Chapter 4

689 24 1
                                    

Zaia's Pov



Hindi nga nagbibiro si Sensui dahil hinintay niya talagang matapos ang shift ko. He'd do anything for Kheana huh? Dapat pala kaibiganin ko si Kheana para mapasunod ko itong lalaking ito.   

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako sa CR at pinuntahan si Sensui na busy sa kanyang cellphone.

"Tara na" aya ko rito. Mabilis naman itong tumayo at nag-unat sa harapan ko. Medyo naawa ako sa kanya dahil mukhang napagod siya kakahintay sa akin. Kaunting awa lang naman.

For the first time in history, walang naganap na alitan o kahit na anong pag-uusap habang naglalakad  kami patungo sa bahay nila. Napansin kong patungo rin ito sa bahay ko. Looks like he lives in this neighborhood. 



Nagulat ako ng huminto kami sa tapat mismo ng bahay ko. Is this a joke?

"We're currently staying in Aldrin's house. Kakadating lang namin dito kaya medyo magulo pa yung bahay. Pagtiyagaan mo nalang" gusto kong matawa sa sinabi niya. 

Ang yabang yabang tapos nakikitira lang pala kela Aldrin. Uto-uto rin si Aldrin eh 'no? tinawag niyang boss si Sensui. 

"This is actually my house" turo ko sa bahay na katapat lang ng kela Aldrin.

"Mag-isa ka lang nakatira diyan?" tanong nito habang pinagmamasdan yung bahay ko.

"Sa ngayon oo. Wala na kasi sila Mama at Papa" sagot ko rito.

"Ahh ampanget kasi ng bahay mo eh" aniya.


Screw you!


Pumasok na kami sa loob ng bahay nila Aldrin. Tama nga si Sensui. Medyo magulo ang bahay dahil  maraming mga gamit na hindi organisado. Sa pagkakatanda ko sa sinabi ni Papa nung bata ako, isa daw writer ang nakatira diyan. Kaya siguro maraming libro at mga papel.



Dumaretso na kami sa kusina at naabutan ko doon si Aldrin at Kheana na naghahain na ng masasarap na pagkain sa mesa. Naramdaman ko yung pagkalam ng tiyan ko ng makita ko ang kakaibang pagkain. Tingin palang ay matatakam ka na tapos ambango bango pa nung pagkain.

~~~~~

Pagkagising ko, ginawa ko kaagad ang morning rituals ko. Paglabas ko ng bahay ay naabutan ko doon si Sensui.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko rito.

"Hinihintay ka. Antagal tagal mong kumilos" angal nito.

"Sino ba nag-sabi sayong hintayin mo ko? Bakit mo ba ako hinihintay? may kailangan ka ba?" tanong ko rito habang nilo-lock yung gate sa bahay.

"Gusto ko maging parte ng banda niyo" nagulat ako sa sinabi niya. 

Hindi na ako magtatanong kung paano niya nalaman ang tungkol sa pagbabanda ko. He is totally a psychopath.



"Pwede magtanong?" Sensui



"Ano yun?" tanong ko dito at nagsimula nang maglakad patungo sa kanto para sumakay sa bus. Sumunod naman siya.



"May boyfriend ka ba?" gusto kong matawa dahil sa tanong niya. I knew he has a crush on me.



"Bakit? gusto mo mag-apply?" pang-aasar ko rito.



"Tch. I never wanted to be in a relationship. Problema lang 'yan" napakagat labi nalang ako dahil sa isinagot niya. Bakit ka pa nag-tanong? Nagkukunwaring matino kunwari hindi playboy.



Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon