I scanned the room and looked for Karys the moment I regained my consciousness. I saw her in one corner of the hotel room, her eyes were so puffy from nonstop crying as I heard her quiet sobs.
"Baby" I whispered. Raf turned to my direction then Karys came to my bed swiftly.
"Ma, I'm sorry if my wish hurt you this bad. Sorry Mommy." She said and embraced me tightly.
"It wasn't your fault anak. Mommy was just so exhausted that's why I passed out." I told her and caressed her hair.
She smiled sweetly and said, "Ma, be well okay? We still have plenty of gifts to open later." I smiled at her as she kissed me on the cheek. "Bring them all here my preemie." I answered and tapped her head. She ran excitedly outside tagging along her Lolo and Lola.
"Mars, anyare sayo? Don't tell me Alyssa may laman na yan ha." Raf said and covered his mouth. I knew he was just joking around to make things lighter.
"Oa teh. Hindi pwedeng sobrang pagod at puyat lang to?" I said then laughed heartily. Which made Raf laugh too.
+++++++++++
Lumipas ang mga araw at mga buwan ng mabilis, naging subsob ako sa trabaho. At alam kong may mga nararamdaman ako sa sarili ko na pinipili kong balewalain lamang. Hanggang sa mismong ibang tao na ang nakakapansin.
"Hoy besh! Alam ko impulsive shopper at decision maker ka lang. Hindi ko alam bipolar ka na ngayon." Sabi sa akin ni Ella na napakaseryoso ang mukha nang minsan lumabas kami para kumain.
"Sinasabi mo besh?" Depensa ko sa kanya saka kinuha ang menu na nakalapag sa mesa.
Bigla namang hinila ni Ella ang menu sa akin at saka ako hinarap. Mataman niya akong tinitigan na parang pinagaaralan niya ang mukha ko. Pabulong pa siyang nagsalita ng "May boyfriend ka ba besh?"
Natawa ako sa tanong niya. "San naman galing yan besh aber?" Balik tanong ko sa kanya. Pinagkrus naman niya ang mga braso at sinandal ang likod sa upuan na tila'y nagiisip.
"Besh, una naging mainitin yang ulo mo, bugnutin ka na. Na konting bagay lang na pagkakamali sa area mo eh para ka ng tigre kung magalit. Tapos minsan naman para kang nakalanghap ng laughing gas na wala ka ng humpay sa energy at kakatawa. Tapos pangalawa naging makakalimutin ka na. Hello Ly 28 pa lang tayo, di ba? Tapos pangatlo laging sumasakit ulo mo, dalawang beses ka na nga nahimatay eh." Tuloy tuloy na pag enumerate ni Ella sa akin.
"Yung totoo besh, buntis ka ba?" Nahihiyang tanong ni Ella sa akin.
"Ang baliw mo besh. Lalake nga wala, mabubuntis pa kaya? Kain na nga lang tayo besh." Paganyaya ko sa kanya.
"Pero seryoso besh, pa check natin yan. Knowing you ang hilig mo mag self medicate eh. Sasamahan kita besh." Sabi ni Ella sabay dikta ng order sa waiter.
"Pagod at stress lang to besh. Don't worry too much." Pagkukumbinse ko sa kaibigan. At kumain kami ng tahimik.
Kinabukasan ay nakasalubong ko si Chye na kunot ang noo at halos mag iisang linya na ang kilay. "Hi girl! Aga nating beastmode ah!" Bungad ko sa kanya. Ilalagay ko na sana ang daliri ko sa finger scanner upang mag time in ay napigilan niya ako.
"Huwag mo akong ma-girl girl Alyssa ha. Bakit hindi ka nag attend ng meeting kahapon?" Tanong niya na siyang nagpatapik sa akin sa noo ko.
"Hala sorry Chye nakalimutan ko. Busy kahapon." Pagsisinungaling ko, dahil ang totoo ay nawala talaga sa isip ko.
"Pwes dahil may atraso ka sa akin, ikaw na bahala bukas ha. Ikaw na mag welcome at mag tour sa dalawang doctor na mag momoonlight duty dito sa atin. Okay?" Paniniguro niya.
"Sus chicken, akong bahala pambawi ko na sa'yo. O siya malalate na tayo." Saka ako mabilis na nag time in.
Nagpaalam na ako kay Chye at nagsimulang maglakad nang sumigaw siya, "Goodluck bukas Ly!" Saka tumawa. Baliw yun ah, ang dali naman ng gagawin, ito-tour lang eh. Sa isip isip ko.
Maaga akong pumasok kinabukasan at kinailangan kong tumungo sa opisina ni Ma'am Monsanto, ang aming hospital director.
"Good Morning Ma'am!" Bati ko sa aming hospital director pagkapasok ko sa kanyang opisina.
"Good morning rin Ly! Upo ka para ma-brief kita." Alok niya na agad kong ginawa.
"Pasensya na Ly hindi kita masasamahan, may meeting rin kasi ako today. So bale dalawang doctor na general practitioners ang magsisimulang mag duty dito sa hospital. Itour mo sila each department tapos familiarize them with how our system works, our papers being used and the usual routines sa ward. Galingan mo Ly ha? If they will decide na dito mag serve ng residency nila sa atin, magiging malaking tulong yun for us." Pagbibigay instructions sa akin ng ginang.
"Sige po Ma'am I'll do my best po." Tugon ko naman sa kanya na hindi nagtagal ay umalis na rin.
Habang naghihintay ako sa lobby ay ginugol ko ang aking oras sa pagbasa ng handbook of guidelines ng hospital. Ang sabi ay alas 9 ng umaga ang oras ng kanilang dating. Mahigit 30 minuto na akong naghihintay ay wala pa rin.
Napamulat ako sa tunog ng flash ng camera. Laking gulat ko na mukha ni Kiefer ang bumalandra sa harap ko.
"Good Morning Ms.Valdez." Bati niya sa akin na may ngiting nakakaloko kaya napataas ako ng kilay at inirapan siya.
"Good Morning Ms.Valdez sorry we are late. Naipit kami ni Doctor Ravena sa isang case meeting. Doctor Miguel Cortez." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili at agad na inilahad ang kanyang kamay.
Tinanggap ko iyon at ngumiti. "Nurse Alyssa Valdez po Doc. You can call me Ly. I'll be your guide today. Pasensya na po at hindi makakasama ung head namin."
"We were informed ahead about it. You can call me Migs. I like your smile ha." Sabi niyang nakangiti na siyang nagpainit sa aking pisngi. Nakita ko namang umirap si Kiefer.
"Kiefer Ravena." Simpleng sabi niya at inilahad ang kamay.
Act professional, Ly. Pagpapaalala ko sa sarili.
Tinanggap ko ang kanyang kamay na hindi siya tinitingnan.
Parehas naman kaming napabitaw agad. Argh, static!
xxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
IMPULSE [KiefLy]
Fanfictionwhere will your decisions out of impulse take you? 110317-120317