Chapter 27: Armis Festival

17.1K 694 22
                                    

ALIRA LANQUEZ

Maaga akong nagising kaya ako ang nagluto ng agahan naming tatlo. Tulog pa ang dalawa at dahil nga sa sobrang pagka-excited ko ngayong araw ay wala pa sumisikat ang araw ay wala na ako sa higaan.

Una kong pinuntahan ang kwarto ni Wyrro. Naabutan ko siyang nakadapa pa sa kama at yung kumot niya ay nasa sahig na. Ang kalat talaga matulog.

"Wyr gising na!" hinila ko yung paa niya pero sinipa niya lang kamay ko. Kainis to ah!

"Ayaw mo magising ah!" napangisi ako sa naisip ko. Bwahaha yari ka ngayon, maliligo ka ng wala sa oras at wala sa lugar.

"Anong ginagawa mo?" napalingon ako sa pintuan at ang nakatayo at naka-crossed arm na si ate Yara ang nakatingin sa akin.

"Ginigising" ngumiti ako na ikinailing niya na lang.

Gamit ang kapangyarihan ko ay ginawa kong maliit na pool ang kama niya habang nakalutang ang katawan ni Wyrro. Ilang dangkal ang pagitan ng katawan nito at ng tubig sa pool.

Pagka-snap ng daliri ko ay nalaglag siya sa tubig. Tumalsik pa ang tubig sa kamay ko. Narinig kong tumawa si Ate Yara kaya napatawa na rin ako. Ang sarap mang-trip haha.

Mula sa pagkakahiga sa pool ay tumayo si Wyrro na nanlalaki ang mga mata. Nagtatakang tiningnan ang kinalalagyan. Pfft. Haha.

"Good morning" bati ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Pinipigilan ko lang ang tawa ko dahil sa itsura niya.

"Paanong nagkaroon ng pool dito? At saka---yung KAMA KO!!!" pfft. Haha

"Kumain na tayo, umalis ka na dyan Wyrro. Masanay kang gumising ng maaga para di ka mapagtripan ng baliw na nasa harap mo" eh! Ako baliw?

Lumingon ako kay Wyrro at sumalubong sa akin ang masama niyang tingin kay tumakbo ako at sumunod kay ate Yara sa labas. Pfft. Haha

_____

"Wyrro palabasin mo na yung power armor mo, lumabas na ang portal oh papunta sa rarampahan niyo" pagkasabi ko nun ay nakatingin lang ako sa portal.

Ang sabi sa akin ng dalawa ay ang bawat contestant ay dadaan sa portal na kokonekta sa dadaanan ng mga contestant papunta sa stage. Ang dadaanan o rarampahan nila ay isang mahabang daanan na dalawang dipa ang lapad at isang dipa't kalahati ang taas mula sa lupa. Nilagyan ito ng maroon carpet. Dahil maroon ang motif ng design ng school na itinulad sa uniform ng estudyante.

"Alira mauna ka na sa labas. Baka mawalan ka ng upuan" tumango ako.

Ang field kasi ay nilagyan ng upuan para sa mga estudyante. Kapag nakatayo kasi ay magulo tingnan kaya nilagyan nila ng upuan lalo na't hindi pangkaraniwan ang bisita ng school.

"Lalabas ka nang ganyan?" Lumingon akong nagtataka kay Ate Yara.

"Baka nakalimutan mong hindi lang kami ang mag-a-armor" ay oo nga pala. Napakamot na lang ako ng ulo.

Lumayo ako sa pinto at pinalabas ko ang power armor ko. Lumiwanag ng ilang sandali ang buong katawan ko at ilang sandali lang din ay nagpalit na ang suot ko.

Gawa sa papel ang armor ko. Pink ang kulay ng papel na nakapalibot sa katawan ko. Ang saktong lapad ng papel na nakatakip sa dibdib ko hanggang likod, sa harap nito ay may dalawang parisukat ng papel na pinagkrus. Maikiling short na gawa din sa papel ang suot ko sa baba kaya kitang-kita ang legs ko na pinalilibutan ng kapirasong papel pababa sa mga paa ko at ganun din sa braso at kamay ko.

Ang maskarang papel na nakabalot sa itaas na bahagi ng mukha ko. Umiba rin ang kulay ng ilang hibla ng buhok ko, ang karamihan ay itim at ang iba ay pink. Tulad ng kulay ng armor ko ay ganun din ang kulay ng labi ko at ng kuko ko.

