Chapter 14: Punishment

20.3K 792 36
                                    

ALIRA LANQUEZ

Hindi ko talaga akalain na makikita ko sa personal ang limang tinitingalang legends. Kahit minsan sa buhay ko ay di ko pa talaga sila nakita. At isang karangalan yon para sa akin. Wehhh. Ayoko na umalis dito.

Hindi ko ma-i-describe kung gaano sila biniyayaan ng mga napapakaganda at napakagwapong pagmumukha at pangangatawan. Lalo na siguro kapag naka Fighting Armor sila. Waaahhhh.

"Alira nakakahiya ka" nanlalaki naman akong tumingin kay Ate Yara. Halata ba?
Nakita ko pa syang tatawa-tawa. Hindi alintana yung nasa harapan namin.

"Tawa mo dyan" nakasimangot kong bulong sa kanya.

"Ang cute mo maglaway haha" agad naman akong napapunas sa gilid ng labi ko pero wala namang laway kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Sulitin mo na aalis na tayo haha" trip yata ako ng babaeng to ah dito pa talaga.

Iniwas ko naman ang paningin ko sa kanya at tumingin sa harap. Sulitin ko na daw eh.

Napadako naman ang tingin ko sa 5th Legend. Kanina nasa South Academy daw sya eh. Kahit na hindi namin sya nakita dun, dito naman sa harap ng Palasyo. Pero teka nga...

O____O Wag mong sabihing sya yung-

"Kanina nya pa tayo nakikilala, wag mo na lang pansinin haha" O___O
Ehh!

Sige na nga wag na lang pansinin baka maparusahan kami ng wala sa oras dahil sa ginawa naming panggugulo sa bahay niya.

Hindi na kami nakaluhod ngayon at naantala din ang pag-uusap kanina dahil may dumating na lalaki na kausap ngayon ng Apat na Councilor.

Si Janlyn naman ay kinakausap ng limang Legends. Habang kami namang apat ay nakatayo lang at nakatingin sa kanila.

"Kyzen" napatingin naman si Kyzen kay ate Yara.
"Bakit?"
"Wala ka bang balak tanggalin yang singsing mo, napaghihinalaan tayo eh" nagulat si Kyzen pero agad ding bumawi. Natawa naman kami ni Dayne sa kanila.
"Ikaw nga di mo rin tinatanggal"
"Nagandahan ako, ikaw?"
"Ganun din"
"Bakla!" sumama ang timpla ng mukha ni Kyzen kaya napahalaklak kami ni Dayne.
"Kung sunugin kaya kita!"
"Kung kidlatan kaya kita!"
"Kung i-lechon kaya kita!"
"Kung lunudin kaya kita!"
"Kung halikan kaya kita!"
"Kung sipain kaya kita!"
"Kung magpakasal na kaya tayo!"
"Walang tayo-"

"Nag-aaway kayo Mommy, Daddy?"
Napatigil kami sa pagtawa nung sumingit si Janlyn.

Nagkatinginan naman ang dalawang nag-aaway. Saka inirapan ang isa't isa.
Sabay naman nilang tinanggal yung singsing at inilagay sa magkabilang kamay ni Janlyn.

"Ibigay mo sa totoo mong mommy at daddy" sabay pa nilang sabi. Nalito naman ang bata.

Yung dalawa naman ay lumaki ang dalawang mata habang nakatingin sa likod ni Janlyn. Di ko nasabi na kasama ni Janlyn yung limang Legends.

Mas nakakahiya silang kasama.

"Lady Janlyn, magpapaalam na kami, mag-iingat ka ha" tinapatan ni Ate Yara si Janlyn at niyakap.

"Mommy kailan ko makikita yong mukha mo?" ngumiti naman si Ate Yara sa kanya.

"Soon" tumayo si Ate Yara at humarap sa limang legends.

"Magpapaalam na PO kami" pagkasabi niyang yun ay yumuko kami at saka umalis.

Lumapit naman si Kyzen kay Ate Yara.

"Kanina pa kita napapansin ah, napipilitan ka lang yata galangin sila. Alam mong nakakataas yun kesa sa atin"

Bigla namang inakbayan ni Ate Yara si Kyzen. At saka natawa.

"Ikaw nga di ko ginalang sila pa kaya...at saka gagalang lang ako kapag gusto ko gets mo"

"Tanggalin mo nga yang braso mo, nakakairita"
"May dala kang pilak?"
"Wala!"
"Eh di walang hapunan"

Malas lang ay kami ang taya at bumayad sa kinain namin dahil wala ngang dala ang dalawang lalaki. Umupa din kami sa isang bahay-paupahan para matulog at kinabukasa'y makauwi na kami. Nakakalungkot lang ay hindi kami nakasama sa unang klase at Ceremony.

