Chapter 15: First Class, Disaster

20.3K 812 24
                                    

XHIARA LANDELL

'...hindi ka naman talaga malakas, sa katunayan mahina ka talaga at hindi nababagay ang katulad mo sa grupo namin, isa kang kahihiyan'

Hanggang kailan ako hindi titigilan ng mga salitang yan. Paulit-ulit na lang lumalabas sa isip ko. Ayaw kong pakinggan pero pilit nilang isinisiksik sa pagkatao ko.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Ngayon ang unang klase na papasok kami ni Alira dahil sa nakalipas na mga araw.

Naligo ako at agad na sinuot ang uniporme na para sa akin. Kung ilalarawan ko ay maganda naman. Long-sleeve na Maroon blouse. Sleeveless white v-neck t-shirt na may linings na Maroon. May pin din na nakalagay na 'South Academy'. Maroon skirt na 2 inch above the knee at white shoes na may lining ng maroon sa gilid at maroon na sintas.

Ipinusod ko ang buhok ko habang nakaharap sa salamin at inilagay ang maskara ko. Maganda sigurong baguhin ko ang kulay at gawing maroon.

Meron kayang Power Armor Festival dito tulad ng sa dati kong school?

Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si Alirang naghahanda ng pagkain naming dalawa, suot niya na rin ang kanyang uniporme kaya lang ang maskara niya ay itim pa rin.

"Morning ate Yara---bakit maroon na ang kulay ng maskara mo?"
"Para bagay haha"

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang maskara niya at ilang sandali lamang ay naging maroon na ang kulay nito.

Pagkatapos namin kumain ay naghanda na kami. Aaminin ko man o hindi ay excited ako sa unang araw ng pasok dahil isang taon din mula nang huminto ako sa pag-aral at pagpasok sa eskwela.

Habang naglalakad ay hindi namin maiwasang ngumiti ni Alira. New School. New environment. New students. New teachers/trainors. New uniform. New pin. New room. New home. New friends. New life. New identity. And New lovelife! Joke ^.^v

Siguro ay masanay na kami sa mga tingin nila. Center of attraction kami dito sa school na ito. Astig!. Marami kaming nadaanan na classroom bago kami nakarating sa classroom namin. Umakyat pa kami ng hagdan hanggang sa ikatlong palapag dahil nandoon ito. Tatlong room ang nandito at ang unang room ay ang sa amin.

Huminto muna kami sa may pinto upang tumingin ng ma-uupuan at swerte ay meron pa. Sa bawat mesa ay may nakapalibot na limang upuan at ang dalawang mesa na lang sa likod ang bakante. Ang classroom ay kasing laki at lawak ng dorm namin. Sa kaliwang mesa kami pumwesto at umupo.

"Ate Yara pwedi kaya ang dalawa lang---"

Hindi natuloy ang sinabi ni Alira dahil sa pag-crack ng kaliwang parte ng blackboard sa harap namin at ang pagkasira nito.Mabilis ang pangyayari at nakita ko na lang ang sarili kong nakasandal sa pader habang may nakadagan sa akin. May naramdaman akong basa sa kamay ko at nakita ko ang dugo na umaagos.

"ATE YARA"

Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Alira sa halip ay nakatingin ako sa nakadagan sa akin. Nakatalikod sya sa akin at kung sino man ang makakakita ng pwesto namin ay may iisiping hindi maganda.

"Baka gusto mong tumayo" asar kong tanong. Unti-unti namang umalis ito at nakita ko ang mantsa ng dugo sa uniform ko. Napapikit na lang ako sa inis. Buwesit!

Pagmulat ko ay nakita ko sa harapan ang Ablaze. Sa likod nila ay ang wasak ng blackboard at pader. Sino ba kasing tarantado ang gumawa nito?

"Hoy ikaw! Tumayo ka dyan di pa tayo tapos!" Hinablot ng sumulpot na lalaki ang damit ng dumagan sa akin at hinila ito patayo.

South AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon