XHIARA LANDELL
"Dalawang Laro ang gaganapin sa araw na ito, ang 'Race in Maze' at ang '100 vs. 1'. Bago simulan ang una nating palaro ay narito ang scoreboard ng ating manlalaro. Sa unang pwesto ang North na may 18 puntos. Ang West at South na may 11 puntos. Ang Nevrine na may 10 puntos. Ang East na may 7 puntos. Ang Luz na may 4 puntos. Ang Meltran na may 3 puntos. At ang Hantell na may 2 puntos."
Napuno ng hiyawan ang buong arena. Pangatlong araw na ngayon ng Legend Cup at mas lalong dumami ang manonood mula sa iba't ibang distreto. Masyadong malawak ang arena para magkaroon ng mga upuan ang mga tao.
"Ang mga manlalaro para sa unang palaro ay inaanyayahan sa gitna."
Napatingin kaming apat kay Jhare. Tulad ng sabi ko ay siya ang maglalaro dito. Ang bawat palaro ay binase ko sa kakayahan nila. At sa larong ito wala siyang ibang gagawin kundi ang tumakbo at iwasan ang patibong.
Napalunok siya na ikinatawa namin. Isa-isa namin siyang tinapik sa balikat at tumalon na siya para pumunta sa gitna.
"Yara kilala mo yang nasa North?" tumango ako kay Shana.
"Si Thia, isang shapeshifter. Kung sa laban ay katapat mo siya Shana."
Natahimik siya at seryosong tumingin sa harap. L
"Ang patakaran para sa unang laro na 'Race in Maze' ay narito: Kung sino mang manlalaro ang unang makalabas sa maze ay makakatanggap ng limang puntos, tatlo para sa ikalawa at dalawa para sa ikatlo. Ang loob ng maze kapag ang isang manlalaro ay ma-trap sa isa mang mga patibong ay agad ring matatanggal sa laro. At ang huli ay bawal gumamit ng kapangyarihan. Kung sino man ang lumabag ay agad ring matatanggal.
Sa screen ay ipinakita ang kabuuan ng maze. Sa harap ng mga manlalaro ay may walong portal, pagkabilang ng tatlo ay sabay-sabay silang pumasok at dinala sa iba't ibang unahang parte ng maze.
Tuloy-tuloy ang lakad ni Jhare habang pinagmamasdan ang dinadaanan. Sa kabila ng harang ay ang taga Meltran at sa dulo ng pupuntahan nila ay magkikita sila.
Sinugod ng taga Meltran si Jhare ng suntok na agad niyang nailagan. Sinuntok niya rin ito at sinipa sa tiyan. Tumalsik ito at agd ring tumayo. Sumugod ito at inambahan siyang susuntukin pero nasipa niya ang batok nito kaya nawalan ng malay. Lumabas ang katwan ng lalaki sa Maze at nakahilata na siya sa baba ng arena. Agad naman siyang kinuha ng mga kagrupo niya. Nawala rin ang grupo nila sa scoreboard ng laro.
Ang sunod na natanggal ay yung taga Luz. Nahulog ito sa hukay na natatakpan ng halaman. Bago naman makarating sa pinakagitna ang taga-Nevrine ay kinain siya ng lupa. Nagkaharap naman ang taga-East at West malapit sa may dulo. Nanalo ang East at nagpatuloy sa paglakad papuntang finish line.
Naunang nakarating sa dulo ang North. Kasabay naman ng pagpapakita sa nangyayari kay Jhare.
Ang bilis ng takbo niya at natigil siya ng makita ang nasa unahan. Muntik niya pang masipa. Mula sa screen ay kitang-kita ang pagka-putla ng mukha niya.
"F*ck kadiri" aniya at umatras. Mas lalo siyang namutla ng makita rin ito sa loob.
"Pft hahahaha" nagkatinginan kaming apat at nagtawanan. Alam na namin ang resulta haha.
Malapit na sa paa niya ang malaking uod na nanggaling sa lupa. Kulay puti ito at kitang kita ang lamang loob nito. Maikli lamang ito pero malaki. Hanggang sa dumikit na ito sa balat niya at pagkawala ng malay ni Jhare. Nakahilata na siya sa baba at walang malay.
Nagtawanan kaming apat bago pinuntahan siya sa baba.
"Nakalimutan ko, takot nga pala si Jhare sa kahit anong klaseng uod. Wahaha"
BINABASA MO ANG
South Academy
FantasyIsang kasunduan ang nagtulak kay Xhiara upang magbalat-kayo para makapasok sa paaralan ng South Academy na hindi dapat nyang paki-alaman at hindi dapat puntahan. -btgkoorin- Highest Rank in Fantasy • Rank #8 (04-24-20) • Rank #6 (04-27-21) • Rank #7...