Chapter 1: Fiesta

65.2K 1.5K 56
                                    

XHIARA LANDELL

Para sa akin ay mahaba na ang pangalan ko kaya mas preferred akong tawagin na Yara.

Nanatili akong nakapikit habang nakahiga pa sa aking kama.

Nandito na naman siya. Lagi nya na lang akong pinapanood habang tulog. Alam kong maganda ako pero madamot ako.

"Ang cute nya matulog." Masayang bulong nya.

Lagi nya yang ginagawa tuwing mauuna sya magising sa akin. Kapag ramdam kong ang prinsensya nya ay nagigising ako. Marahil ay napalapit na ako masyado sa kanya.

"Ate Yara naman gising na, ang cute mong matulog pero ramdam kong gising ka na kaya mulat ka na ha...excited na kasi ako hehe" tss.

Nagmulat ako ng mata at tumingin sa kanya. Naka-tagilid ako ng higa kaya kitang-kita ko sya na nakaluhod sa harap ng kama kong sakto lang ang taas.

Ngiti nya ang sumalubong sa akin at mahinang bungisngis. Napaka-ganda ng babaeng ito.

Sayang lang ay itinaboy sya ng sariling pamilya dahil di matanggap na mahina sya. Hindi sya mahina sadyang kulang lang sya sa ensayo.

"Labas na" agad syang tumango sa utos ko at nakangiting lumabas sa kwarto ko. Marahil ay miss na miss nya na talaga ang bayan.

Bago ako naligo ay inihanda ko ang aking damit. Simpleng damit, hindi pangmayaman at hindi rin pangmahirap. Napahinto ako sa pagsuot at tumitig sa aking inborn mark sa kaliwang dibdib. Hanggang ngayon ay namamangha ako sa hugis at kulay nito. Ang markang may ibig sabihin at unti-unti kong tinatanggap. Napaka-kumplikado kung pagtutuunan ko pa ng pansin.

Lumabas na ako sa kwarto at pinuntahan sya sa may sala.Nakangiti na naman sya. Sa panahong ito nasisiguro kong may ipagmamalaki ka na sa pamilyang tumakwil sayo Alira.

Ngumiti ako sa kanya at saka lumabas na sa bahay. Agad naman nyang ipinulupot yung braso nya sa kanang braso ko.

Mahabang lakadan ang tinahak namin bago kami nakarating sa gate ng City. Ang bahay namin ay sa gitna ng gubat at malayo sa siyudad. Dito ko ginustong tumira para mag-sanay. Tiningnan lang kami ng bantay saka kami pinapasok sa gate.

Tumingin ako sa langit. Ilang oras na lang ay malapit na magdilim. At malapit na magsimula ang pang-gabing kasiyahan ng Pyesta ng Bayan.

"Ate Yara pasok tayo dun oh, mukhang masarap yung mga tinda nila" tumango naman ako sa kanya.

Pumasok kami sa tindahang sinabi nya. Mukhang masarap nga ang tinda nilang mga tinapay. Pumili kami ng mga gusto namin at inabot ko naman ang katumbas na pilak.

(Pilak ang ginagamit nilang pambayad)

Lumabas na kami pagkatapos at umupo sa upuan sa labas ng tindahang pinagbilhan namin at dun kumain.

"Namiss ko na sila...Ate Yara" nakangiti pero malungkot na pagkasabi nya. Tinapik ko lang ang balikat nya saka nginitian sya.

"Pero alam ko namang di nila ako na-mi-miss, itinakwil pa nga nila ako haha..."
Nalulungkot ako para sa kanya. Bigla syang tumingin sa akin kaya nagtaka ako.

"Pero kung masakit sa akin mas masakit sa iyo at kung mahirap sa akin ay mas mahirap sayo"

Nawala ang pagka-taka ko at napalitan ng blangkong ekspresyon. Marahil ay hindi na ako magsasabi sa iba ng tungkol sa nakaraan ko. Ayokong kaawaan ako.

Tumayo naman ako at nakangiting tumingin sa kanya.

"Tara na" yaya ko pa at ini-abot ang kamay ko sa harap nya. Inabot nya ito saka ngumiti at tumayo.

South AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon