XHIARA LANDELL
Kamalasan yata ang bungad sa akin ng paaralang ito. Nagkalat ang mga sugo ni Ayline.
Sinunod ko ang sinabi nya na wag kusutin ang mga mata ko.
Kailangan kong gumawa ng bagong maskara para pamalit dito. Sumiksik ang amoy ng dugo ko sa maskara.Ramdam ko ang paglapag niya sa akin sa malambot na kama. Randam ko ang mga tingin niyang nagpapailang sa akin.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng isang tinig ng babae marahil ito ang Nurse ng clinic.
"Napagtripan" sagot ng humatid sa akin. Boses pa lang natandaan ko na kung sino. Ang akala ko sinunod nya ang sinabi kong pumasok na sya sa room nila ay nagkamali ako.
"Miss pwedi bang tanggalin ang maskara mo?" mahinhin nyang sabi na ikinailing ko.
"Anong silbi ng maskara ko kung ipapakita ko lang naman ang mukha ko sa ibang tao" tumahimik ang paligid at naiilang na rin ako sa tingin ni Kyzen Fontales.
Nakakakita na rin ako pero sadyang mahapdi talaga ang mga mata ko.
Kita ko ang paglapit ng nurse sa pwesto ko at paglagay mg kanyang kanang kamay sa may sugat ko sa ulo. Ramdam ko ang pagginhawa ng pakiramdam ko at paggaling ng sugat ko. Pagkatapos nya ay umalis sya saglit at bumalik na may dalang palanggana na may tubig at isang tuwalya para sa mukha.
"Ibabad mo dyan ang mukha mo sa loob ng isang minuto at mawawala ang mga dugong kumalat sa iyong mga mata. At pagkatapos ay maari ka nang magpahinga, maraming dugo ang nawala sayo at kailangan mo ng pahinga para manumbalik ang lakas mo."
Umalis na ang nurse at naiwan ako kasama ang lalaking kanina pang nakamasid lang sa akin. Bumaling ako sa kanya na nakakunot ang ang noo.
"Bakit di ka pa umaalis?"
"Di ka pa ayos?"
"Mukha ba akong sira?"
"Medyo!" Sinamaan ko sya ng tingin pero di man lang sya natinag.Ginawa ko na lang ang sinabi ng nurse kesa makipagdaldalan sa hero ko.
Teka nasaan nga pala yung babaeng dapat ngayon ay sa pwesto ko.Tiningnan ko naman si Hero ko.
"Talikod ka" utos ko dito. Nangunot lang ang noo nya pero di ko sya sinagot. Sinamaan ko sya ng tingin at maya-maya ay tumalikod din sya.Pinakiramdaman ko ang paligid kung may iba pang presensya maliban sa aming dalawa. At buti na lang ay wala.
Tumalikod din ako at tinanggal ang maskara ko at ipinalit ko ang bagong gawa ko. Repleca mismo ng unang gawa ko.
Humarap na ako pagkatapos at nagulat ako na nakatingin na sya sa akin.
"Pasunog" sabi ko at inihagis papunta sa kanya ang maskarang tinanggal ko. Lumiyab ito bago pa man makarating sa kanya. Abo na lang nito ang nahuhulog sa sahig.
Humiga ako sa kama at pumikit. Nasira ang plano kong maglibot. Thank you sa Humarang sa akin. Pag ako naligaw dito ipapakain ko sa kanila ang palaso ko.
Bakit di pa rin sya umaalis? Balak nya bang panoodin lang ako magdamag. Sorry sya dahil di nya nakikita ang maganda at maamo kong mukha. Baka sakaling mabihag ko ang puso nya kapag nangyari iyon. Joke lang.
"May balak kang umalis?" boring kong tanong sa kanya.
"Wala hangga't di ko naririnig ang dapat kong marinig mula sayo"
"Di ko kilala yung humarang sa akin. Yan pwedi ka na umalis nasabi ko na"
"Manhid ka ba o sadyang manhid ka lang talaga" tumaas pa nyan ang isang kilay niya.
"Pusong mamon ako bakit mo naitanong?""Bilisan mo na't makaalis na ako!"
Nangunot na talaga ang noo ko at alam kong salubong na rin ang mga kilay ko bagay na hindi nya makita dahil sa maskara ko.
BINABASA MO ANG
South Academy
FantasyIsang kasunduan ang nagtulak kay Xhiara upang magbalat-kayo para makapasok sa paaralan ng South Academy na hindi dapat nyang paki-alaman at hindi dapat puntahan. -btgkoorin- Highest Rank in Fantasy • Rank #8 (04-24-20) • Rank #6 (04-27-21) • Rank #7...