Chapter 1

1.4K 43 5
                                    

Zaia's Pov

My name is Zandria Louie Smith. They used to call me Zaia (Zaya). Tomorrow is my first day as a Grade 12 student in Hangro School of Intelligence.

Nasa Crepe and Cream Cafe ako ngayon. Nagtatrabaho ako dito para masustentuhan ko yung pag-aaral ko at saka mabayaran ko yung gastusin ko sa bahay. Ulila na kasi ako at ako nalang ang bumubuhay sa sarili ko.

Paminsan minsan naman ay tinutulungan ako ng bestfriend kong si Cayn Alexander Fortalejo. Anak siya ng may-ari ng mall na ito.

Kung tutuusin nga ay ayaw ng pamilya ni Cayn na magtrabaho ako at sila na ang bahala sa mga kailangan kong bayarin. Ninong ko rin kasi ang tatay ni Cayn at matalik na kaibigan siya nila Papa.

Tinanggal ko na ang suot suot kong apron at saka nag-ayos ng sarili kahit papaano. Tapos na kasi ang shift ko kaya uuwi na ako. Gabi na at kailangan ko pang maghanda para bukas.

Kinuha ko na yung isang crepe don at binaon nalang pauwi.

Pagkalabas ko sa mall ay nakita ko ang isang matanda babae sa kabilang kanto at mukhang gutom na gutom ito. Napatingin ako sa crepe na hawak ko.

"Kain po kayo, lola. " nakangiting sambit ko sa matanda at iniabot ang crepe ko. She smiled as she ran her fingers through my hair.

"Maraming salamat, hija. " sambit nito kaya ngintian ko siya.

"Malapit ng dumating ang swerte sa buhay mo pero kailangan mong mag-ingat. Hindi biro ang lalaking makikilala mo. " hindi ko na lang inintindi ang payo niya dahil nakakahumaling yung mga ngiti niya. She looks like an old princess.

Sensui's POV

I'm Prince Azariah Magnus Adams of Engrovia. I am presently the heir of the Engrovian Throne. But ofcourse I have to hide my identity so I was named Kyle Sensui. I don't even know where my Mom, the queen rather, get that funny name. Sensui?.



"Boss, this is what you call a house full of sh*t" sambit ni Aldrin pagkarating namin sa tapat ng sinasabi niyang bahay niya. He is my childhood bestfriend and he will accompany me here in Alison.

"Correction lang ah. That is what you call a house full of sh*t of a fvckin' sh*t guy. See, that's better" I joked.

I'm already 18 at malapit na ang coronation ko as a King. The Queen sent me away before the coronation dahil may nasagap kaming balita. I'm the hunters' target since I'm the heir of the throne. Gusto kasi ng mga hunters na masakop ang buong Magic World kaya isa isa nilang pinapatay ang mga may Royal Blood.


"Boss, nahihiya ako sa bahay ko eh. Antagal kong hindi pumunta dito at panigurado sira sira na yung mga gamit diyan sa loob. Maalikabok na diyan, boss" napapakamot na sambit ni Aldrin sa akin.

"You already insisted that it was better to stay in your house rather than book a hotel. You should've just listened to me, Aldrin. " I glared at him at napakamot na lang siya sa kanyang batok. "Wag mo kong kamutan diyan ng batok kung ayaw mong kuryentehin ko yan. "

What do I mean by kuryentehin? Everyone who lives in Engrovia are extraordinary people. We have our own abilities that also has its own restrains.

I am the summoner of lightning and thunder, I can manipulate the weather. And the most important part of all, I can release white inks that can electrify who ever strucks it.

"Ako na nagsasabi, boss. Sobrang gulo sa loob ng bahay namin. " Aldrin.

"Ang sabihin mo tinatamad ka lang maglinis. Bilisan mo at inaantok na ako. " utos ko dito.

Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon