Chapter 6: Spyral

25.1K 1K 57
                                    

XHIARA LANDELL

Kung pwedi lang bulagin yung mga nakatingin sa amin ay kanina ko pa ginawa.

Pero kahit na asar na asar na ako ay hindi ko pinahalata.

Nakatingin lang ako sa ginang na nakaupo kanina at ngayon ay nakatayo na. Nalaman kong Madam Min ang tawag sa kanya at sya ang Dean ng Academy. Marami akong naririnig na mahigpit at masama kung magalit ang ginang na ito.

Pansin ko din ang talim ng pagkakatingin nya sa aming nandito.
Kanina ay binigyan nya kami isa-isa ng papel kung saan kailangan naming fill-up-an.

Hanggang ngayon ay wala pa rin itong laman.

Kahit anong sulat ko nang peke kong bio ay nabubura ito at gumaan ang pakiramdam ko na hindi naglabas ang totoo.

"Katotohanan lang ang tinatanggap ng papel na yan" makahulugan nyang sabi at nabigla ako nang makitang sa akin sya nakatingin.

Bumalik ang tingin ko sa blankong papel na hawak at sekretong ikinumpas ang kamay ko. Ilang segundo lamang ay lumabas ang kailangan ko.

Yara Xhi ang lumabas na pangalan ko at ang location ko ay tulad ng location ni Alira. At ang location na napili namin ay ang locatin ni Damyl. Ginamitan ko din sya para maiba nya ang ibang detalye sa student form nya.

Sabay kaming lumakad ni Alira upang ipasa ang student form namin.
Kami ang unang pumasa pero bago namin naiabot ang papel ay may lumabas na isang bolang tubig. Sinabihan kaming hawakan namin iyon na sinunod din namin na nakakunot ang noo.

Napatitig ako sa may bola at nakita ko ang paglabas ang salitang 'South' .
Ganun din kay Alira.

Hindi nakaligtas sa paningin namin ang paghinga ng malalim ni Madam Min. Bumalik na rin kami sa dati naming pwesto at nagkibit-balikat lang.

Marami na ang pumasa ngunit nakakapagtaka na kami lang ang ipinahawak sa bolang tubig.

Pinaghihinalaan ba nila kami?

Nag-anunsyo lang ang dalawang ginang na sa sunod na week ay may gaganaping activity. At tungkol naman sa uniform ng mga bago ay ihahatid na lang daw sa room namin.Pagkatapos nun ay maari na daw kaming pumunta saan man ang gusto namin.

Umalis ang dalawang ginang at pati na rin ang Ablaze.

Mataman lang akong nakikiramdam sa paligid habang naglalakad kami ni Alira. Masyadong patok kami sa paningin nila.

Malawak ang Academy at matataas ang mga gusali. Mula sa kinatatayuan namin ay makikita agad ang malawak na field. Nakahiwalay ang gusali na ito sa iba.

Sa kaliwang gilid naman ay may mahabang pasilyo na nagdudugtong sa mga gusali.
Maraming puno't halaman din ang makikita sa gilid.

Napadako ang paningin ko sa kanang bahagi kung saan natuun ang paningin ko dahil sa Hanging Aisle na lampas tao ang taas.  Ang dulo naman nito ay nakadugtong sa isang gusali.

Napagpasyahan kung dumaan sa Hanging Aisle. Na-curious ako. Naisipan talaga nilang maglagay ng ganito dito na ang ibang paaralan ay wala nito at ang ganito ay makikita lamang sa Legend City.

Napakaganda ng paaralan na ito.

Di ako nagsisisi na ito ang pinili ko.

Mula sa Hanging Aisle ay kitang-kita ang malawak na kulay berdeng field.  Masyado akong namangha sa pagtingin-tingin ay hindi ko napansin na may sinasabi na pala si Alira.

"Ate Yara nakikinig ka ba?" natawa na lang ako sa sarili ko. Dala ng pagkamangha kaya nawala ang anu mang nasa paligid ko.

"Hindi. Ano ba yun?" napanguso naman sya kaya natawa lang ulit ako.

South AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon