Chapter 5

689 24 1
                                    

Zaia's Pov


Wala akong kaalam alam kung saan ako dadalhin ng mga ito pero sa nakikita ko, mukha kaming palabas ng Alison. It's like we're off to  province or what. 


"Sensui, saan pala tayo pupunta?" Tanong ko. Liningon naman ako ni Sensui at tinignan niya naman ako ng masama tapos tinignan si Aldrin.


Ano nanaman ba ang ginawa ko?


"Zaia, Idol na talaga kita hahaha" asar nitong Aldrin na ito. 


"Shut up, Aldrin" inis na sagot nito ni Sensui.


"Alam mo ba Zaia, ayaw na ayaw niyang may tumatawag sa kanyang Sensui. Anlupet mo!" Napatawa naman ako dahil totoo ang sinasabi niya. 



"Maganda naman yung pangalan ah. Unique saka anlakas ng dating.... nung pangalan" nagtawanan naman kami ni Aldrin dahil inis na inis na si Sensui. 


"HAHAHAHA yun ang magandang pang-asar sa kanya eh. Lupet mo dahil natagal ka sa pang-asar na yan. Nananapak yan"



"Shut up, Chadwick!"



"Pikon ka na ba, Sensui? hahaha" ako



"Hindi ako pikon, gwapo lang"



"Yuck"



"San ba tayo pupunta?" Pagiibang topic ko. Walang sumagot ni isa. Pero nasa expressway na kami. 


Nilabas ko ang cellphone ko at nagsalpak ng earphones. Makakapagpahinga ako kahit saglit. Thanks to that guy. Ipinikit ko ang mata ko habang tumatango tango para sabayan ang beat nung song



Sensui's Pov

Malayo layo pa ang pupuntahan namin. Yung dalawang bata sa likod, tulog na. Were going to a resort. Nakita ko kasi sa mukha ni Zaia kung gaano na siya napapagod kaya ayun binili ko na oras niya.



Para makapagpahinga siya.


Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon