa pagkakandong. Lumundag lundag pa siya sa tuwa dahil sa sinabi ko.
Kinabukasan ay inihanda na si Ly para sa muling CT scan para malaman kung anong degree ang operation na kakailanganin.
Si Raf ang umalalay kay Ly sa wheelchair patungo ng CT scan department.
Nang magbukas ang pinto ay gulat ang rumehistro sa kanyang mukha ng makita si Karys na may hawak hawak na banner at nakasaad ang "Marry my Daddy, please Mum." Ngumiti si Ly ng lalo pa iyon iniangat ni Karys. Bumaling rin ang tingin niya sa mga magulang at kapatid niya na nasa silid rin.
Agad akong lumapit sa kanya at lumuhod sa tapat niya.
"Babe, I won't promise you the moon and stars nor the rainbow and unicorns, all I know is that I will always be by your side, in sickness and in health. Sabay nating lalabanan at lalagpsan ang sakit na yan. Nasa tabi mo ako para kurutin mo tuwing may masakit sa'yo, ihampas mo sa dibdib ko ang ulo mo sa tuwing hindi mo na kaya ang sakit. Ako ang magiging lakas mo sa tuwing nanghihina ka. Ang gabay mo sa tuwing lalabo ang mata mo, manghina ang pandinig o pang amoy mo. Makalimutan mo man ang mga bagay ay hindi ako magsasawa ipaalala sa'yo ang lahat at hindi ako magsasawa na bumuo ng mga bagong memorya kasama ka at ang anak natin. I may not be able to ease those pain babe, but I will be with you though it all. Babe, will you marry me?" Kabadong tanong ko sa kanya na tanging ngiti lang ang itinugon niya.
Kinuha ko iyon na oo ang sagot kaya nilabas ko ang singsing at isusuot na sana sa daliri niya nang magsalita siya.
"Hindi ko matatanggap yan Kief." Wika niya.
Bigla naman akong nalungkot. Maging si Karys ay agad na tumakbo sa direksiyon namin.
Iniangat ni Ly ang ulo ko nang hawakan niya ako sa magkabilang pisngi.
Ngumiti siya ng malapad na lalong nagpagulo sa isip ko.
"Hindi ko matatanggap kasi di ba magpapa CT scan at MRI pa ako. Take off all jewelries and any metals di ba, Doc?" Pabiro niyang sabi.
Natawa naman ako sa sinabi ni Ly. Oo nga naman.
"So is it a yes babe?" Muli ay tanong ko.
Tumango siya at ngumiti." I will marry you babe." At ikinulong na kami ni Karys sa yakap at pinaliguan ng halik.
xxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
IMPULSE [KiefLy]
Fanfictionwhere will your decisions out of impulse take you? 110317-120317