Athena_Nightmare ^_^
XHIARA LANDELL
Kanina ko pa hinihintay yung sasabihin niya. Hangang magdilim na lang ay wala pa rin siyang sinasabi. Mukhang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya ba o hindi.
Kahit na madilim na ay maliwang pa rin dahil sa screen na nasa gitna ng field. Wala na ring ibang estudyante maliban sa amin.
Tumingin ako sa kanya at nahuli kong nakatingin rin siya sa akin. Tumayo ako at tumalikod sa kanya.
"Kanina ko pa hinihintay ang sasabihin mo wala na---"
"Mahal kita"
Natigilan ako at nanlalaki ang mga mata. Hindi ko man lang magalaw ang buo kong katawan. Pinilit kong humarap sa kanya at inulit na naman niya ang kanyang sinabi habang nakatingin kami sa isa't isa.
"Mahal kita Yara"
"Kailan pa?" tanong ko kahit na ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"H-hindi ko alam" aniya. Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin.
"Itigil mo na habang may oras pa" matigas kong pahayag. Isang bagay ang pumasok sa isip ko at iyon ang dahilan ng pagpigil ko sa kanya.
Hinarap ko siya at sinalubong ang tingin niya.
"Bakit?"
"Hindi tayo pwedi" kahit na aminin ko ring gusto kita, hindi pwedi.
"B-bakit?"
Nag-aalanganin pa akong sabihin sa kanya pero ayaw kong magsinungaling kung bakit ko siya tinanggihan.
"Dahil magkaiba tayo. Magkaiba ng distrito. Taga-hilaga ako at taga-timog ka." natulala siya sa sinabi ko.
Alam kong may mababago dahil sa sinabi ko. Bakas sa mukha niya na nasaktan siya pero wala akong magawa kundi sabihin sa kanya ang totoo. Alam niya ang kabuuang itsura ko at ngayon kung saan ako nanggaling.
Tumalikod ako sa kanya. Nakasakit na naman ako. Pilit kong pinapasaya ang araw na ito pero ito nakasakit na naman ako.
Maiiwan din kita Kyzen. Lahat ay pangsamantala lang. Kaya habang maaga pa ay itigil mo na ang nararamdaman mo sa akin.
_____
Sa loob ng natitirang araw para sa anunsiyo ng limang manlalaro na maglalaban sa Legend Cup ay nakatambay lang ako sa loob ng dorm.
Dito ko nilabas lahat ng kapangyarihan ko. Dito ako nagpapalipas ng oras, kumain at matulog.
Sa bawat gawin ko ay hindi maalis aa akin ang ginawang pagtapat ni Kyzen. Sariwa pa rin. Akala ko kapag nagmahal ako ulit ay hindi na ako masasaktan pero ito paulit-ulit akong nasaktan dahil sa katotohanang hindi kami pwedi.
"Ate Yara tara na magsisinula na" excited na Alira ang nabungaran ko paglabas ng pinto ng aking kwarto.
Tumango ako sa kanya at sinabi niyang nauna na si Wyrro sa field. Lahat ay kabado at excited sa kinalabasan ng pagpipili.
Pagdating namin ay nasa gitna na si Madam Min at nakangiting nakamasid sa mga estudyante.
"Sa loob ng limang araw ay nakita ko lahat ng ginawa niyo upang maging malakas. Nag-ensayo kayo sa abot ng makakaya niyo. Nag-abang ng resulta at dumating na nga ang araw para sa pagpapakilala ng mga napiling manlalaro." hindi maalis ang ngiti sa labi ni Madam Min habang nakatingin sa lahat. Masaya siya sa resulta ng pagpipili.
"Ang ikalimang pwesto ay nakuha ng may symbol na 'Ss' na kumakatawan kay Jhare Tizon ng Ablaze group"
Pumunta si Jhare sa tabi ni Madam Min at nakangiting humarap sa lahat. Pumalakpak naman kami.
"Ang ikaapat na pwesto ay nakuha ng may symbol na 'S' na kumakatawan kay Shana Cortez ng Ablaze group"
Tumabi si Shana kay Jhare at lahat rin ay pumalakpak.
"Ang ikatlong pwesto ay nakuha ng may symbol na 'I' na kumakatawan kay Dayne Almera ng Ablaze group"
Ngumiti si Dayne na naging dahilan ng pag-ingay ng iba.
Alam na ng karamihan na makakasali ang Ablaze group sa lalaban."Ang ikalawang pwesto ay nakuha ng may symbol na 'A' na kumakatawan kay Kyzen Fontales ng Ablaze group."
Marami ang pumalakpak at marami din ang nagulat. Akala nila ay siya na ang nakakuha ng unang pwesto pero nagkakamali sila.
"At ang nakakuha ng unang pwesto ay siyang magiging leader ng grupo. Ang symbol na 'L' na kumakatawan kay Yara Xhi ng Spyral Group"
May pumalakpak at meron ding nagulat. Lumakad ako papunta sa pwesto nila at diretso silang tiningnan. Tumabi ako kay Kyzen at taas noong tumingin sa lahat ng estudyante.
Nakita ko pa si Ayline na masama ang tingin sa akin at ang mga kasamahan niyang ganun din sa akin.
"Inaasahan ng lahat ang tagumpay niyong lima. Ang inyong kapangyarihan na ang nagsabi na karapat-dapat kayo upang lumaban at dalhin ang pangalan ng ating paaralan at distrito na ating tirahan." lahat ay pumalakpak.
Natapos ang pag-anunsiyo at naiwan kaming lima kasama si Madam Min. Humarap siya sa amin at nakangiting tiningnan kami isa-isa.
"Tara sa office ko at pag-uusapan natin ang tungkol sa pag-eensayo niyo"
Tumango kami at sumunod sa kanya sa paglakad. Sa huli ako at tahimik lang na sumunod sa kanila.
Pagkarating sa office ni Madam Min ay kanya-kanya kaming umupo sa upuan. Nag-iisa lamang ako sa mahabang sofa at apat naman sila sa kabila. Sa pang-isahang sofa naman si Madam Min.
"Kayo ay mag-eensayo sa loob ng tatlong buwan. Ang bawat isa ay sasanayin upang lalong mahasa sa pakikipaglaban. Ang leader niyo ang mamumuno sa inyo. Sanayin ang sarili at sumunod sa plano---"
"Hindi ako pumapayag na si Yara ang magiging leader namin kahit na siya pa ang rank 1. Si Kyzen ang nararapat. At ayokong maging leader ang taong hindi ko man lang kilala" matalim ang tingin sa akin ni Shana na isinawalang bahala ko lamang.
Ako ang leader ng grupong ito. Kung sa ayaw man at sa gusto nila.
Nakatingin sila kay Kyzen at nag-aabang ng sasabihin nito. Tahimik lamang ito sa pwesto nito. Umangat siya ng tingin at sinalubong ang tingin ko.
"Si Yara ang leader at pabor ako dun" aniya at hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
"Gusto kong marinig ang plano mo para sa ensayo nating gagawin" dagdag niya.
"Meron akong lugar na maaring pag-eensayuhan nating lima. Kami mismo ni Alira ang gumawa ng lugar na iyon gamit ang kapangyarihan namin. Lahat ng klase ng pag-eensayo ay nandun na ikaw na ang bahala kung saan ka mag-eensayo. May pagkain na dun at pahingaan. Bukas ng umaga ay kailangang nandun na kayo sa dorm namin dala ang gamit niyo, bubuksan namin ang portal patungo roon.
Sa pagkakataong ito may plano na ako para sa laban na magaganap at saka ko sasabihin kapag nagawa niyo ang ensayo sa loob ng tatlong buwan. Mga ensayong tutulong sa inyo at lalong makakatulong sa inyo sa darating na laban. Sa taong ito, tayo ang mananalo" pahayag ko.
Isa sa plano ko ang pagiging leader. At simula ng marinig ko iyo mula sa kanya ay pinilit kong maging leader. Dahil sa darating na laban, ang leader ang puntirya ng kalaban.
Hindi ko mapigilang hindi mapangisi sa aking naisip. Malapit na mga mahal kong kaibigan. Maghaharap na tayo at maiisasakatuparan na ang kasunduang ating pinag-usapan.
Ang kasunduang nagdala sa akin sa paaralang ito.
-----
-btgkoorin-Happy 31k reads! I love you all!💕
BINABASA MO ANG
South Academy
FantasyIsang kasunduan ang nagtulak kay Xhiara upang magbalat-kayo para makapasok sa paaralan ng South Academy na hindi dapat nyang paki-alaman at hindi dapat puntahan. -btgkoorin- Highest Rank in Fantasy • Rank #8 (04-24-20) • Rank #6 (04-27-21) • Rank #7...