Chapter 55: Xhiara Miya Landell

21.7K 765 64
                                    

     Thank you dahil umabot ka hanggang huling chapter ng kwentong ito. Salamat sa votes at comment na ipinamahagi mo. - btgkoorin💕

***

KYZEN FONTALES

"Natutulog lamang siya Mr. Fontales."

Sariwa pa rin sa isipan ko ang sinabi ni Master Shu, sampong araw na ang nakakalipas. Parang kahapon lamang niya ako kinausap at sinabi ang mga salitang iyon.

Nagdududa ako kung totoo nga iyon pero sa lumipas na sampong araw ay wala man lang sign na natutulog lang nga siya. Walang tibok ang puso niya kaya imposibleng natutulog lang talaga siya.

Hindi ako nawawalan ng pag-asa na abangan ang paggising niya sa araw-araw ngunit hindi kami maaring magtagal sa palasyo dahil sa klase.

Pinauwi na kami sa timog at wala akong magawa dun. Sumunod ako kahit na gustong gusto kong bantayan si Yara este si Mistress Miya.

"Ako po si Miya"

Akala ko nung oras na iyon ay tagahanga siya ni Mistress Miya kaya Miya ang ipinakilala niya sa mga magulang ko pati na kina Shana. Yun pala ay siya talaga si Mistress Miya.

"Kyzen alam kung si Mistress Miya ang nasa isip mo pero oras ng klase ngayon"

Nilingon ko si Jhare na nakangiwi habang nakatingin sa akin.

Umikot ang paningin ko at ngayon ko lang ulit naalala na nasa loob nga pala ako ng classroom. Bumalik ang tingin ko sa kanilang apat na parehong nakatingin sa akin.

"Hindi ko pa rin matanggap na si Yara ang tunay na Mistress Miya. Tapos tinatawag ko lang siyang Yara! Walang galang!"

Nahampas ni Jhare ang kanyang mesa dahil sa sinabi. Ako rin naman Yara rin ang tawag ko sa kanya. Nasabihin ko pa nga siyang pangit. Hindi rin naman kasi namin alam na isa siyang legend.

"Tinarayan ko pa siya palagi nung time na nag-eensayo tayo! Hindi ako nakikinig sa kanya. Harap-harapan pa ako kung magalit sa kanya. Sa tuwing naiisip ko ang mga ginawa ko sa kanya hindi ko maiwasang hilingin ang kamatayan para sa taong hinahangaan ko simula ng ipinanganak ako." napayuko naman si Shana.

"Naalala ko yung singsing na ginawa ko para sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi sumaya na nagustuhan niya iyon tapos ngayong nalaman kong ikalawang legend pala siya. Pero nung naalala ko yung panahong siya ang pinagbukas ko ng pinto sa halip ako ay nahihiya ako sa ginawa." napatingin naman si Dayne sa pinto.

"Naalala ko nung pinagaling siya ni Mama, nagtaka ako kung bakit siya lumuhod matapos pagalingin si Yara yun pala ay isa siyang Legend. Hindi man lang sinabi sa akin ni Mama. Isang karangalan ang maging tagapaggamot ng legend." sumandal naman so Mhina sa upuan at tumingin sa itaas.

"Pero sa tuwing naalala ko ang pambabalewala natin sa kanya ay nahihiya ako. Hindi ko matanggap na nakaya nating husgahan siya, ang mga galaw niya, ang pagtatago niya ng mukha sa maskara at higit sa lahat ang pagiging makasarili niya. Nagsisisi ako sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya. Sana hindi ko na lang siya iniwan nung mga oras na yun." Napayuko ako sa sinabi.

Sana kung natutulog man lang siya ay magising na siya.

"May mga bagay na nakatadhana nang mangyari tulad na lamang ang makilala siya sa ibang pagkatao at hindi sa tunay na siya."

Napa-angat ako ng tingin kay Madam Min na nasa harap namin.

"Simula nang mabasa ko ang nakaraan niya ay hindi ko alam pero agad akong nagtiwala sa kanya. Nadala ako ng malungkot niyang karanasan pero humahanga ako sa kanyang tapang. Alam na niya ang kahihinatnan ng lahat ng ginawa niya kaya wala siyang pag-alinlangang harapin ito at iwan ang mga mahal niya sa buhay. Nais ko lang sabihin sa inyong lima na sana sa limang buwan na nagsama at nagkakilala kayo ni Xhiara ay trinato niyo siya ng mabuti at tinuring na kaibigan. Ang paaralang ito ay pinagpala ng itaas dahil binigyan tayo ng panahong makasama ang kahanga-hangang Mistress." ngumiti siya at tinalikuran kami.

South AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon