SPECIAL CHAPTER: THE ADAMS PART II

417 13 4
                                    

Zaia's POV

// 5 years later//

"Dad! wake up! wake up! Dad!" nagising ako ng makaramdam ako ng malikot na umuuga sa kama. I slowly opened my eyes then I saw how Scarlett wake up his dad. Napangiti ako ng makita ko yung mukha ni sensui na nakangiti kahit pinipilit na siyang gisingin ng anak niya.



"Dad! WAKE UP!" sigaw ni Scarlett at kinuha yung throw pillow sa paanan namin at binato iyon sa mukha ng tatay niyang tulog mantika. Yes, manang mana sa akin si Scarlett pagdating sa pagiging sadista.



Kunot noong iminulat ni Sensui yung mata niya at tumingin sa akin. Akala niya siguro eh ako yung bumato. Tinuro ko si Scarlett na nakaupo sa tiyan niya. napabuntong hininga nalang siya ng makita niya yung anak niyang naka pajamas pa.



Umupo kaming dalawang habang nakatingin kay Scarlett nakakunot ang noo at nakapout. Minana niya sa tatay niya yang pagiging ganyan. To add some info, Scarlett is a Daddy's girl. Laging kinakampihan ni Sensui kaya ayan. 



"What is it, baby?" nakangiting tanong sa kanya ni Sensui. Sobrang cute ni Scarlett kung mas tutuusin. Yung mata niya nakuha sa akin, yung ilong niyang matangos nakuha niya kay Sensui... even the lips. Di namin alam kung saan niya nakuha yang chubby cheeks na yan. Siguro sa kakakain ng sweets. Masyado kasing kinukunsinti ng lalaking to. Baka maagang magka-diabetis yung bata.



"Daddy, Kuya is messing up the knights again" kagat labi akong tumingin kay Sensui. May nagbago ba? Nung nakaraan nga na prank si Sensui eh. Akala niya soup yung nasa lamesa hahaha ihi pala ni Max, yung aso niya. Natatawa pa rin ako. Buti nalang may ilong si Sensui. 



"What did he do?" tanong ni Sensui kay Scarlett.



"He put max's poop secretly on their boots. Dad it is so stinky. And by the way Dad. Zain used your cape fore putting the poop inside. Gross!" Napatakip ako ng bibig at pinigilan ang pagtawa. Ganun din ang ginawa ni Scarlett. Pinigilan niya rin ang sarili niyang tumawa dahil si Sensui ay nagpipigil na ng galit.



"ZAINNNNN!!!!" 

-----

Nasa loob kami ngayon ng kwarto ng kambal. Nakahiga ako kami ni Sensui sa gilid ng dalawang kambal.  Kinuha ko yung libro sa may shelf at binuklat iyun.



"Mom, can you please read the story. Dad's voice sounded weird. It would be better if you're the one who read it for us" patago akong napatawa sa sinabi ni Zain sa akin. Miski si Scarlett ay natatawa rin dahil sa sinabi ni Zain. Sinulyapan ko si Sensui na parang naasar na.



Nagsimula na akong magbasa. Guess what? mukhang natupad na ang pangarap ni Sensui. Ang basahin ang story book na isinulat niya doon sa anak namin. And yes, Its our love story. Hindi lang alam nila Zain at Scarlett yun. Hindi nga rin nila alam yung pangalan namin dati. All they know is King Azariah Magnus Adams and Queen Zarnaya Smith Adams. 



Ilang minuto pang pagbabasa, naramdaman kong medyo bumibigat na ang braso ko kung saan nakasandal si Zain. Liningon ko ito at nakita ko na mahimbing na ang tulog nito. I glanced at Scarlett and Sensui who is now sleeping. Napangiti nalang ako at isinara ang libro.



I kissed their forehead one by one. Nagulat ako ng iminulat ni Sensui ang mga mata niya at nakangiting tumingin sa akin. Dahan dahan siyang tumayo at pinatay na ang ilaw. Dahan dahan kong inialis ang braso ko na sinasandalan ni Zain.



We both slowly and quietly took our way out of the room but before we shut the door. I glanced at Sensui who is smiling like an idiot while staring at the two kids sleeping.

"I told you... We will have a happy ending" sambit nito then he kissed my forehead.

Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon