I was given a high dose of pain killers that I did not realize the time. It was past dinner when I checked my phone and Kiefer had a number of missed calls and messages.
"Hi babe!" He said joyfully over the phone.
"Hello babe, sorry di ko nasagot at nareplyan messages mo kanina. How's work?" Tanong ko na umaasang hindi na lang niya tanungin ang rason ko.
"Okay lang babe. Tiring, mageextend pa kami ng 2 days dito sa province. Rare case kasi tong handle namin na patiente."
Hindi ko mawari kung anong dapat na maramdaman. Matuwa ba dahil hindi niya ako makikita sa ganitong sitwasyon o malulungkot ba na hindi ko siya mapapakilala kay Karys bukas, sa mismong kaarawan niya.
"Babe? Andyan ka pa ba? Are you okay?" Tanong ni Kief na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
"Hmm babe, confined nga pala ako. But no worries just a simple headache and fatigue. Tulog ako kanina nung tumatawag ka." Sabi ko na may kudlit ng pagkokonsensya sa sarili.
"Are you sure you are okay? Luluwas ako dyan babe, magpapaalam lang ako sa head namin." Wika ni Kief na may tono ng pagaalala.
"No! You don't have to. For sure bukas madidischarge na rin ako. Pagbalik mo may surprise ako sa'yo." Pangungumbinse ko kay Kiefer.
"Okay gusto ko yata ang surprise na yan." Pagbibiro niya.
Sasakyan ko pa sana ang birong iyon kaso ay may pumasok na nurse sa aking silid at may tulak tulak na wheelchair.
"You will love it. Sige na babe I'll eat na. Ingat ka diyan. I love you."
Hindi ko na nahintay pang sumagot si Kiefer, pinatay ko na agad ang tawag dahil nakaramdam ako ng pagpitik na naman sa bandang kaliwa ng ulo ko.
Gustuhin ko mang humiyaw sa sakit ay pinilit kong itago yun, ayoko ng masyadong mastress ang mga magulang ko.
"Good evening po Ma'am. You're scheduled po for CT scan and MRI. Okay na po ba wheelchair or would you prefer a stretcher?" Tanong ng nurse.
"Wheelchair will be okay." Tugon ko at saka niya ako inalalayan.
The distance from my room to the CT scan department felt like it was miles away. Kahit anong deny at pagkalma ko sa sarili ay alam kong may mali talaga.
They assisted me in the CT scan bed for the procedure. Then for MRI afterwards.
I was silently praying the whole time. I noticed my mom was also holding a rosary.
Nang makabalik na kami sa aking silid ay pinili ko ng matulog ng maaga. Pinili kong hindi buksan ang usapin sa mga nangyayari. Pero doon pa lang ay ramdam ko na ang sasabihin ng doctor kinabukasan.
I woke up the next day when I felt someone kissed my cheek. I felt those little fingers brushed my hair.
"Hi baby!" Bati ko kay Karys.
"Mommy, what happened? Are you okay?" She asked me with sad eyes.
Pinilit kong umupo at pinatabi siya sa akin.
"Mommy will be fine baby. Why are you here? Ayoko mahawaan ka ng kung anong sakit anak."
"I missed you and I badly want to see you na kasi Ma."
"Don't be sad na. Happy 9th birthday my preemie fighter." Bati ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Saka naman dumating ang mga magulang ko, si Kianna at si Raf na hindi ko nalaman na nandito rin pala. Binati rin nila si Karys na may mga bitbit ring cake at mga lobo.
"Thank you Mommy, Lolo, Lola, Tito Raf and Tita Kianna. But Ma don't call me preemie na. Look oh I'm tall and big already." Pagmamalaki niya sa height niya na siyang nagpatawa sa amin.
"Nak, you can all go and proceed to the party I prepared for you later this afternoon. As much as I want to be there, I don't think Mommy will be allowed. Yun nga lang hindi na surprise." Agad naman akong niyakap ni Karys.
"Mum hindi yun party if you won't be there. So I'll stay here with you." Paglalambing niya.
"Are you sure?" I asked and she nodded. "Then go with Tito Raf and Tita Kianna to buy foods that you want then we'll all eat together here." Nakita ko namang naexcite siya sa ideya. Iyon lang rin naman ang tanging pagpipilian ko.
Saktong nakaalis na sila ay siya namang pagpasok ni Doctor Saturno. Muling nabuhay ang kaba at takot ko.
He was scanning through the results he had in his hands when my parents came near me and held my hand.
"Doc let's not go around bushes. Get straight to the point please." pagmamatapang kong sabi.
"Alyssa, based on the CT scan and MRI results, I am sad to say that you have meningioma." He said in a matter of fact tone.
Meningioma. Meningioma. Meningioma.
Hindi ako kumibo na animo'y wala akong alam kung ano iyon.
"What is it Doc?" my mom asked.
"It's a slow- growing tumors in the brain. But usually naman in most cases benign ito at hindi cancerous."
Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko nang niyakap ako ng mga magulang ko. Para akong sinakluban ng langit. Nawasak lahat ng mga pangarap at plano ko sa hinaharap. Nadurog ang puso ko hindi para sa sarili ko kundi para kay Karys. Paano na?
Bumitaw ang ama ko sa pagkakayakap at hinarap ang doctor. "What caused this Doc? Anong lunas?" Dad asked trying to be calm.
"It usually occurs in women. Caused by female hormones, a genetic disorder na maaaring namana niya o kaya po maaaring resulta ng lifestlye. We can do radiation therapy po and further observation. Kung patuloy po lalaki in size, we will need surgery for that." Paliwanag ng doctor sa amin. Nakita ko namang humakbang papalapit si Mommy sa kanya.
"We'll do everything to cure her Doc. Okay? We don't care how much it takes but please cure my daughter. Gagaling ang anak ko." Mommy said with full of conviction.
For 8 years I tried to give my daughter the most memorable birthdays she could have.
But this one's the most heartbreaking one.xxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
IMPULSE [KiefLy]
Fanficwhere will your decisions out of impulse take you? 110317-120317