XHIARA LANDELL
Marami nang estudyante ang nadatnan namin pagkadating namin sa harap ng gate ng School.
Sa lahat ng school dito sa South ito ang pinaka-main sa lahat at halos yung mga magagaling na estudyante sa ibang school ay dito pumapasok. Hindi pwedi mag-aral dito ang mga taga North,East at West.
Limang tao ang magkakasama sa isang grupo. Halos lahat sila ay abala sa pagpapakalma ng sarili. Hindi pa binuksan ang gate ay kabado na sila.
Marahil ay dahil iyon sa entrance test.
Nakakapagtaka lang na alam naman na ang iba dito ay taon-taong dumadaan sa entrance test dahil matagal na sila dito. Ay halata pa rin na kinakabahan sila.
Nandito lang kami ni Alira sa may gilid habang nakatingin sa mga estudyanteng sa harap ng gate.
"Nandyan na ang Ablaze" tili ng isang babae na dinamayan pa ng mga kasama niya.
Pamilyar sa akin ang Ablaze. Ang sabi ay sila ang grupo na pinakamalakas dito at nangunguna. Tatlong lalaki at dalawang babae ang bumubuo dito. Maliban pa dyan ay wala na akong nalalaman.
Mas magandang kilalanin sila ng harapan.
Nahawi ang mga estudyanteng sa harap ng gate habang nakatingin ng may pagkamangha sa mga eatudyanteng prenteng naglalakad sa gitna.
Yung isa pa ay kumakaway sa iba na halos magtilian ang kinakwayan nito.
Tahimik naman yung dalawa na pinag-gigitnaan ng tatlo.
Taas-noo naman ang iaang babae habang naglalakad at bumilos pa iyon upang sabayan ang nangunguna sa kanilang grupo. Pinaikot pa ng babae yung braso nya sa lalaki na kahit malayo ako ay kita ko ang pagsama ng tingin nito sa babaeng kasama."Ang gwapo ni First noh!"
Marahil yung nauuna ay sya ang tinatawag na First.
Malakas ang dating nya at lalong nagpadagdag ng pagiging perpekto ng mukha nya. Perfect!.
Bumukas ang gate at ang Ablaze ang nangunguna sa pagpasok at sumunod naman yung iba.
Napatingin ako kay Alira dahil sa pananahimik nito at nakakapagtaka iyon.
"Let's go" sa halip na sagutin ako ay iba ang sinabi nya na ikina-nganga ko.
"Ate Inlove na yata ako dun sa tahimik na sa gitna" kahit di ko kita ang mga pisngi nya ay halatang namumula ito gaya ng tenga nya.
"Masyado ka pang bata para dyan halika na" wala syang nagawa nung hinila ko na sya.
Pagpasok namin ay sumara na ang gate.
Tumambad sa amin ang napakalaking Academy. Nakakapagtaka lang nga ay bakit hindi pa sila lumakad at nakatingin lang sila sa Academy."Magandang araw sa inyong lahat. Tulad nang nakagawian ay bago magsisimula ang taon ay dadaan kayo sa Entrance test. Bago man o hindi. Para naman sa mga bagong estudyante ay binabati ko kayo dahil napili nyo ang South Academy upang dito mag-aral.
Ang Entrance Test ngayong taon ay ang 'Mirror Escape' kailangan nyong makaalis at kapag nagawa nyo yun ay ang unang bubungad sa inyo ay ang inyong magiging kwarto hanggang matapos ang taon. Yun lang, good luck students." hindi makikita sa kinalalagyan namin ang nagsasalita.
Nagpapasalamat lang ako na balewala lang ang prisensya namin sa nakakarami kahit na merong napapagawi ang tingin nila sa aming dalawa. At hindi ko nagugustuhan ang mga tingin nila.
Sino nga bang hindi mapapatingin sa suot namin. Nakahood kami at mas lalo pang nakamaskara kami.
Nagsimula na ang mga estudyante sa paghahanap ng daan dito sa Mirror Dimension na ito.
BINABASA MO ANG
South Academy
FantasyIsang kasunduan ang nagtulak kay Xhiara upang magbalat-kayo para makapasok sa paaralan ng South Academy na hindi dapat nyang paki-alaman at hindi dapat puntahan. -btgkoorin- Highest Rank in Fantasy • Rank #8 (04-24-20) • Rank #6 (04-27-21) • Rank #7...