ALIRA LANQUEZ
"Nakatulog ka ng maayos?" tanong ko kaya Ate Yara na ikinailing nya. Ako din eh.
"Kinakabahan ka ba ate kaya ka hindi makatulog na maayos kasi ako kinakabahan talaga ako." sabi ko pa. First time ko magkaroon ng misyon. Hehe.
"Hindi"
Pagkatapos namin kumain ay agad namin kinuha ang mga bag na dadalhin namin. Sapat na damit at pangangailangan ang dinala namin. Nagdala din kami ng pilak kung sakaling kakailanganin.
O____O
Nga pala. Naalala ko! Yung crush ko sa Ablaze kasama hehe. Kinikilig ako. Ang gwapo niya sa malapitan. Dayne Almera.
"Tara na...may pagsasabihan pa ako" naano kaya siya ah. Mukhang iba yata ang dahilan kung bakit di sya makatulog ng maayos. Maaga kasi akong natulog dahil inaantok na talaga ako.
Paglabas namin ay madilim pa ang paligid at ramdam ang malamig na hangin.
Tahimik lang kami bumaba sa hagdan hanggang makarating kami sa ground floor. May mga gising na tauhan sa paaralan pero wala pang ibang estudyante tulad namin.
Mabilis kaming nakarating sa gate at tulad ng inaasahan nandun na ang sasakyan namin papuntang Harmell Academy. Karwahe ang sasakyan namin.
Pumasok na si Ate Yara at sumunod naman ako. Dito na lang namin sila hihintayin.
Makalipas ang ilang minuto lang ay may naririnig akong mga usap-usapan. Dito na sila.
"Wala pa ba ang dalawang babae?" tanong ni Madam Min. Tumingin naman ako kay Ate Yara na nasa tabi ko ay nakapikit lang.
Inilusot ko naman yung ulo ko sa may bintanang hindi naman kalakihan. Natigil ang pag-uusap nila at tumingin sa akin.
"Hi! Gandang umaga" sabi ko pa. Di ko nga matingnan ng maayos si Dayne, nahihiya ako. Sumilip pa sila sa loob.
"Nandito na pala kayo" tumango naman ako kay Madam Min.
"Inaasahan kong magtatagumpay kayo sa inyong gagawin. Maaari na kayong maglakbay. Mag-iingat kayo"
Sumakay na ang dalawa at naupo sila sa katapat na upuan namin. Nag-ba-bye muna kami kay Madam Min bago tuluyang umalis ang aming karwahe.
Ganun pa rin ang pwesto ni Ate Yara, nakapikit pa rin. Kulang sa tulog?.
"Tulog yan o gising?" tanong sa akin ni Kyzen. Tiningnan ko lang sya at nagkibit-balikat. Tumingin ako ulit kay Ate Yara at nagmulat naman ang mga mata niya. Kita ko naman ang pagsama ng tingin niya sa harap namin.
"Hindi ba kayo marunong matulog ng hindi maingay. Kung gusto niyo mag-ingay wag sa kwarto niyo kasi nakakaabala kayo ng kapitbahay niyo." lumaki naman ang mga mata ko. Ibig sabihin katabing kwarto lang namin sila.
Tulad ko ay lumaki din ang mga mata ng dalawang lalaki at saka nagkatinginan.
"Hindi ako yung maingay/ Hindi ako kasama dun" sabay pa nilang sabi.
"Kasama niyo yun hindi ba kayo marunong magsaway. Kung mag-iingay kayo ulit...ikaw Dayne lagyan mo ng Ice wall ang buong kwarto niyo at ikaw Kyzen bilang pinuno sa grupo mo suwayin mo sila hindi yung nakikisama ka pa" nangsermon si Ate Yara. Katakot.
"Di man ako nakikisama" tanggol pa ni Kyzen sa sarili niya.
"Kapag maingay ulit ang kwarto niyo. Asahan niyong dun ako matutulog. At dahil sa ginawa nyong ingay kagabi hindi ako makatulog na maayos. Gusto ko na nga kayong pasukin at sabayan si Jhare magbasag ng plato at sabayang magsigaw si Shana na dinagdagan pa ni Mhina. Tapos kayong dalawa nakahiga lang sa kama niyo!" nganga.
BINABASA MO ANG
South Academy
FantasyIsang kasunduan ang nagtulak kay Xhiara upang magbalat-kayo para makapasok sa paaralan ng South Academy na hindi dapat nyang paki-alaman at hindi dapat puntahan. -btgkoorin- Highest Rank in Fantasy • Rank #8 (04-24-20) • Rank #6 (04-27-21) • Rank #7...