***

Kinaumagahan ay maaga pa lang ay nakahanda na kami sa pag-alis. Sinabi din ni Ate Yara na magportal na lang kami pabalik sa school na sinangayunan naming lahat. Mas maganda na yun para makahabol kami sa klase. 

Bumukas ang portal at naunang pumasok si Kyzen na sinundan ni Dayne, ako at ang huli ay si Ate Yara.  Bumungad sa amin ang office ng Dean. Habang si Madam Min naman na abala sa kanyang ginagawa ay nagulat sa paglabas namin.

Nakakapagtaka lang nga ay sa halip na ngiti at papuri ang bungad sa amin ay isang seryosong mukha ang makikita sa mukha nya. Tahimik lang kami at hindi namin alam kung anong nangyari kung bakit ganun sya. Tiningnan niya kami isa-isa at huminto kay Kyzen.

"Tulad nang inaasahan ko ay kaya nyo yun. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang ginawa niyo. Hindi niyo muna ipinaalam sa akin bago kayo gumawa ng disesyon. Padalos-dalos kayo at kung mangyari ay napahamak kayo dahil sa hindi pag-iisip.  Hindi simpleng tao ang dala niyo at mas lalong hindi simpleng tao ang hinarap niyo. Nag-iisip ba kayo! Ikaw Kyzen inaasahan ko na ikaw ang mangunguna bakit padalos-dalos ka rin. Hindi lang ako ang dinamay niyo sa ginawa nyo pati ang buong school. Pambabastos ang ginawa niyong pag-abala sa kanilang pagpupulong."

Napayuko kami sa sinabi niya pero kita ko ang pag-angat ng ulo ni ate Yara at diretsong tiningnan si Madam Min.

"Ako ang nagdesisyon. Ngayon anong gusto mong gawin ko? Parusahan mo ako---tatanggapin ko." kinalabit ko si sya dahil sa sinabi niya. Tumingin sya sa akin pero seryosong mukha lang ang iniharap niya sa akin kaya napayuko ako.

"Hindi ko-"

"Patawad Madam Min" sabay na sabi ng dalawang lalaki habang nakayuko. Humingi din ako ng tawad.

Mali ang ginawa namin dapat ay ipinaalam muna namin sa kanya bago kami pumunta sa Legend City.

"Bilang parusa ay kailangan nyong ubusin ang tatlong daang palaso sa buong araw, walang pahinga at walang kain. Pagdating nyo sa field ay nakahanda na iyon. Nga pala limang daan sayo Miss Yara Xhi. Yon lang maari na kayong umalis at umpisahan."

Nag-aalala ako kay ate Yara. Tahimik lang sya at kaninang seryoso ay blanko na ngayon. Nakalabas kami sa pinto ay tuloy-tuloy lang ang lakad ni ate Yara habang kaming tatlo naman ay napatigil saka nagtinginan.

"Kasalanan ko ito" nagsisising pahayag ni Kyzen sa sarili. Samantalang seryoso lang si Dayne.

"Kung kasalanan mo ay sana ikaw ang nagsalita at hindi si ate Yara...Kapag alam niyang kasalanan niya o may kasalanan sya ay hindi sya magdadalawang isip na humingi ng parusa."

Pagdating ng araw ay makakalaya na rin sya at sisiguraduhin kong hindi ako aalis sa tabi niya.

Pagdating namin sa Field ay nakita namin agad ang apat na magkakahiwalay na kahon na naglalaman ng mga palaso. Pumwesto ako sa tabi ng kahon at sa kanan ko ang kahon na mas malaki pa sa kahon na nasa tabi ko. At dun nakapwesto si Ate Yara. Sa kanan niya ay si Kyzen at ang sunod ay si Dayne. Sa harap namin ay tag-iisa kaming target board. Labing limang dipa ang layo mula sa amin. Malaki ito at paniguradong kasya ang limang daang palaso. Subalit tatlong daan lang sa aming tatlo.

Hinawakan ko ang palaso ko at tumingin kay ate Yara. Habang hawak ang kanyang pana ay inasinta niya ito.

Pero ikinagulat ko ang unti-unting pagka-biyak nito hanggang sa mahati sa dalawa ang kahoy na pana.

"Ang panlabas at panloob na katangian ay pareho lang na nakakapanlinlang. Ang pagharap ay nakakaligtas pero ang pagtalikod ay nakakapahamak...Ang nasira na ay hindi na maibabalik pa sa dating ayos."

××××
A: Sorry dahil sa tagal ng update. Di ko na naman alam kung kailan ako ulit makaka-ud. Kapag may time lang talaga ako mga besh. Busy talaga sa mga projects and performance, lapit na ang completion namin. Ilang months na lang Senior High School na ako. T___T. Kailangang mag-aral ng maayos para di bumagsak...Kayo din mga readers ah. Mag-aral ng mabuti.

South AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon