Wala akong pinagsisihan sa naging desisyon ko. Bawat araw na lumipas ay hindi nagsawa si Kiefer na ipakita at ipadama sa akin na tama ang binigay kong pagkakataon sa kanya, sa amin.
Ramdam ko rin ang galak ng aking mga magulang. Sabi nila ay inihanda lang kami ng panahon. Napagpasiyahan naming sa ika siyam na kaarawan na lang ni Karys ipapakilala si Kiefer sa kanya.
Napagdesisyunan ko ring bumili na ng condo unit para sa amin ni Karys. Iba pa rin kasi talaga ang pakiramdam na nakabukod.
Naging masaya si Raf para sa amin ni Kiefer. Lalo pa ang dalawa kong matalik na kaibigan, sina Ella at Chye.
Pareho naman kaming naging abala ni Kiefer sa aming mga trabaho. Kaya kung may pagkakataon ay sinusulit namin ang oras para sa isa't isa.
Nang minsang pauwi na sana ako galing meeting ay nadatnan kong flat ang dalawang gulong ng aking kotse. Kung minamalas nga naman.
Inilibot ko ang aking tingin at hinanap ang guard, mabuti na lang at naabutan ko si Ella na paparating.
"Anyare dyan besh? Dalawang gulong talaga? Ganun ka na kabigat besh?" Sigaw ni Ella sa akin. Hinampas ko naman siya sa braso ng nakalapit na siya sa akin.
"Bwinibwisit moko lalo besh ah. Pasabay naman ako. Papakuha ko na lang kay Kuya Allan yan." At nauna pa akong tunguhin ang kotse ni Ella.
"Ay as if naman talaga may choice pa ako besh, ano po? Gusto mo ikaw na magdrive besh bilang hindi ka naman galing duty dba? Galing ka lang office ako walong oras ako nagtrabaho." Reklamo ni Ella.
"Kaya mo naman na yan besh." Tinapunan niya lang ako ng tingin at saka nagmaneho.
Napansin ko naman iba ang direksyon na tinatahak namin. "Uy besh bakit dito ka dumaan? Sa condo mo ako ibaba please."
"Gutom ako besh, kain muna tayo sa Viandas. Malapit na tayo." Sabi ni Ella sabay himas sa tiyan niya.
"Ewan ko dyan sa tiyan mo Ella. Ako naman ngayon ang walang choice." Biro ko at siya namang pag park namin.
"Mauna ka na sa loob besh. Magaayos lang ako." Sabay tulak niya sa akin sa pinto.
"Ang dami mong alam. Sumunod ka agad besh." Bilin ko sa kanya na tinanguan niya lang.
Sinalubong ako ng maraming bulaklak at isang table for two na naka set up sa gitna ng restaurant. Naramdaman ko naman ang mga bisig na pumulupot sa bewang ko mula sa likuran. Amoy pa lang ay alam ko na kung sino. Umikot ako at hinarap si Kiefer.
"Hi babe!" Bati niya sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi. "You like it?" Tanong niya.
"Ang ganda babe. Anong meron at may pa surprise ka? Kasabwat mo si Ella ano? Natatawang tanong ko.
Tumawa siya. "At ako rin ung nag utos para sirain gulong ng kotse mo." "Ako na rin bahala dun babe." Pahabol niya agad na ikinatuwa ko dahil naalala ko yung inis ko kanina. Ang dami niya talaga paandar.
Masaya kaming kumain at nagkwentuhan.
"Babe thank you for today ha." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Tumayo naman siya para lumapit sa akin.
"Do you know what day is it today babe?" He asked me in a sweet tone.
"Hmm wait lemme check." Kinuha ko naman ang cellphone ko upang tingnan ko ang petsa.
"Omg babe!" Bulalas ko at napayakap sa kanya ng mahigpit.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at tiningnan ako. "Changing the bad memory of this date babe."
Tumango ako. "October 14 is now worth remembering. Thank you, Kiefer."
And that was what Kiefer and I had been doing. Making good memories together. And I could not wait to share those times with Karys, soon.
Kiefer never failed to make me feel how special I am. That made me even decide to let him in Karys' life.
Few days before November 15, I was planning to throw a mini surprise party for Karys in a known fastfood chain. At doon nga ay ipapakilala ko na rin ang kanyang Daddy.
Dalawang araw bago ang kanyang kaarawan ay dumalaw kami sa bahay ng aming magulang. Hinayaan ko naman si Karys na makibonding sa kanyang Tita Kianna. Masaya kaming nagtatawanan noon ng aking mga magulang nang maramdaman kong nanigas ang panga at bibig ko, sumunod ang katawan ko.
Nagising na lang ako na nasa hospital na kami. Agad ko namang hinanap si Karys. Ang sabi ng Mommy ay ipinasyal na muna ni Kianna dahil kailangan kong manatili pa sa hospital. Tinanong ko rin kung ano ang nangyari. Ang sabi ng Mommy ay nag seizure raw ako na bigla kong pinangamba. Pinakalma naman ako ng aking ama at sinabing mas mainam na maghintay na lang kami sa sasabihin ng doctor.
"Alyssa, I'm Doctor Gil Saturno, sa akin ka kasi nairefer ng Emergency Room." Pagpapakilala ng Doctor na pumasok sa aking silid.
"Would you like to be transfered to Good Samaritan Hospital? I saw in your records that you are employed there." Mabilis naman akong umiling. Natatakot ako sa maaring kalabasan nito at ayaw kong may ibang makaalam.
"Alyssa, have you experienced frequent headaches lately? How would you describe the pain? Any unlikely symptoms that you had these past few days?" Mahinahon niyang tanong.
Huminga ako ng malalim at tiningnan ang mga magulang ko na bakas ang pagalala sa mukha.
"Hmm I had frequent headaches that increases in intensity na kahit anong inom ko sa usual na gamot ay hindi nawawala. Tapos minsan naman Doc I had episodes of numbness and muscle weakness." I paused for a moment trying to recall things.
"At times I had blurring of vision, and I think dalawang beses na po ako nawalan ng malay." I continued. I knew my parents were both in shock. I hid everything from them.
"And you had seizure earlier Alyssa. We need to do some diagnostic procedures to confirm those signs and symptoms.
"Doc what could possibly be this?" My Dad asked.
"Mr. Valdez I don't want to do an early diagnosis without any basis." He answered.
"I'll just make my orders first." And he left the room.
Nakita kong bagsak ang mga balikat ng mga magulang ko. Kung sila nga ay takot, akin ay sampung beses pang higit dun.
xxxxxxxxx

BINABASA MO ANG
IMPULSE [KiefLy]
Fanfictionwhere will your decisions out of impulse take you? 110317-120317