Chapter 16

430 18 3
                                    

Third Person's POV


Ang river stynx ay isang magical river na tanging ang royal family lang ang makakadaan. Ito ang nagsisilbing harang sa mga turista mula sa kaharian ng Engrovia. Ang magagandang tanawin na nakikita ni Zaia ay pawang mga ilusyon lamang upang hindi maipakita sa mga normal na tao ang tunay na kaharian na Engrovia.


 Sa kabila ng river stynx, ay ang kaharian ng Engrovia. There are only three passage ways that they can enter in the Kingdom, one is behind the force field and the other one is a hidden gate which can only found by a royal bloods and the last one will be the main gate usually dinadaanan ng mga commoners.


"Kumapit ka ng mabuti, matarik ang bundok" utos ni Sensui sa dalaga matapos nilang makatawid sa river stynx.


Patuloy lang paglalakad ni Sensui habang buhat buhat si Zaia sa likod niya, kasabay na rin ang pagsalubong sa kanila ng hangin. Nanatili lang ang dalaga sa pagsandal ng kanyang ulo sa balikat ng binata.


Sa sobrang lapit nila sa isat-isa, nararamdaman nila ang tibok ng puso ng bawat isa pero mas malakas pa rin ang tibok ng puso ni Zaia na para bang may pinagsisigawan na hindi marinig rinig.


"Napapaisip ako. Napakamagical ng lugar na ito pero paano naman nangyari na nagkaroon ng tao rito? Hindi ba dapat mga engkanto?" natatwang tanong ni Zaia sa binata. Palihim namang napangiti si Sensui dahil doon.



"Ang bawat tao dito ay may special abilities" paliwanag ng binata. Nanlaki naman ang mga mata ni Zaia dahil sa sinabi ng binata.


"Ibig sabihin ba nito may super pwers ka? Hala! ang galing. Anong powers mo?" napapapalakpak na lang ang dalaga sa sobrang tuwa.


"Hulaan mo" nakangiting sambit ng binata. Nagulat siya ng bigla itong binatukan ng dalaga.


"Sensui, hindi ka tao hahaha. Isa kang engkanto. Ang galing hahaha kaibigan ko yung engkanto" biro ng dalaga. Napatawa naman silang dalawa dahil doon.



Ilang oras pa ay dumating na sila sa tuktok ng bundok. Ibinaba na ni Sensui si Zaia at naglakad ito sa dulo ng cliff at pinagmasdan ang tirahan niyang isang malaking kastilyo. Madalas siya sa lugar na ito dahil nakakapagtago siya sa mga knights na laging nakabantay sarado sa kanya. Dito siya kadalasan nagpapalipas ng oras dahil para sa kanya, ito ang safest place at happy place ng buhay niya.


Umupo na rin sa tabi niya si Zaia at pinagmasdan ang ibaba ng cliff. Karugtong ito ng river stynx. Nanatili pa rin ang pagkamangha ni Zaia hanggang sa makita nito ang isang malaking kastilyo.


"May kukunin lang ako" paalam ni Sensui kay Zaia bago ito tumayo at umakyat sa puno na nasa likuran lang nila. Kinuha nito ang cemra at at itinutok sa dalaga. Si Sensui lang ang nakakaalam ng lugar na ito at si Zaia ang kauna- unahang dinala niya rito. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon