ALIRA LANQUEZ
"Sa'n na tayo nito Ate Yara?" tanong ko habang naglalakad kami sa gitna ng daan dito sa village ng mga Maharlika.
Matapos nang nangyari kanina sa bahay ng tinutuluyan namin ay dito kami pumunta. Kailangan namin makahanap ng matutuluyan pansamantala para may matulugan kami ngayong gabi. Para kaming naglayas sa gitna ng gabi. May dala-dala pa na mga bagahe. Buti lang nga walang taong naliligaw sa oras na ito kung hindi magiging katatawanan kami sa harap nila.
Maharlika people is so maarte. -___-
Huminto sa paglalakad si Ate Yara kaya huminto din ako saka tumingin sa tinitingnan nya. Kataka-takang nagkaroon dito ng bakanteng lote.
"Bakit Ate?"
Tiningnan nya lang ako saka lumapit sa gate ng bakanting lote.
Bumukas naman ito matapos nya hawakan yung nakausling bakal. Bago sya pumasok ay tinawag nya ako at agad ko namang hibila ang bagahe ko at sumunod sa kanya papasok. Natigilan ako sa pagpasok dahil hindi ko na makita si Ate Yara nung pumasok sya.Saan sya napunta?
"Ate Yara---waaahhh"
"Tara na"
"San-"
"Ang kulit mo"Nagpahila na lang ako sa kanya. Magkakaroon yata ako ng sakit sa puso dahil sa gulat.
"Wow" Sumilip naman ako sa labas ng gate at pumasok ulit. Mga tatlong beses ko yun ginawa. Invisible house. Amazing!!!
"Yung bibig mo!" sinarado ko na yung bibig ko. Eh sa namangha ako sa bahay na ito eh.
"What are you doing here?"
O____O
O.M.G. angperfectngbodyliciousXHIARA LANDELL
Minsan talaga ikinakahiya kong kasama si Alira. Masyadong ignorante at over acting. Huwag na lang kayo maingay sa kanya. ^_^v
Habang naglalakad kami ramdam ko ang dalawang pares ng mga matang nakatingin sa amin. Malakas ang aura nya pero hindi ko alam kung nararamdaman ba ito ni Alira.
Huminto ako sa paglakad at tumingin sa bakanteng lote. Bumalik ang tingin ko sa may gate nito at pumasok. Hinila ko din si Alira. Pagpasok pa lang namin lalong lumakas ang awra niya.
Isang boses ang umalingawngaw sa buong bahay at agad kaming napatingin sa ikalawang palapag. At hindi ako nagkakamali sya nga yun.
"Uhm welcome!" Nagkatinginan kaming dalawa at kita ko ang pag-iba ng kulay ng kanyang mga mata sa sandaling panahon.
Umiwas ako ng tingin at tumingin kay Alira- yan na naman sya, natulala na naman. Kahit ako di ko maitatanging gwapo nitong lalaking nakatira sa bahay na ito.
Nakakahiya.
Kinurot ko naman sya sa may tagiliran nya kaya napa-atras sya at napasigaw. Tiningnan nya ako ng masama pero mas masama ang tingin ko sa kanya.
"Sa lahat ng pweding puntahan bakit dito?-"
"Shut up" pigil ko sa kanya at hinila si Alira paakyat sa may hagdan kung saan sya pababa. Dinaanan ko lang sya na ikina-nganga nya.I don't care.
Itinuro ko kay Alira kung saan sya'ng kwarto tutuloy. Total marami namang kwarto dito sa bahay ng lalaki na'yon.
Hindi ko sya kilala pero sigurado akong magkikita kami ulit.
Itinabi ko lang ang bagahe kong dala saka humiga sa may kama. Hindi rin naman kami magtatagal dito dahil bukas ay Entrance Test na sa South Academy.
BINABASA MO ANG
South Academy
FantasíaIsang kasunduan ang nagtulak kay Xhiara upang magbalat-kayo para makapasok sa paaralan ng South Academy na hindi dapat nyang paki-alaman at hindi dapat puntahan. -btgkoorin- Highest Rank in Fantasy • Rank #8 (04-24-20) • Rank #6 (04-27-21) • Rank #7...