Sa kanang kamay ko ang espadang papel na kulay pink ang hawakan at puti na ang katawan.

"Alis na ako" paalam ko sa kanila. Ngumiti lang si ate Yara habang si Wyrro ay natulala. Dinilaan ko siya bago ko isara ang pinto.

Hindi ko makikitang magpalit anyo sina ate Yara at Wyrro. Pero debale mamaya makikita ko rin.

Marami akong nadaanan na nakasuot sa kani-kanilang armor pero ang ikinasaya ko ay hindi ako nila nakilala kaya tuloy-tuloy ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa field. Kunti pa lang taong nakaupo sa mga upuan kaya dali-dali ako sa may harap at nang makahanap ako ay umupo ako agad. Ang ganda sa pwesto ko dahil kitang-kita ko ang pwesto ng judges at ang pwesto kung saan tatayo lahat ng contestant.

Ang ganda talaga sa school na ito. Matagal ko nang gusto dito mag-aral kaya lang hindi ako pinayagan.

Ilang sandali lang ay dumami na ang mga tao at napuno na ang field. Maaliwalas ang panahon ngayon ngunit hindi naman masakit sa balat ang init dahil sa invisible barrier na nilagyan pa ng makulay na rainbow.

Mula sa gilid ng stage ay nandun ang isang guro bilang speaker sa araw na ito.

"Magandang umaga sa lahat. Ako si Hanari Tera, ang speaker sa ating pagdiriwang. Ngayong umaga ay gaganapin ang Armis of South at sa hapon naman ay ang palaro para sa lahat. Maari na tayong dumako sa entrance para salubungin ang ating mga panauhin kasama ng ating butihing Dean."

Lahat kami ay tumingin sa intrance na isang portal. Sa gilid nito ay naka-abang ang mga guro suot ang kani-kanilang armor upang batiin ang mga panauhin.

Mula dito ay unang lumabas ang Dean na si Madam Min na suot ang kulay brown niyang armor. Sumunod ang isang Lalaki na mas matanda ng ilang taon kay Madam Min? Sino siya?

"Ngayon na lang ulit nagpakita ang principal ng school"
"Kaya nga, bumawi siya dahil wala siya nung ceremony"

Siya pala ang principal ng South Academy.

Sumunod na lumabas ay ang babae na kasing edad lang ni Madam Min. Nakasuot ito ng violet armor, may pagkakatulad ang armor namin pero may kapa siya. Ang sandata niya ay ang pamaypay na nakalagay sa ulo niya. Hindi ito halatang sandata dahil mas mukha itong palamuti.

Nagtama ang paningin namin at naramdaman ko ang pagkabog ng puso ko. Ang tindig, ang mga mata, hindi ako pweding magkamali. Mama!

Inalis ang tingin niya sa akin at tumingin sa unahan. Malamang alam niyang kasali sa contestant si Ayline, ang ate ko.

Tinanggal ko ang paningin sa kanila at tumingin sa portal.

Lumiwanag ang portal at lumabas dito ang naka-suot ng gintong armor na walang katulad kanino man. Ang armor ng First Legend, Si Master Shu. Seryoso ang perpekto nitong mukha habang naglalakad. Tahimik ang lahat habang manghang-mangha habang tinititigan ito.

Ang pangalawang beses na nakita ko ang unang legend.

Bago umupo ang mga panauhin ay naunang umupo si Master Shu at sumunod na din ang iba.

Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ng malapitan sila. Kay Master Shu lang ang tingin ko at hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya. Walang maipipintas na kahit ano. Kung nandito lang siguro sa tabi ko si Ate Yara, aasarin ko siya kay Master Shu hehe. Pareho silang pinagkalooban ng mga perpektong mukha.

Namamalikmata ba ako kapag sinabi kong nakita kong tumingin sa akin banda si Master Shu.

Nakilala niya ba ako?
O may hinahanap lang siya kaya napalingon siya sa pwesto ko?

××××××

A: Salamat sa paghihintay. ^__^v

Sa totoo lang, tapos ng ang kwentong ito sa utak ko. Kaya lang di ko masulat-sulat kasi mahirap isulat yung nasa isip ko. Kailangan kong isa-isahin para maayos ang flow ng kwento at hindi maguluhan ang nagbabasa nito.

South AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon