Zaia's Pov
Mamaya na ang Event, paniguradong maraming nang naghahanda sa ganitong oras. 1 pm pa lang at ang party ay magsisimula ng 6 pm pero kailangan 5 andun na para sa parade.
Napatingin ako sa ball gown na susuotin ko mamayang gabi. First time kong magsusuot ng ball gown. Mahusay din pumili si Adri dahil simple lang ito kung ikukumpara mo sa princess gowns.
Lumapit ako dito at pina-ikutan ito. Sobrang ganda niya. Kadalasan ang mga prinsesa ay nagsusuot ng light colors, ako naman ay dark. Napaka-revealing din nito.
"Sis? Your stylist is here" napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Adri. Stylist? I didn't hired any stylist.
"Stylist? Hindi ako naghanap ng stylist saka wala akong ipambabayad" sambit ko dito. Pumasok naman yung isang pamilyar na bakla. Siya yung baklang nagayos sa akin. Siya yung nasa salon. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Niyakap ko na rin ito.
"Madam, may nagpapabigay sa inyo" at ibinigay niya sa akin at isang sulat. Lumingon ako sa pintuan para tignan si Adri ngunit wala na ito. Ibinaling ko na ngayon ang atensyon ko sa sulat.
Surprise me later, Zandria Louie Smith
-Gwapo
Napangiti naman ako sa mensahe ni Sensui. Di ko alam kung bakit pero masasanay na ako sa mga notes niya at pakilig. Baka matuluyan ako nito.
Pagkatapos kong maligo, isinuot ko na ang bath throbe ko at lumabas na sa banyo.
"Ms. Smith, ready na po ba kayo sa make over? We have to start dahil hindi po tayo pwedeng ma-late, bilin po yun ni Sir Adams" tumango ako as a sign of yes. Upo na ako sa hatap ng mirror cabinet ko.
Zaia, get ready to be in a fairytale
Huminga na ako ng malalim at saka tumungo sa stylist ko para magsimula na. Inuna niyang ayusin ang buhok ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya, kung tirintas ba o ano. Sa mga head dresses na nilagagay niya, para akong ikakasal. Napakagaan ng kamay niya, halos hindi ko maramdaman na inaayusan pala ako ng buhok.

BINABASA MO ANG
Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION)
FantasyCOMPLETED || HIGHEST RANK: #48 in Fantasy As Zandria Louie Smith continues herself to study in Hangro School of Intelligence, she tries out sorts of things to make a living. Her ordinary days are suddenly shaken up when the Prince of Engrovia, Kyle...