KYZEN FONTALES
Napamulat ako nang may kumatok sa may pinto ng kwarto namin. Inaantok naman akong bumangon at buksan iyon.
"Mr. Kyzen pakibigay daw po ito kay Ms. Yara" kinuha ko yung inabot niyang papel. Agad naman itong umalis kaya sinarado ko na ang pinto.
Himala lang ay nakagising ako ng mas maaga kesa sa kanila kahit na hindi ako pinatulog ng sinabi ni Yara.
Nakatingin ako sa kanilang apat na hanggang ngayon ay tulog pa rin sa kani-kanilang kama. Maaga pa naman bago magsimula ulit ang laban.
Lumapit ako sa kama ni Yara at ginising siya. Nagising naman din siya at humikab. Bumangon siya at tiningnan yung iba.
"Para sayo daw" sabi ko at ibinigay sa kanya ang papel. Binuklat niya ito at binasa ang laman.
"Gisingin mo sila" sambit niya saka inilagay sa mesa ang sulat at kinuha ang maskara saka pumasok sa Cr.
Isa-isa ko namang ginising sina Dayne, Jhare at Shana. Nagising din sila pero tulog pa ang diwa. Bumukas ang pinto sa cr at lumabas dun si Yara. Nakasuot sa kanya ang maskara at nakatingin sa nakaupong tatlo. Umupo siya sa pang-isahang sofa at tumingin sa amin.
"Gigising kayo o kukuryentihin ko kayo" aniya sa tatlo. Napamulat naman ang mga ito at dali-daling tumayo at naghilamos sa cr. Dali-dali rin sila paglabas at umupo sa mahabang sofa sa tabi ko.
"Limang araw ang Legend Cup at natapos na kahapon ang unang araw. Sa pangalawang araw ay magaganap ang 'One on One Battle' na sasalihan ni Shana. Sa pangatlong araw naman ay dalawang paligsahan ang gaganapin, ang 'Race in Maze' na sasalihan ni Jhare at ang '100 vs. 1' na sasalihan ko. Sa pang-apat na araw ay gaganapin ang 'Dual Battle' na sasalihan ni Kyzen at Dayne. At sa huling araw ay gaganapin ang final round na sasalihan nating lahat bilang grupo. Maliwanag ba?" aniya.
Napalunok naman kami sa sinabi niya. Nakaplano na agad kung sino at saan kami sasaling paligsahan.
"Shana humanda ka na, kayo rin. Kailangan na nating pumunta dun at alamin kung sino ang makakalaban ni Shana."
Kumain kami bago umalis at pumunta sa Battle Arena. Pagdating namin dun ay malapit nang magsimula.
Pumunta kami sa pwesto kung saan kami nakatalaga. Nakatayo lamang kami at nakamasid sa harapan. Maingay na rin ang mga manonood at naatat na sa magiging paligsahan.
Napatingin kaming lima sa may pwesto ng mga Legend. Kadadating lamang nila suot-suot ang kanilang Power Armor. Dumating na din ang mga Lady at ang apat na Konseho. Umupo sila sa kani-kanilang upuan at naghintay sa anunsiyo.
"Magandang araw sa inyong lahat. Ang ikalawang araw ng paligsahan ay sisimulan na"
Naghiyawan ang mga manonood. Sari-saring pangalan ng paaralan ang kanilang isinisigaw.
"Sa unang araw ay nangunguna ang North at pumapangalawa naman ang East. Ang South na huli sa ranggo ay umangat sa ika-anim na pwesto at ang iba naman ay nanatili at bumaba ng isa sa pwesto.
Ngayong araw ay gaganapin ang On on One Battle. Ang mananalo ay makakakuha ng limang puntos. Ang maglalaban ay ipapakita sa ating screen."
Lahat kami napatingin sa taas upang tingnan ang maglalaban. At kung susuwertehin ay unang lalaban si Shana at ang kalaban niya ay taga .
Binalingan namin ng tingin si Shana. Nakatingin din siya sa screen at napalunok.
"Pumunta ka na sa gitna Shana" sabi ni Yara. Napalunok naman si Shana at tumalon pababa at pumunta sa gitna. Ganun din ang ginawa ng makakalabang grupo.
BINABASA MO ANG
South Academy
FantasyIsang kasunduan ang nagtulak kay Xhiara upang magbalat-kayo para makapasok sa paaralan ng South Academy na hindi dapat nyang paki-alaman at hindi dapat puntahan. -btgkoorin- Highest Rank in Fantasy • Rank #8 (04-24-20) • Rank #6 (04-27-21) • Rank #7...