Tahimik naming binaybay ang daan pauwi sa apartment ko. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kapaligiran hanggang sa narating namin ang aming destinasyon.
Paika ika akong pumanhik sa aking silid. Ni hindi ko na naisipang lingunin si Kiefer. Bahala nga siya. At kung gaano kapagod ang katawan ko ay siya ring kapaguran ang ramdam ng isip at puso ko.
I woke up at the sound of my phone. When I checked who the caller was, I felt goosebumps all over me. I panicked at the thought of it. Paano kung may nabuo. Hindi maaari. Hindi ako pupwedeng mabuntis. I reached for my laptop and researched on something. It was the safest way. Pero papaano ko ba bibilhin yun? Nakakahiya. At higit na nakakahiya na malaman ito ng kahit na sino sa mga kaibigan ko. I was left with no choice. Better safe than sorry..
I waited for Kiefer to call again. Galit ako sa kanya, oo. But then again, I had no other choice kundi siya lang. Ngunit hindi ko pa yata kayang kausapin siya, kaya napag pasiyahan ko na lang na itext siya. I asked Kiefer to buy me a morning after pill kit. Sana lang umepekto. Sana walang mabuo.
After an hour, Kiefer gave me a ring but I chose not to answer his call. I heard a knock on the door. Kaya dali dali kong binuksan ang pinto.
Nakita kong may bitbit siyang supot sa kanang kamay kaya agad kong hinablot ito.
"Ah sige thanks." Taranta kong sabi sa kanya at akmang isasara ko na sana ang pinto nang mapigilan niya ako sa gagawin.
"Wait lang Ly. Mag usap naman tayo please. Pag usapan natin 'to." Mahinahon niyang sabi habang hinaharang ang katawan sa hamba ng pinto.
"Not now. Leave please." Pakiusap ko kay Kiefer. Mabuti na lamang at hindi na siya nagpumilit pa. Agad kong binuksan ang pakete at binasa ang nakalakip na instructions. Sana naman umepekto ito, usal ko sa aking sarili.
Dalawang araw pagkatapos ng gabing yun, walang tigil na sumakit ang puson ko at sabay na malakas na pagdurugo ng ari ko. Pinilit kong balewalain ito, baka epekto lang ng gamot. Kailangan ko na mag focus sa review. Ngunit sa pangatlong araw, nilagnat na ako sabay ng panginginig ng katawan. Doon na ako na alarma.
I informed Kiefer of my situation. He was hesitant at first. But of course I insisted. Siya lang ang meron ako ng mga panahong iyon.
Kiefer and I decided to meet up in an ob-gyne clinic. While we were waiting, a nurse approached us, she instructed me that I needed to pee before the ultrasound procedure, she then handed Kiefer a piece of paper to be filled up.
Tatayo na sana ako patungong banyo ng hilahin ni Kiefer ang kamay ko.
"Ly, family name and complete birthdate mo?" Nahihiyang tanong niya sa akin.
Palihim akong natawa. Fuck. Nagsex na nga ni hindi alam ang basic information ng isa't isa. Tanga Alyssa! Sermon ko sa sarili ko. Gayunpaman, ako na ang sumagot sa papel ng mga impormasyong kinailangan.
We were both anxious as we entered the clinic. Nang pinahiga na ako ng doctor para sa sa ultrasound, gustong gusto kong hawakan si Kiefer para kumuha ng lakas at mawaglit ang nararamdamang takot ko, mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko. Ipinaliwanag ng doctor na wala namang mali sa reproductive system ko, marahil ay napwersa lang kaya ako dinugo at nilagnat dahil sa infection.
Nakahinga ako ng malalim nang lumabas sa clinic na yun. Tahimik kaming naglakad ni Kiefer papunta ng pharmacy upang bilhin ang mga gamot na nireseta ng doctor. The whole time Kiefer was distant from me. So I kept my pace too.
Magtataxi na dapat ako pauwi dahil coding ang kotse ko. Nagulat na lang ako at nakasunod pala sa likod ko si Kiefer.
"Hatid na kita sa apartment mo Ly."
"Hindi na, magtataxi na lang ako. Salamat sa pagsama ha."
"Please Ly? Sige na." Sabi niya sa akin. Ayaw ko na rin makipagtalo kaya't sumang ayon na lang ako sa kagustuhan niya.
Napansin ata ni Kiefer na nilalamig ako kaya hininaan niya ang aircon. "Okay ka lang ba? Nilalagnat ka pa ba?" Tumango lang ako bilang tugon. "Kain na kaya muna tayo para mainom mo mga gamot mo Ly?" Suhestiyon niya.
"Huwag na Kief. Mas gusto ko na lang humiga at magpahinga." Totoo naman yun, masyado pang masama ang pakiramdam ko.
We drove in silence until we reached my apartment. I was about to open the door when Kiefer stopped me. He went out, went to the passenger's side, and opened the door for me. I said my thanks then half jogged to my apartment. I wanted to throw up.
As soon I opened the main door, I rushed to the comfort room, nagulat na lang ako nang maramdamang may humahagod sa likod ko. Inalalayan ako ni Kiefer na maupo sa sofa sabay kuha ng tubig para sa akin.
Masyado akong nanghihina at nilalamig kaya napili kong humiga na muna sa sofa. I thought Kiefer was leaving so I told him to lock the door coz I was too lazy to do it.
Nagulat na lang ako at tumungo siya sa kusina ko at naghalughog ng kung ano. Hinayaan ko na rin. Nagising ako nang may maramdamang tapik sa pisngi ko. Akala ko kung sino. Akala ko umalis na siya.
"Ly, gising ka na. Kumain ka na muna para makainom ka na ng gamot."
"Wala akong gana. Antok pa ako, please." Akala ko ay titigil na siya ng pangungulit, nagulat na lang ako at binuhat niya ako patungo sa dining table. Pinilit niya akong subuan ng mainit na sabaw. Kahit wala akong panlasa ay sinikmura ko na ring ubusin ang kalahati.
Kiefer then offered the meds that I needed to take. After I swallowed the last piece, nagulat na lang ako ng halikan niya ako sa noo ko.
Sabay noon ay bumukas ang pintuan at inuluwa ang Daddy ko.
"Alyssa!" sigaw ng Daddy.
xxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
IMPULSE [KiefLy]
Fanficwhere will your decisions out of impulse take you? 110317-120317