KYZEN FONTALES
(Kyzen- read as Kay-zen)
"At saan ka pupunta Kyzen Fontales" napatingin ako sa may pintuan ng kwarto ko at sumalubong sa akin ang Mommy kong naka-taas ang isang kilay.
Bakit nandito sya? Akala ko ba nasa Legend City sya kasama si Daddy.
Tumaas din ang isa kong kilay at saka bumalik ng tingin sa labas ng bintana. Not bad. Hindi ako masasaktan kong tatalon ako dito.
"Tinatanong kita Kyzen! At bakit dyan ka dadaan eh meron namang pintuan?" Nagkibit-balikat lang ako sa kanya at pumwesto na para tumalon.
Palapit na sya sa akin ng bigla akong tumalon pababa.
"KYZEN! Ikaw talagang bata ka, ang tigas ng ulo...haisst" tumingin ako sa kanya saka kumindat. Haha.
Marami pa syang sinabi pero di ko na pinansin. Sorry Mom. I love you from the bottom of my heart hypothalamus. ^_~
Tumalon ako sa bakod namin.
Hindi pwedi sa gate namin dahil makikita ako ng bantay at hindi pa ako maka-alis.Pagkadating ko sa kabilang bakod ay agad na akong tumakbo sa direksyon ng Bayan. Hindi pa ako nakakalayo ay may humila sa akin.
"Alam ba ng mommy mo na tumakas ka ha First?" tanong sa akin ni Jhare.
Anong ginagawa nila dito?
Nagtataka akong tumingin sa kanila.
Aba kumpleto yata sila ngayon."At para yatang gulat ka na makita kami First, syempre alangang ikaw lang ang pumunta sa pyesta ng bayan kami rin noh!" mataray na sabat ni Shana.
Nagkibit-balikat lang ako sa kanila saka tumalikod. Wala akong natandaan na sinabihan ko sila tungkol sa pagpunta ko sa pyesta.
-___-Sa wakas, pyesta na naman. Makaka-aliw-aliw na naman ako. Gusto ko ako lang mag-isa para masaya.
"Kahit kailan talaga, NAPAKA-SNOB MO FIRST, DI MO MAN LANG KAMI NAISIP HA!" Pinagsasabi nitong Jhare na to.
Hindi ko sila pinansin at diretso lang ang lakad ko. Napatigil ako sa paglakad nang hindi ako makagalaw maliban sa ulo ko kaya lumingon ako sa likod ko. Ang anino ko.
"First naman nakakatampo ka! Wala na ba akong halaga sayo?" lumabas sa anino ko si Shana.
Ano namang drama ito?
Tiningnan ko sila ng seryoso at medyo nagulat naman sila.Umalis si Shana sa anino ko kaya nakakagalaw na ako.
Di ko na sila nilingon pa. Nakarating na rin ako sa gate na naghahati sa village namin at sa bayan ng South.Lumabas na ako sa gate at masasayang tao ang bumungad sa akin.
Napangiti ako sa nakita. Susulitin ko itong araw na ito dahil malapit na ang pasukan at paniguradong mahirap na naman ang mga naka-abang na mga gagawin.
At saka limang buwan na lang at gaganapin na naman ang Taonang Paligsahan na tinatawag na Legend Cup.
Labanan ng mga grupo mula sa North, East, West at South na ginaganap sa Legend City. Malalaman nyo rin ang ibang detalye sa paligsahang ito.-____-
Kahit itago pa nila ang presensya nila sa akin ay ramdam na ramdam kong sumusunod sila sa akin.Balak ko talaga AKO lang mag-isa. Eh bakit sumulpot itong mga makukulit.
"Ang tahimik talaga ni First no"
"Makasarili din"
"Grupo kaya tayo tapos parang ayaw nya tayo makasama"
"Ang sarap nya kutusan-" napalingon ako sa kanila at sinamaan ng tingin si Jhare.
BINABASA MO ANG
South Academy
FantasyIsang kasunduan ang nagtulak kay Xhiara upang magbalat-kayo para makapasok sa paaralan ng South Academy na hindi dapat nyang paki-alaman at hindi dapat puntahan. -btgkoorin- Highest Rank in Fantasy • Rank #8 (04-24-20) • Rank #6 (04-27-21) • Rank #7...