Chapter 33: Anger and Pain

16.8K 676 101
                                    

KYZEN FONTALES

Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Sa pagkatao nilang dalawa. Pero malinaw na sa akin kung sino ba talaga si Alira. Pero si Yara hindi. Kahit kailan hindi.

Alam ko ang mukha niya sa likod ng mga maskara niya. Pero sa likod ng maganda niyang mukha ay may itinatago siya. At sa tuwing nagtatanong ako sa aking isipan kung sino nga ba talaga siya. Lagi na lang sumasagi sa isipan ko ang reaksiyon niya sa natunghayan naming dalawa sa mag-inang nanggaling sa ibang distreto. Hindi ko mapigilang hindi isipin na...

Galing sa ibang distreto si Yara.

Pero meron pa ring nagsasabi sa akin na dapat paniwalaan ko ang sinasabi ng isip ko pero ayaw ko.

"Yara" untag ko sa kanya. Dito kami lumabas sa sapa'ng pinagdalhan ko sa kanya, sa gitna ng gubat.

Tumingin siya sa akin at ito na naman ang pakiramdam sa tuwing titingin siya sa akin.

"Umalis ka na" ikinagulat ko ang pagbago ng emosyon niya.

Hindi ako nakinig sa sinabi niya sa halip ay lumapit pa ako sa kanya. Iba ang epekto sa akin ng galit na nararamdaman niya.

"Umalis ka na sabi. Gusto kong mapag-isa" hindi ako nagpatinag sa sigaw niya. Galit siya. Nag-iiba na naman ang simoy ng hangin, lumalakas ito.

Tinanggal niya ang kanyang maskara at itinapon ito sa tubig. Nakakuyom ang dalawa niyang kamao at galit na tumingin sa kawalan.

"Masyado nang malaki ang nagawa nilang kasalanan sa akin. Magbabayad sila."

Dumilim ang paligid kahit na umaga pa lang. Nagsimula nang matakpan ang kalangitan ng maiitim na ulap. Lumalakas na rin ang simoy ng hangin.

Wala sa sariling hinila ko siya at niyakap kasabay ng pagkawala ng langit ng isang kulog.

Napapikit ako at pagmulat ko ay wala na sa bisig ko si Yara at nasa kwarto ko na ako.

Lumabas ako at naabutan ko silang apat sa sala at seryoso habang tahimik na nakaupo sa sofa. Lumingon sila sa akin at nagulat nang makita nila ako.

"Saan ka nanggaling? Nasaan si Yara?" hindi ko pinansin ang tanong ni Mhina at tuloy-tuloy ang lakad ko papunta sa kusina upang uminom ng tubig.

Ngayon lang ako naging ganito. Lalo na sa babaeng iyon. Ginugulo niya ang sistema ko. Pati utak ko nagulo. Naiinis ako sa sarili ko.

Alam kong hindi ito aayos hangga't hindi ko masabi sa kanya.

Lumingon ako sa may pinto nang may kumatok dito. Tumayo si Mhina para pagbuksan ito. Nanatili lang si Mhina sa may pinto habang may kausap at maya-maya ay isinarado na niya ang pinto. Lunapit naman ako sa kanila.

"May announcement si Madam Min kaya kailangan nating pumunta sa Hall." aniya.

Nagkatinginan kaming lahat malamang magsisimula na sa pagpili sa lalahok sa Legend Cup. Ilang buwan na lang at gaganapin na iyon.

Nagpalit kami ng suot at gad na pumunta sa Hall. Pagdating namin ay marami ng estudyante ang naghihintay kay Madam Min. Pumwesto kami sa harap bandang gilid.

Nakita ko pa sina Alira at ang pinsan ko. Hindi nila kasama si Yara. Wala nang maskarang suot si Alira kaya marami ang nakatingin sa kanya ngayon. Natatandaan ko na, siya yung ka-partner ni Wyrro nung birthday ni Mommy.

Iniiwas ko ang paningin sa kanila at humarap sa harap. Lumabas sa isang gilid si Madam Min na may seryosong mukha.

"Magandang araw mga estudyante ng South Academy. Pinatawag ko kayo upang i-announce ang gagawing pagpili para sa magiging kalahok ng Legend Cup na gaganapin ilang buwan mula ngayon." aniya. Umingay ang paligid dahil dun.

South AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon