Nagulat ako nang biglang may humatak sa akin pagkalabas ko ng conference room matapos ang seminar. Nilingon ko iyon, si Ella at Chye lang pala na may mga nanunuksong mga ngiti. Kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Problema mo besh? Sungit ah." Sabi ni Ella na natatawa.
"Ayy may namimiss kasi yan. Balita ko kasi 2 weeks busy si Doc Kiefer sa ibang hospital dahil sa case study." Tukso naman ni Chye.
"Aist, ewan ko sa inyong dalawa." Irap ko sa kanila.
"Kayo na ba besh? Sagutin mo na kasi. Oa sa 4 months na panliligaw na yan ah. Hoy may Karys na kayo nakakalimutan mo?"
"Oo nga girl sagutin mo na kasi, nagpapamiss yung tao at miss mo naman kasi talaga." Sundot naman ni Chye.
"Ay nagmamadali lang?" Sarkastiskong tanong ko sa kanila.
"Time is precious besh. Mauna na ba kami o sasama ka?" Walang katapusang panunukso ni Ella.
"Hay nako nagsalita yung mga may jowa ha. Kita na lang tayo sa mall, may dala akong kotse eh." At kumaway na ako palayo sa kanila.
Naglibot libot kami sa mall bilang madalang na nagkakasabay ang off duty namin. Kumain rin kami sa lahat ng trip ng isa't isa. Nagbabalak pa sana kaming manood ng sine ngunit ay hindi na ako sumama, tumawag kasi si Raf na lumuwas siya ng Maynila. Setyembre pa lang ay excited na yata si Raf na planuhin ang birthday ni Karys.
Nadatnan kong naglalaro na sa sala si Raf at Karys. Masyado silang abala na hindi nila namalayan ang aking pagdating. Nang makita ako ni Karys ay agad niya akong hinila para sumali sa laro nila na siya namang mahirap na hindian. Mga ilang minuto pa lang kaming naghahabulan ay naramdaman kong biglang nanghina ang mga binti at braso ko. Yung pakiramdam na nawalan ng lakas ang mga muscle ko.
Hindi ako nagpahalata dahil ayoko namang magalala pa sila sa akin. Pinilit kong ngumiti at nagpaalam na maghahanda lang ng aming kakainin. Nakisalo na rin sa amin ang mga magulang at kapatid ko. Habang nasa hapag ay kung ano-ano na ang mga suhestiyon ang naibigay namin para sa magiging 9th birthday ni Karys. Halos lahat ay maingay at naguunahan na magsalita.
Nagulat na lang ako nang tumayo si Raf at lumapit kay Karys. Saka ko lang napansin na naging tahimik siya habang kami ay naguusap. Tinanong ko kung may masakit ba sa kanya na inilingan niya lang. Tinanong naman siya ni Daddy kung alin ang nagustuhan niya sa mga naisuggest namin.
"I just want to meet my Daddy." That was all she said that shattered my heart into pieces. Alam kong dadating talaga ang puntong ito.
Pinilit kong ngumiti at pigilan ang mga nagbabadyang mga luha. Ito na nga yata ang panahon para magkita silang dalawa ni Kiefer. Iyon na nga yata ang pinakamagandang regalo na maibibigay ko sa anak ko.
Pagkatapos kumain ay nauna nang pumanhik si Karys sa kanyang silid pagkatapos magpaalam kay Tito Raf niya. Hinila naman ako ni Raf patungo sa sasakyan niya na nakapark sa labas ng aming bahay.
"Mars, sumakit ang puso ko sa hiling ng anak mo. May magagawa ba tayo sa bagay na yan?" Tanong ni Raf sa akin habang naglalakad kami palabas.
"Yung totoo kasi Mars nakita ko na ulit si Kiefer 5 months ago, balak ko naman..." Agad namang sumabat si Raf habang nagsasalita ako.
"Kiefer? Kiefer pangalan ng Daddy ni bagets? Ano apelido niyan teh?" Tanong ni Raf na nakapamewang pa.
"Oo teh. Kiefer Ravena."
"Ha? As in ang tatay niya si Bong? May kuya na si Ferdy at bunso na si Dani?" Tanong ulit ni Raf na tila ay excited pa.
Tumango ako at nagtataka. "Kilala mo? Paano?"
"Magkapitbahay kami sa Cainta Mars! Huling kita ko sa kanilang mag-anak eh bago ako lumipat ng dorm nung college. Karibal pala kita kay Kiefer teh!" Natatawang biro ni Raf na siyang ikinatawa ko.
"Baliw ka. Pero small world nga ha!" Sagot ko at bigla naman akong hinawakan ni Raf sa magkabilang balikat. "Ano plano mo Mars? Kung andiyan na rin naman na pala si Kiefer eh di go, matutupad mo hiling ni jugets."
"Gustong gusto ko rin tuparin Mars. Pagiisipan ko." I assured him.
"O sige basta balitaan mo ako ah. Mauna na ako hinihintay na rin nila ako sa balur." Paalam ni Raf sa akin.
+++++++++
Kiefer
Malapit na ako sa bahay nina Alyssa nang may natanaw akong dalawang pigura sa labas ng gate nila. Si Alyssa at isang matangkad na lalaki. Kaya itinigil ko ang sasakyan sa di kalayuan at pinagmasdan sila. Masyadong seryoso ang kanilang usapan noong una tapos ay biglang napatawa nung lalaki si Ly. Nagulat ako ng biglang hawakan ng lalaki si Alyssa sa balikat. Kumirot ang puso ko sa nakita.
Ngunit hindi ito ang panahon para magselos o gumawa ng kahit ano pang konklusiyon. Ipinangako ko sa aking sarili na hindi matatapos ang araw na ito na hindi ko siya tatanungin. Ito ang perpektong araw.
Nang nakaalis na ang sasakyan ng lalaki ay agad akong bumaba ng kotse ko at tumakbo sa gate nila Alyssa.
"Ly!' Sigaw ko ng akmang papasok na siya.
Nilingon niya naman ako agad. "Kief." Ang tanging sagot niya. Bakas sa kanyang mukha ang gulat na nakita ako.
"Siya ba?" Tanong ko.
"Ha?Hindi!"
"Boyfriend mo?"
"Hindi!"
"Namiss mo ako?"
"Hindi."
"So hindi ka manghihinayang pag umalis ako ulit sa buhay mo?"
"Hindi."
"Hindi mo dinedeny na mahal mo rin ako?"
"Hindi."
Napangiti ako at saka lang yata niya napagtanto ang huling tanong ko.
"Kiefer naman eh. Mali yung huling sagot ko. Dinadaan mo ako sa bilis ng mga tanong mo eh." Maktol niya.
Ngumiti ako ng malapad at tinawid ang distansiya namin. Ikinulong ko ang mga palad ko sa pisngi niya at tinitigan siya sa mata.
"Ly, please give us a chance. I love you, Ly. Will you be my girlfriend?" Tanong ko at nakita ko namang may pumatak na luha sa kanyang mata. Bigla naman akong nangamba.
Tumango siya. "Yes Kief." Napantig ang tenga ko at baka mali lang ako ng dinig. "Pasok na tayo sa loob, umaambon na oh." Muli ay sabi ni Alyssa.
I wrapped my arms around her waist and looked at her.
"So tayo na ha. Wala ng bawian." Paninigurado ko na siyang ikinatawa niya.
"I love you Ly."
"I love you too, Kief. Umuulan na oh. Bilis." Hahatakin na sana niya ako papasok ng gate ay pinigilan ko naman.
"Okay lang yan babe. Today, gusto kong baguhin ang meaning ng ulan para sa'yo. Dati dalawang beses ka umiyak kasabay ng ulan. Ngayon, ay hindi na." Ngumiti siya sa sinabi ko saka ko siya ginawaran ng matamis na halik sa labi.
xxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
IMPULSE [KiefLy]
Fanfictionwhere will your decisions out of impulse take you? 110317-120317