Chapter 43: Flag

13.9K 599 14
                                    

XHIARA LANDELL

"Ang unang laro ay tatawaging 'Treasure Hunting'. Ito ay magaganap sa loob ng malawak na isla ng Siene. May labinglimang flag ang nakakalat sa buong lugar. Ang grupo na makakakuha ng limang flag ay magkakamit ng limang puntos at ang hindi naman ay mananatili sa kanilang score. Ang lahat ng kaganapan sa loob ng isla ay makikita ng lahat sa screen. Magsipaghanda na ang bawat kalahok."

Nagkatinginan kaming lima at sabay na huminga ng malalim. Ito na ang simula at ang ikinabahala namin ay hindi dito gaganapin ang unang paligsahan kundi sa isang mapanganib na isla. Kilala ang isla ng Siene bilang tirahan ng mababangis na nilalang tulad ng Endris, ulong tigre at katawang ahas.

May lumabas na portal sa harap namin at ganun din sa ibang grupo.

Bago kami pumasok ay tumingin ako sa pwesto nila Madam Min, nakangiti ito sa amin. Sa gilid niya sina Alira at Wyrro na kumakaway sa amin habang nakangiti.

Humakbang na kami at maya-maya ay nakapasok na kami sa portal. Nawala ito ng tuluyan na kaming nakatapak sa lupa ng isla. Huni ng iba't ibang nilalang ang naririnig namin kaya alerto kami sa paligid.

Lakad lang ang ginawa namin dahil sa pag-iingat. Kapag nakakakita kami ng ibang nilalang ay umiiwas kami at tahimik na umaalis.

Nagugutom na ako pero saka lamang ako makakakain kapag natapos itong laro. Mataas ang sikat ng araw kaya mainit. Nasisilungan din kami ng mga naglalakihang puno pero tinatamaan pa rin kami ng nakakapasong sinag ng araw.

Nabunggo ako sa likod ni Kyzen dahil tumigil siya. Tiningnan ko ang tinitingnan niya at nakita ko sa harap namin ang malaking puno ng mansanas. Natatakam ako sa bunga pero hindi ko sigurado kung may lason ba ito o wala.

"Gutom ka na Kyzen?" tanong ko. Umiling lang siya pero hindi inaalis ang tingin sa puno.

"May flag sa may gitnang bahagi ng puno" aniya at tumingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at lumapit sa may puno.

Nakita ko ang flag na nakatusok sa isang sanga. Kaya lang pinalilibutan ito ng makakating uod. Kunting dikit lang sa kanila ay mamantal ang balat ko at ayaw ko nun.

"Kyzen sunugin mo na lang yung mga uod" suhestiyon ko. Sumang-ayon din sa akin sina Dayne.

"Madamay ang flag at maging abo pa. Mabuti pa ay panain mo na lang ng malaglag" napatango ako sa sinabi niya at inilabas ang pana ko.

Kumuha ako ng palaso at tinira ang isang uod nalaglag naman ito. Tinira ko din ang iba pa hanggang sa maubos at natira na lamang ang flag.

"Oh tapos?"

"Umakyat ka Jhare tutal may lahi ka namang unggoy" natatawang sambit ni Shana kaya binatukan siya ni Jhare.

Nagteleport ako sa isang sanga na walang uod at kinuha ang flag sa katabing sanga. Nagteleport ulit ako pabalik sa pwesto ko.

Natuwa naman kami at nakuha rin namin ang una naming flag. Si Kyzen ang nagtago nito sa loob ng damit niya at nagoatuloy kami sa paglakad.

Masyadong masukal na ang napauntahan namin at walang ibang daanan kundi iyon. Tinira ni Kyzen ng fireball ang masukal na daan kaya lumikha ito ng daan na pwedi naming daanan. Habang naglalakad ay alerto kami sa paligid at baka sumulpot na lang bigla ang Endris.

Kakasabi ko lamang ay hinarang na kami ng malaking Endris. Lumulaway itong nakatingin sa amin habang ang buntot na ahas ay patuloy lamang sa paggalaw. Nagulat ako ng makita na pumulupot iyon sa flag. At mukhang napansin din nila iyon.

"Dayne gawing mong ice yung Endris at wag mo idamay ang flag" tumango siya sa sinabi ko at nagpalabas ng ice sa kamay niya at itinira iyon sa Endris.

South AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon