Epilogue

22.7K 744 138
                                    

Muli akong nagpapasalamat na nakarating ka sa dulong ito. Ito na ang huli para sa kwentong ito at masaya akong hanggang dito ay binasa mo. Salamat!
---btgkoorin💕---
***


Sabi nila ang buhay ay parang gulong, minsan sa ibabaw, minsan naman ay sa ilalim. Kapag masaya at maginhawa ay nasa ibabaw at kapag malungkot at mabigat ay nasa ilalim.

Dadaan at dadaan talaga tayo sa madilim na kabanata ng ating kwento, ang paghihirap. Ngunit dahil dun natuto tayong maging malakas at lumaban.

Nagkaroon ng bagong kaibigan, pag-ibig at tahanan.

Ang paaralan ng South Academy na pangalawang paaralan na kasama ko hanggang sa laban. Ang paaralan na sinamahan ko para sa laban ng palakasan.

Hindi na ako mahina tulad ng dati. Hindi na ako gaya ng dati na kayang apihin.

Para sa mga taong nasaktan at iniwan ko, humihingi ako ng pasensya.

Nang tumama ang palaso sa kaliwang dibdib ko, tinanggap ko na ang paglaho ko pero pinagpala yata ako at binigyan ng ikalawang pagkakataon.

Tanggap ko na ang kamatayan ko pero binigyan ako ng pagkakataong gawin ang tungkulin ko para sa mga taong nasasakupan ng mga kagaya ko.

Nakatadhana na yatang mangyari ang lahat ng bagay para dumating sa ganitong wakas.

Tapos na ang pagbabalat-kayo.
Tapos na ang pagpapanggap.
Tapos na ang pagtatago sa maskara.

Ako na muli si Xhiara Landell, hindi na yung may simpleng buhay kundi yung babaeng may mataas na tungkulin at maraming kaibigan.

Tapos na ang tunay na labang pinaghandaan ko ng isang taon at limang buwan.

*****

Chou Tzuyu as Xhiara Miya Landell
(The man at your imagination) as Kyzen Fontales

***

Kung may tanong po kayo ay i-comment niyo lang at sasagutin ko.
-btgkoorin

South AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon