XHIARA LANDELL
'Si Rira Demiz ng Damage Group'
'Gamit ang kapangyarihan ni Master Shu natukoy namin ang gumawa sayo. Umamin din siya sa kanyang nagawa at pinarusahan sa kanyang nagawa. Paumanhin sa nangyari Ms. Xhi.'
Nagmulat ako ng mata at bumangon sa kinahihigaan. Hindi ako makatulog, iniisip ko pa rin ang nangyari kanina.
Mula sa bintana, tumatagos ang ilaw ng maliwanag na buwan. Lumapit ako dito at binuksan. Sa kalagitnaan ng gabi ay gising pa rin ako. Bumaba ang tingin ko at dumako ito sa malawak na kagubatan na sakop ng paaralan. Ang mga makukulay na nilalang ang nagbibigay buhay at liwanag sa madilim na paligid.
Lumabas ako sa bintana at isinarado pero hindi ini-lock. Mula sa kinalalagyan ko ay tumalon ako pababa. Sa pinakalikod ako ng school at hindi ko alam kung may napapadpad din ba dito. Pero kung iisipin ay delikado dito dahil sa mga ibang nilalang.
Nagsimula akong lumakad sa hindi gaanong kataasang mga damo. Sa bawat pagtapak ko dito ay umaangat ang makukulay ng maliliit na nilalang. Inulit ko ang pagtapak hanggang sa napapangiti ako sa ganda nito. May pumupunta din sa aking lumilipad na nilalang na nakikisabay sa paghampas ng hangin sa buo kong katawan. Naalala kong naka-maikling short at sando lang ako. Wala rin akong suot na maskara at nakalugay ang mahaba kong buhok.
Kung unang araw ko pa lang dito ay nalaman ko na ito ay siguradong gabi-gabi ako dito. Nakakatuwa ang paligid. Mukhang hindi ako dinalaw ng antok sa senaryong ito.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" huminto ako sa ginagawa ko at pinakiramdaman siya.
Akala ko ay ako langg ang gising mukhang meron pang isa. At anong ginagawa niya dito?
Humarap ako sa kanya at nakita ko ang seryosong mukha niya na nasisinagan ng liwanag ng buwan. Kumunot pa ang noo niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at bumalik ulit sa mukha ko.
"May problema ba Kyzen?" tanong ko.
Nagulat pa siya sa pagtanong ko at bumalik sa pagkunot ang noo. Mukha siyang tatay! Pfft haha
"Delikado dito at dito mo pa talagang naisip na maglaro. Ala-una ng madalinng araw at hindi ka pa rin natutulog." tinaasan ko siya ng kilay.
"Eh ikaw anong ginagawa mo dito?"
"Sinundan ka. Baka nakakalimutan mongg magkatabi lang ang dorm natin at mula sa bintana ko ay nakita kitang tumalon sa bintana mo." ngumiwi ako sa sinabi niya.
"Hindi kasi ako makatulog." sabi ko at bumalik sa paglalaro. Hinakbang ko ang isa kong paa at umangat na naman ulit sila. Hindi ko maiwasang ngumiti.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. At paglapat ng kanyang kamay sa kanang leeg ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Ayos ka na ba?" aniya na lalong nagpadagdag sa lakas ng tibok ng puso ko.
Kyzen anong ginagawa mo sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Humarap ako sa kanya at tumango sa sinabi niya. Isinawalang bahala ko ang malakas na tibok at sinalubong ang mga tingin niya.
Ngayon ko lang napansin ang suot niya. Naka short lang siya at t-shirt na puti. Magulo rin ang kanyang buhok. Bakit ba ang gwapo niya? >.<
"Tara may pupuntahan tayo?"
"Ha?"
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa loob ng gubat. Pinapakiramdaman ko naman ang paligid namin. Tahimik at tanging tunog ng tinatapakan lang namin ang naririnig.
BINABASA MO ANG
South Academy
FantasyIsang kasunduan ang nagtulak kay Xhiara upang magbalat-kayo para makapasok sa paaralan ng South Academy na hindi dapat nyang paki-alaman at hindi dapat puntahan. -btgkoorin- Highest Rank in Fantasy • Rank #8 (04-24-20) • Rank #6 (04-27-21) • Rank #7...