Chapter 12: Power Augmentation

20.1K 825 21
                                    

XHIARA LANDELL

Habang naglalakad ay kanina ko pa tinitingnan yung singsing. Ang ganda kasi nito. Sana di bawiin ni Dayne. O kaya hihingiin ko na lang.

Huminto at kumatok ako sa pinto ni Janlyn. Naka-ilang katok muna bago kami pinagbuksan.

Sya?

Pumasok naman kaming dalawa. Nagkatinginan pa kami ni Kyzen saka binalik ang tingin sa batang nasa harap namin.

"Mommy! Daddy!"

Anong mommy? Kailan pa ako nagka-anak?

Nagkatinginan kami ni Kyzen na parehong nanlalaki ang mga mata at saka tumitig sa batang nakayakap sa amin.

"Teka ba-"
"Ang ganda naman po ng wedding ring niyo mommy daddy hehe" bumitaw naman sya sa amin.

-______-
Di pa ako kasal no! Wedding ring lang at walang kasal.

"Hindi ako ang mommy mo" paliwanag ko.
"Sinong nagsabi? Saan sya?" napahilamos na lang ako ng mukha.
Pagbigyan na nga.

Inakay ko naman sya papunta sa may kama niya at umupo.

"Ikaw ba ang gumawa nun sa mga estudyante dito" sinamaan ko naman ng tingin si Kyzen sa sinabi niya. Bata ang kausap niya hindi kasing edad namin.
Yumuko naman si Janlyn kaya mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.

"Masasabi mo ba sa amin kung anong kapangyarihan mo?" kita ko ang pagaalinlangan niya bago magsalita.

"Kaya kong palakasin ang kapangyarihan ng iba at mas lalo namang pahinain o pawalain. Hindi ko pa kontrolado ng maayos ang aking kapangyarihan kaya nakakapinsala ng iba. Kusang lumalabas ang kapangyarihan ko at hindi ko ito makontrol. Sa tuwing may dadaan sa kwarto ko o kung saan man maabot ang kapangyarihan ko ay humihina ang tatamaan at nagdudulot ng pagkahimatay. Natatakot akong lumabas dahil hindi alam ng Dean na lagi akong kinukutya ng mga tulad kong estudyante. Minsan ko nang nagamit ito at hindi maganda ang kinalabasan." nakayuko lang sya habang nagpapaliwanag.

Naiintindihan ko na.

Hinawakan ko sya sa kanyang ulo at ginulo ito. Napatingin sya sa akin at ngumiti naman ako. Yumakap sya sa akin at ginantihan ko.

Tumingin ako kay Kyzen na tahimik lang na nakamasid sa amin. Nagtagpo ang paningin namin at dinilaan ko lang sya na ikinalaki ng mata niya at ikinainis.

Nagtagal kami sa room niya ng ilang minuto habang sinasabi ko ang kailangan naming gagawin mamayang hapon.

Maamo ang kanyang mukha at mahaba din ang kanyang buhok. Kung titingnan sya ay hindi kapani-kapaniwalang hawak niya ang ganong kapangyarihan.

Muli akong napatingin sa kanyang kanang braso.
Di ko alam kung napansin ba ni Kyzen o ako lang talaga.

Hindi sya pweding magtagal dito.

May ibinulong ako sa kanya na ikinatango niya. Nagtaka pa si Kyzen pero sinenyasan ko sya na umalis na kami.

Muli akong tumingin kay Janlyn at sabay kaming tumingin sa kanang braso niya. Tumango lang sya sa akin saka lumabas na ako.

Naabutan namin ang dalawa na nakaupo habang nakatingala sa amin ni Kyzen.

"Ayos na ate Yara" tumango lang ako.

Pumunta kami sa Dean Office. Naabutan namin si Madam Lyce habang busy sa kanyang ginagawa. Sinabi naman namin na tama ang hinala niyang may kinalaman si Janlyn sa pangyayari sa paaralan nila.

"Anong maaari kong gawin?" tanong ni Madam Lyce habang nakatingin sa akin.

"Payagan mo ako sa aking imumungkahi" lahat sila napatingin sa akin dahil sa aking sinabi.
Tumango naman sya.
"Nais kong umalis dito si Janlyn"
"Pero-"
"Hindi pweding magtagal dito ang gaya niya. Manganganib ang mga estudyante dito dahil sa uri ng kanyang kapangyarihan at katayuan."
"Anong katayuan?"

South AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon