THIRD PERSON'S POV
Mula sa malayo ay kanina pa nakamasid ang may edad na lalaki sa dalagitang nakaupo sa isang tumpok na ulap habang nagmamasid sa ibaba.
Ang kasuotan ng lalaki ay isang maharlikang baluti mula sa sariling kapangyarihan. May kahabaan ang buhok na hanggang ibabang mata. May mga suot din na porselas sa katawan. Hindi rin maitatago ang kagandahang lalaki mula sa pangangatawan haggang mukha.
Habang palapit sa dalaga'y pumuslit ang isang ngiti sa labi at sinabi sa isipan. 'Malaki na ang inaanak ko'
Bago niya mahawakan ang balikat ng dalaga ay umikot ito sa pwesto niya at tinutukan siya ng kamay na may kapangyarihan. Nagulat pa ito at nanlalaking ibinababa ang kamay pagkakita sa kanya.
"Master Zux ikaw po ba yan?"
Hindi makapaniwala ang dalaga sa nakikita. Totoo nga bang ang taong hinahangaan sa matagal na panahon simula nang dumating siya sa mundo ay nasa harapan na niya. Minsan na niya itong nakausap ngunit sandali lamang.
"Maupo tayo Iha"
Umupo siya sa isang kumpol na ulap at ganun din ang tinawag niyang Master Zux.
Sino nga ba si Master Zux?
Zallix 'Zux' Sillares. Ang Master ng Balance ng ika-Pitong Henerasyon mula sa pamamahala sa mundo na tinatawag na 'Master Zux' bilang paggalang. Pagsapit ng ika-40 edad nito ay isinalin na niya ang pamumuno mula sa napiling tagapagmana ng makapangyarihang kapangyarihan sa buong mundo. At iyon ay si Master Shu. Kagalang-galang ang lalaki at buong mundo ang humahanga sa galing nitong mamalakad ng nasasakupan. Mabait at Magaling sa mga bagay-bagay. At higit sa lahat ay habulin ng babae mula pagkabata. Ngunit isa lang ang minahal at yun ay ang Mistress of Arrow, si Mistress Miya.
"Iha magkwento ka naman"
"Alam ko pong alam niyo ang nangyayari sa akin. Sa tingin ko po ay hindi na kailangan pang-ikwento" Yumuko siya at ramdam niya ang panginginig ng kamay. At alam niyang hindi niya matitigan ng maayos ang kaharap.
"Masaya ka ba?"
Lumandas ang mga luha sa kanyang mga mata sa tanong at yumuko pa lalo at tinakpan ang mukha.
'Masaya nga ba siya?' yan din ang tanong niya sa sarili niya. Sa lahat ng pinagdaanan niya at sa lahat ng ginagawa niya. Masaya nga ba siya?
Agaran niyang pinunasan ang mga luha at diretsong tumingin sa kaharap."Mapapatawad niyo po ba ako?"
"Simula pa lang na ginawa mo ang bagay na iyon ay pinatawad na kita. Alam ko ang layunin mo at gusto kong patunayan mo sa akin at sa sarili mo na kaya mong baguhin ang gusto mong mabago. Para mabago ito ay ikaw mismo ang lumabag dito. Gusto ko lang malaman na kung masaya ka ba sa desisyon mo?"
"Kung ito po ang paraan ay magiging masaya ako kahit na nalayo ako sa mga taong nagpapasaya sa akin. May tungkulin ako pero kahit sandali ay gusto ko munang takasan ito. Gusto kong malaman ang mga bagay na hindi ko alam at hindi ko pa naranasan. At kapag sapat na ang kaalaman at karanasan ko, masasabi kong handa na ako sa tungkuling iyon. At bago ako umupo sa pwestong iyon ay mapigilan ko ang pagbago sa kaalaman ng lahat. Handa akong maparusahan para ipaglaban ang layunin ko. Iniisip ko pa lang ang magiging kalalabasan ay hindi makaya ng konsensya ko. Lalo na ang makitang parusahan ang mga taong bunga ng kapabayaan ng namamahala."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at pinagmasdan ang tanawin sa baba. Ang kanyang mundo. Ang mundong nais niyang protektahan mula sa kasinungalingan.
"Bakit po? Bakit po hinahayaan nyong mangyari ang mga bagay na iyon? Bakit niyo ako hinahayaan?"
BINABASA MO ANG
South Academy
FantasyIsang kasunduan ang nagtulak kay Xhiara upang magbalat-kayo para makapasok sa paaralan ng South Academy na hindi dapat nyang paki-alaman at hindi dapat puntahan. -btgkoorin- Highest Rank in Fantasy • Rank #8 (04-24-20) • Rank #6 (04-27-21) • Rank #7...