"Ate Alyssa?" Muli ay dinig kong tawag sa pangalan ko.
Nilingon ko ang boses, tama nga ako't si Dani iyon. Pero bakit siya nandito sa Batangas?
"Da-dani." Utal kong sabi.
Nginitian niya ako sabay tango. "Ate Ly siya na po ang anak mo?" Nahihiyang tanong ni Dani. Ngumiti lang ako, nagdadalawang isip kung kailangan ko bang ipakilala si Karys sa kanya.
Magtatanong na sana ako nang may tumawag sa pangalan niya.
"Dani, tara na." Rinig kong tawag ng boses. Hindi ako pwedeng magkamali, boses iyon ni Tita Juliet. Nanlambot ang tuhod ko ng magtama ang tingin namin.
"Manang tara na po." Aya ko kay Manang Lydia na mukhang napansin ang kaba sa mga mata ko.
"A-alyssa pwede ba tayong mag usap sandali?" Sabi ni Tita Juliet. Tiningnan ko naman si Dani na mukhang ineenganyo akong pumayag. Nandito na rin naman sila ay pumayag na rin ako.
"Manang antayin niyo na lang po ako sa parking. Mabilis lang ako." Saka ko ibinigay si Karys sa kanya.
Kahit na may galit ako kay Tita Juliet ay pinili ko pa rin na maging civil bilang nakakatanda siya.
Inaya niya kami ni Dani na tumabi sa pagkakaupo sa isang mahabang bench saka siya humila ng isa pang upuan para magkakaharap kaming maguusap.
"Alyssa alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa iyo." Bungad na mga salita ni Tita Juliet. Napatingin naman sa akin si Dani na may pagtataka sa mukha. "Alam kong hindi sapat ang salitang sorry para sa kapatawaran. Narinig ko ang naging paguusap at pagbabanta ni Mika kay Kiefer patungkol kay Bong. Yun ang nagtulak sa akin para balakin yun." Ikinuyom ko aking kamay. Sawang sawa na ako marinig ang pangalan ng babaeng iyon.
"Ako na ang tumayong nanay nila Kiefer mula ng sumakabilang buhay ang aking kambal kaya kahit papano ay alam ko ang pakiramdam na maging isang ina. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon ay babawiin ko ang mga nagawa ko. Patawad Alyssa." Buong pagsusumamo niyang bigkas sabay kuha ng dalawa kong kamay.
Siguro nga kapag magulang ka na ay kusang lumalawak ang unawa mo. Naisip kong wala na ring saysay kung magagalit pa ako.
Pinisil ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Okay na po iyon, nakalipas na ang mga pangyayaring iyon. Masaya na po ako sa buhay ko. Mauna na po ako sa inyo ni Dani." Tumayo na ako at tinapik ang balikat ni Dani.
"Salamat talaga iha. Alam kong mabuti kang tao at mabuti kang ina." Sabi ni Tita Juliet.
Napangiti na lang ako. "Ate Ly, sana balang araw makasalamuha kita at ang pamangkin ko." Tinanguan ko siya sabay sabing, "Soon Dani, malay natin. Uhm bakit nga pala kayo nandito sa Batangas?"
"May dinalaw lang kaming malayong kamag anak na dito nagtratrabaho." Tugon ni Tita Juliet.
"Ah ganon po ba. Sige po kailangan ko nang umalis." Sabay paalam ko sa kanila.
And that was the closure I think I needed from the dark past I had.
++++++++++
Karys grew up to be a smart kid. She started school at the age of four. That was when she also started asking for her father.
Ayaw ko man magsinungaling ngunit ay masyado pa siyang bata para unawain ang mga bagay bagay. Kaya ang sinasabi ko na lamang rason ay nasa malayong lugar ang Daddy niya at nagtatrabaho.Sinugurado ko namang mapunuan ko ang lahat ng aspeto para hindi niya maramdaman na may kulang sa buhay niya. Lagi rin namang present ang Lolo niya at Tito Raf niya bilang Daddy figure niya. Yun nga lang ay lumalabas talaga ang kulay ni Raf kaya mas lalo silang naging malapit ni Karys dahil sa mga trip niya. Madalas pa nga ay nagkakampihan sila laban sa akin dahil si Raf ay sunod sa mga luho ni Karys.
I threw a big party for Karys when she turned seven. At pagkatapos nga iyon ay unti unti na palang magbabago ang buhay namin.
++++++++++
Pinatawag ako at si Raf ng head namin sa DOH para sa isang closed door meeting. Ibinalita niya sa amin na parehas kaming qualified para sa promotion sa isang mataas na position. Yun nga lang ay iisa lamang ang bakante.
Hindi ako nag-atubiling magbigay daan kay Raf. Walang dudang nararapat siya sa position, isa pa ay mas matagal na siyang nanungkulan doon.
Inialok naman sa akin ng aming head na may bakanteng position bilang head nurse sa Good Samaritan Hospital sa Maynila. Magsabi lamang raw ako at gagawan nila ako ng recommendation at sigurado ay pasok na ako. Maganda at nakakasilaw ang offer na iyon.
"Uy mars, thank you talaga sa pag give way mo ah. Alam mo na yan." Sabi ni Raf sa akin pagkalabas namin ng opisina.
"Ano ka ba mars, deserve mo yan. Saka namimiss ko na rin mag hospital eh. Parang bet ko nga tanggapin eh." Balita ko sa kanya sabay angkla ng kamay ko sa braso niya.
Napatigil naman siya at tiningnan ako na parang may kung ano sa mukha ko. "Kung hospital exposure lang madami naman dito sa Batangas teh. Pero infer naman talaga sa offer, laki nga mars. Ano sigurado ka ba talaga diyan?" May pagalala na tanong ni Raf.
Pabiro ko siyang hinampas. "Kung mamimiss mo ako at si Karys, ang oa mo teh, Maynila lang yun, hello? Oa ka sa sigurado ka na ba mars?" Pabirong paggaya ko sa boses niya.
"Gaga hindi naman yan ang worry ko mars. Handa ka na bang bumalik ng Maynila talaga?" tumango ako. "Eh balikan ang mapait mong nakaraan? Ang posibilidad na makita ulit ang pudrabels ni Karys?" Sunod sunod na tanong ni Raf na nakapag patunganga sa akin.
Naramdaman ko na lang ang pagyugyog ni Raf sa balikat ko. "Hoy teh ano na? Nag buffer ka na diyan? Hoy Alyssa anuna?" Sabay pitik niya ng daliri sa mukha ko.
"Masyadong malaki ang Maynila mars, imposible na yan. Saka ko na iisipin yan pag andiyan na. Tara na nga." Sabay hatak ko sa aking kaibigan.
Tinaasan niya ako ng kilay. "From impulsive to 'bahala na' habit ka naman mars eh."
xxxxxxxxxx

BINABASA MO ANG
IMPULSE [KiefLy]
Fanfictionwhere will your decisions out of impulse take you? 110317-120317