Chapter 41: Legend City

14.8K 584 25
                                    

XHIARA LANDELL

Ngayon na ang nakatakdang araw para umalis at tumungo sa Legend City. Napakabilis ng panahon at hindi ko man lang namalayan. Dumating na ang araw na siyang pagtatapos ng lahat. Ang tunay na laban ay magsisimula na.

"Ako na" nabigla ako ng kunin ni Kyzen ang dala-dala kong hindi gaanong kalakihang bagahe na naglalaman ng mga gamit na kakailanganin ko habang nandun kami sa Legend City.

Umiling ako at kukunin ko na sa kanya nang inilayo niya ito sa akin at tumalikod. Sa kaliwa niyang kamay ay ang dala-dala niya habang ang akin naman ay nasa kanan niya. Nakataas ang kilay ko habang nakasunod sa kanya palabas ng building. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang kanyang ngiti.

Pagdating namin sa may gate ay nandun na sila Madam Min, ang apat, si Wyrro, Alira at ang ibang mga estudyante. Nakalapit na kami sa kanila ng mapansin ko ang tingin nila.

"Kayo na?" sa sinabi ni Alira ay binigyan nila kami ng ngiting pang-asar. Hinayaan ko na lamang ang gamit ko kay Kyzen at tumabi sa kanila.

"Kahit man hindi ako naging saksi sa naging ensayo niyo ay masasabi kong mahirap ang pinagdaanan niyo sa pamamagitan lamang ng pagbasa ng isipan niyo. Natutuwa ako na malaki na ang pinagbago niyo matapos ang tatlong buwan. At dahil iyon sa inyong pagsisikap. Dumating na ang araw kung saan magagamit niyo ang iyong natutunan.

Suwerte ang timog na nagkaroon ng katulad niyo at mas lalong suwerte ang paaralang ito na maging isa kayo sa mga estudyante dito at ngayon ay aalis kayo at dadalhin ang buo nitong pangalan. Ang karangalan ng paaralan ay nakasalalay sa inyo at bilang bahagi nito ay ibibigay namin ang buong suporta sa inyo." ngumiti si Madam Min sa amin, maging ang ibang mga estudyante.

Ngumiti rin kami pabalik at ako naman ang nagsalita. Tinanggal ko muna ang aking maskara saka tiningnan sila.

"Makakaasa kayo na gagawin namin ang lahat para maiuwi ang tagumpay." nagkatinginan kaming lima saka tumango at ngumiti.

"Maraming salamat sa pagtanggap sa niyo sa akin." yumuko ako at ngumiti sa kanila saka tumalikod.

Nauna akong sumakay sa kalisa at sumunod naman sila matapos magpaalam. Mauuna kaming pupunta sa Legend City at bukas naman ay susunod na sila Madam Min.

Umupo sa tabi ko si Kyzen habang ang tatlo naman ay nasa harap namin. Bumaling ako sa may bintana at sa huli ay pinagmasdan ang paaralan, ang South Academy.

Sila naman ay nag-uusap-usap sa kung ano ang gagawin nila pagdating sa Legend City. Nabanggit din nila na maglilibot sila sa syudad.

Inabutan kami ng tanghaling tapat nang makarating kami sa napakalaking gate ng siyudad.

Binalik ko ang maskara sa mukha ko at sumunod sa kanila sa pagbaba sa kalesa. Habang bitbit ang dala-dala ay pinagmasdan ko ang paligid. May mga kasabayan din kami na lulan din ng kalesa. At sa taas ng kalesa nila nakabandera ang pamilyar na logo.

"Mga taga North" rinig kong bulong ni Jhare.

Bago ko alisin ang paningin sa kanila ay nahuli ko pang nakatingin sila sa amin at sa logo ng kalesang sinakyan namin. Binigyan lamang nila kami ng isang mapaglarong ngiti bago pumasok sa gate.

Inalis ko ang tingin dun dahil baka hindi abutan ng palaro ay nagharap na kami dito mismo. Makalipas ang isang taon ay muli kaming nagkita at dito pa talaga.
Nag-iinit ang dugo ko.

"Yara..." napatingin ako kay Kyzen at naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko na naka-kuyom.

Umiwas ako ng tingin at nauna nang lumapit sa gate. Sumunod naman sila sa akin at pumasok na kami sa gate.

South AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon