Chapter 34: Who?

16.4K 634 45
                                    

XHIARA LANDELL

Naging busy ang buong araw dahil sa in-anounce ni Madam Min. Ipinaliwanag sa akin ni Alira lahat mula ng makabalik ako. Hindi ko rin sinabi kung saan ako galing at nagkita kami ni Master Shu.

Isa sa mga bagay na hindi ko nasabi sa kanya ang tungkol kay Master Shu. Dahil simula ng makilala ko si Alira ay hindi ako nagpakita sa kanya.

"Unang araw pa lang ay nangunguna na yung may-ari ng A-symbol. Ni hindi ko man lang makita ang symbol ko" tumingin ako kay Alira na nasa tabi ko.

Nakaupo kami sa ilalim ng puno habang nakamasid sa malaking screen sa harap namin. Hapon at naisipan naming tingnan ito dito sa field. Hindi namin kasama si Wyrro dahil abala ito sa pagpapalakas ng sarili sa kung saan man.

Hindi sa akin sinabi ni Alira kung anong symbol siya at ganun din ako sa kanya. Kanina pa siya pagod kaka-ensayo habang ako ay nanood lamang
at namalayan ko na lang na tumama ang kanan niyang palad sa kaliwang pisge ko. Malakas ang pagsampal niya para mapalingon ako sa kanan. Lumingon ako ulit sa kanya at seryosong tiningnan siya.

"Ang kapal ng mukha mong sabihan ako di mo ba alam kung sino ako, Ako lang naman ang Lady of Silver Arrow." napatawa naman ako sa narinig.

"Bago mo ako samapalin ay kilalanin mo muna ako. Ano ngayon kung Lady ka bakit kagalang-galang ka ba?" akma niya ulit akong sasampalin pero napigilan ko. Ibinaba ko ang kamay niya at tumalikod ako.

"Ano na lang ang sasabihin ni Mistress Miya kung ganyan ang ugali mo. Huwag mong ipagyabang kung ano ka sa mundong ito kundi ipakita mong karapatdapat ka sa katungkulang ibinigay sayo."

Sumunod sa akin si Alira na ngayon ay nakangiti, tiningnan ko naman siya ng nagtatanong. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Mahal kita Ate Yara. Salamat sa lahat" hinaplos ko ang buhok niya at paulit-ulit ko itong ginawa habang naglalakad kami palayo.

***

Maaga akong nagising sa araw na ito ngunit ayaw kumilos ng katawan ko. Ramdam ko pa rin sa kaliwang pisnge ko ang sampal ni Ayline. Buti na lang ay hindi nagkapasa.

Rinig ko sa labas ang boses nina Alira at Wyrro na mukhang nag-aaway pa yata. Ang ingay nila. Mukhang tulog pa ang mga kapitbahay namin pero nag-iingay na tong dalawa na ito.

Pinilit kong bumangon lumapit sa bintana. Binuksan ko ito at agad kong nalanghap ang simoy ng hangin. Pinagmasdan ko ang paligid at hindi ko man lang inalis ang paningin ko dito.

Huminga ako ng malalim saka isinara ang bintana at naligo at nagpalit ng damit. Paglabas ko naman ay naabutan ko ang dalawa na kumakain.

Tinawag ako nito pero tumango lang ako at nagpaalam na aalis muna. Tahimik ang hallway ng dumaan ako. Saka lamang umingay ay nung nakalabas ako ng building.

Maraming estudyante ang nagkalat sa malawak na field, may nag-eensayo, may naglalaban, may nagku-kwentuhan at may nagpapahinga.

Dinala ako ng mga paa ko sa nagtutumpukang mga estudyante. Maingay ang mga ito at habang may pinagkakaguluhan.

Lumapit ako dito at nakitingin din. Tumingin pa sa akin yung katabi ko pero sa pinagkakaguluhan pa rin nila ako nakatingin.

May naglalaban na dalawang lalaki gamit ang kani-kanilang kapangyarihan ay sinusugod nila ang isa't-isa. Natigil ang laban ng matumba ang isang lalaki. Napuno ng hiyawan ang paligid at isinisigaw ang pangalan ng lalaking nanalo.

Nawala ang ingay ng maglagay ng bote ang nanalong lalaki sa gitna. Pawisan ito pero may ngiti sa labi.

"Kung sino man ang matapatan ng magkabilang dulo ng bote ay ang susunod na lalaban" aniya at pinaikot ang bote.

Matagal ang pag-ikot nito na siyang nagpasimula ng ingay ng manonood. Inaabangan kung sino ang susunod na lalaban. Lalong umingay nang tumigil ito.

Mula sa isang gilid ay pumunta sa gitna ang isang babae, maaliwalas ang ngiti nito at tumingin sa isa pang naturo ng dulo ng bote.

"Tara na" sabi nito habang nakangiti sa akin. Nakakagulat pero sa akin tumuro ang isang dulong bote.

Marami akong narinig na tungkol sa akin pero nakuha kong gantihan ng ngiti ang babaeng makakalaban ko. Lumakad ako papunta sa harap niya ng hindi inaalis ang ngiti.

"Inaasahan ko ang isang magandang laban mula sayo Miss Armis of South" tumango ako sa sinabi niya.

"Ako pala si Yera ng Venus Group" inabot niya sa harap ko ang kamay niya at inabot ko rin ito.

"Yara ng Spyral Group"

Umatras kami pareho at nagbigay ng espasyo para sa pagsisimula ng laban. Tumahimik ang paligid at sa amin ang atensiyon ng lahat.

Nagsariling bilang kami saka inumpisahan ang laban.

Nagpalabas siya ng espadang gawa sa salamin, kumikintab ito sa sinag ng araw at nasusunog ang matamaan ng repleksiyon nito tulad ng nangyari sa damo.

Sumugod siya sa akin at pinuntirya ang kanang bewang ko pero agad ko itong nasangga ng palasong pinalabas ko. Palaso ang gahamitin ko laban sa salaming espada niya.

Muli siyang sumugod sa akin na sinasangga ko naman ng palaso. Tumigil siya at muling sumugod sa akin, muntik ng madaplisan ang aking pisnge kung hindi ako naka-iwas. Tinira ko siya ng palaso ng hindi niya inaasahan kaya nadaplisan siya sa kaliwang braso.

Napaatras siya ng dalawang hakbang at tiningnan ang dumudugo na braso. Pinahid niya ito at muling nagpatuloy sa pagsugod sa akin.

Sa bawat atake niya ng espada ay tinutumbasan ko ito ng pagsangga ng palaso. Kaya lang hindi maiwasang masunog ito dahil sa replika ng sinag ng araw kaya naglalabas ako ng panibagong palaso.

Pag-atras niya ay ako naman ang sumugod. Kung paano gamitin ang espada ay ganun ko din ginamit ang palaso. Umiiwas at sinasangga niya ang mga tira ko pero hindi niya maiwasang hindi masugatan.

Binilisan ko ang galaw ng kamay ko sa pagkontrol ng palaso at sunod-sunod na sinugod siya. Na-alarma ako sa kaliwang paa niya na aangat na at mukhang sisipain ako. Sinipa ko ang paa niya kaya nawalan siya ng balanse at napahiga sa damuhan. Tinutok ko sa kanya ang talim ng palaso kaya wala siyang nagawa kundi ang mag-surrender.

Pinunasan ko ang tumulong pawis at inalok siyang bumangon. Inabot niya ito at ngumiti sa akin. Ginantihan ko ito ng ngiti at tinapik siya sa balikat.

Nagpaalam na ako at umalis. Napadpad ako sa likod ng building. Sa malawak na kagubatan.

Tahimik ang paligid pero pakiramdam kong hindi ako nag-iisa. Sinundan ko ito at dinala ako sa may madilim na parte ng gubat. Ramdam ko ang presensiya nila at kumakalat iyon sa buong paligid.

Hindi ako nakagalaw ng may humawak sa magkabila kong braso at dinala sa pinakamadilim na parte.

Bumuhos ang luha ko at nagpatianod kung saan man nila ako dadalhin.

-----
-btgkoorin-

South AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon