THIRD PERSON'S POV
Abala ang mga tao sa bayan ng Legend City sa pagliligpit at pagtatakip ng kanilang mga paninda. Wala na ring makikitang gumagala sa labas dahil sa lakas ng bugso ng ulan. Tila'y galit na galit ang langit sa pagbuhos ng tubig.
May pagpupulong na nagaganap sa Palasyo. Halos hindi magkarinigan ang nagsasalitang Council at ang mga nakikinig na Legends at iba pang council sa lakas ng ulan.
"Napapansin ko ang hindi ordinaryong pagpapalit ng klima. Ang magandang sikat ng araw ay napapalitan ng maitim na ulap at buhos ng ulan" aniya ng Konseho ng Silangan.
"Pinaglalaruan ng kung sino man ang klima ng ating mundo, maraming naapektuhang mamamayan, sa halip na maghanapbuhay ay tumitigil na lang sa kanilang tirahan at mag-aabang kung kailan matatapos ang ulan" nahihimigang pag-aalala sa sinabi ng Konseho ng Timog.
"Lapastangan kung sino man yan" nangangalit na tinig ng Konseho ng Hilaga.
"Magdahan-dahan ka sa iyong pananalita"
Napakuyom ang kamao ng Konseho dahil sa pagsaway ng ikalimang Legend. Sa isip nito ay nasobrahan na sa talas ang pananalita ng konseho.
"Hindi dapat pinaglalaruan ang panahon"
Ang kaninang maayos na pagpapupulong ay nauwi sa kanilang sagutan nang dahil lang sa pag-iiba-iba ng klima.
Napuno ng palitan ng mga salita ang sa loob ng pulong maliban sa Unang Legend na tahimik lang na nag-iisip at nakamasid lamang sa labas ng bintana.
"Hanggang kailan sya magtatago..."
"Master Shu, hahayaan mo na lang ba silang mag-away?" tanong ng Ikalawang Legend habang nakatingin sa mga council at sa ikalimang Legend.
Natigil lamang ang sagutan ng pumasok ang isang tauhan sa Palasyo.
"Patawad po kung naabala ko ang pagpupulong niyo sapagkat may dumating na mga kawal galing sa Timog at may dala sila. Ang sabi ay ito daw ay galing sa Kanluran at tumungo ng Timog at dun nanirahan"
Napatingin ang Konseho ng Hilaga sa dalawang Konseho ng nabanggit na distreto.
"Hindi niyo binabantayan ng maayos ang inyong distreto, Mga pabaya!"
Napayuko ang dalawang konseho sa tinuran ng Konseho ng Hilaga. Nagtatanong sa mga sarili kung ano ang nangyari at nangyari ang paglabag sa pinakabatas ng mundo.
Sabay na nailing ang una at ikalimang legend sa sinabi ng Konseho. Sa halip na isatinig ay nasa isip na lamang nila. Wala sa loob ng kwarto ang makakapagsabi sa tumatakbo ng isip ng dalawang legend. Maski ang ibang legend ay nagtataka sa tinuran ng dalawa. Kung may nalalaman nga ba ito na hindi nila alam.
"Dalhin ang nahuli sa kulungan" pngwakas na sabi ng Konseho ng Hilaga saka umalis sa kwarto ng pagpupulong.
"Kung ayaw niyo matanggal sa katungkulan niyo, gawin niyo kung ano ang bagay na magpapasaya sa kanya" makahulugang salita ng ikatlong Legend na ang tinutukoy ay ang kakaalis lamang na konseho.
ALIRA LANQUEZ
Pagkagising namin kahapon ay wala na si Ate Yara, wala rin sya sa room at sa kahit saan dito sa school.
Hindi kami pumasok ni Wyrro at hinintay na lang dito sa dorm namin si ate Yara. Nakarinig kami ng tunog ng yapak sa kwarto niya at pagbukas namin ay nandun sya nakahiga. Tinanong ko kung saan sya galing ay tumalukbong lang sya ng kumot.
May mga paperbag ding nakalagay sa taas ng kabinet nya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya lumalabas man lang, nagsasalita o sumasagot kapag tinatanong namin ni Wyrro.
BINABASA MO ANG
South Academy
FantasyIsang kasunduan ang nagtulak kay Xhiara upang magbalat-kayo para makapasok sa paaralan ng South Academy na hindi dapat nyang paki-alaman at hindi dapat puntahan. -btgkoorin- Highest Rank in Fantasy • Rank #8 (04-24-20) • Rank #6 (04-27-21) • Rank #7...