Zaia's POV
Hindi ko alam kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Nakabath throbe lang ako at kakatapos lang maligo. Napukaw ng atensyon ko yung pinto sa tabi ng bathroom. Agad ko itong binuksan at halos mahulog ang panga ko dahil bumungad agad sa akin ang naggagandahang mga ballgowns.
"You liked it?" napalingon ako ng makarinig ako ng isang pamilyar na pamilyar na boses.
"Sobra! pero.." tuwang sabi ko dito, dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya. "Kailangan ba na ganyan ang suotin dito?" tanong ko dito. Napangiti ito at hinaplos yung basa kong buhok.
"Yeah. We cant do anything about it because its the king's order. Lalo na't ikaw ang prinsesa ng prinsipe sa kahariang ito" Palihim akong napangiti dahil sa sinabi niya. Doon ko napagtantong naka bath-throbe lang pala ako. Mabilis akong tumalikod sa kanya.
"Why?" narinig kong tanong nito.
"Please, l-labas ka muna. Hindi pa ko nagb-bihis oh"nauutal utal kong utos nito. Narinig ko itong ngumisi. Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko. Bakit kasi hindi man lang siya kumatok o ano? nako!
"Haha, bakit? makikita ko din naman yan sa future eh so why bother?" pang aasar pa nito. Nanatili pa rin akong nakatalikod sa kanya.
"Sensui!" sigaw ko dito. "Its Prince Kyle" pag correct nito. Nalakad ako patungo sa harap ng nakapilang mga gowns.
"Nakakasiguro ka bang ikaw na nga yung magpapang-asawa ko?" sambit ko dito. Acting lang yung inis para umalis siya dito. Ano? papanoorin niya akong magbihis. May pagka mapusong din pala itong lalaking ito.
"Yes. If I said I'll be your husband, I mean it" nakangising sambit nito sa akin sabay kindat. Tinalukuran ko na siya at palihim na napangiti. Nakuha naman ng atensyon ko ang isang simpleng gown at mukhang madali lang dalhin.
"This one?" Tanong ko dito habang bitbit ang isang medyo magaan gaan na gown. "Thats an undergarment, my princess" natatawang sambit nito "let me help you" pag presenta nito.
Nakaramdam naman ako ng hiya dito sa lalaking ito at pati sa sarili ko. Malay ko ba diyan sa mga yan. Di ko naman alam na may kinds of gowns pala na gagamitin. Eh kung sa Alison nga ay pwede na 'yan pang gala tapos dito undergarment.
"Hahaha I want to be honest with you. Ang cute mo kapag inosente. Ito na.. suotin mo na ito" binigay niya sa akin ang isang simpleng gown na nasa bungad lang.
***
Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang itsura ko. Para talaga akong prinsesa. Sabayan mo pa ng kulay ng kutis ko at hubog ng katawan ko. Hindi ako nagsuot ng kahit anong make up at tanging pulbos at lip tint lang ang nilagay ko pero napakaganda ko.
Binuksan ko ang pinto at bumungad naman sa akin ang isang lalaking nakatalikod at nakaharap doon sa cabinet na puno ng libro.
"Sensui" tawag ko dito. Parang nag-slow mo ang lahat at dahan dahan itong lumingon sa akn. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang lakas lakas din nito na animoy handa ng kumawala sa katawan. Halos matunaw ako sa kinatatayuan ko ng bigla itong tumingin sa akin. He looked at me seductively.
"B-bakit ganyan ka m-makatingin?" nauutal kong tanong. "Wala naman. Ang ganda mo lang" deretsong sagot nito sa akin at hinila na yung kamay ko.
"Tignan mo to, prinsipeng walang respeto sa babae. Just bragging me everywhere" pagpaparinig ko rito. Nilingon niya ako and he raised his right eye brow on me. "I am presently the heir of the Engrovian throne so follow my rules, play with my games, and go with the flow, baby" pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil sa sinabi niya. Baby?pfft.
"I'm going to show you something" he continued.
Pagkalabas namin sa tower na iyon, halos wala kaming makitang katao tao dito sa labas. Siguro pinaalis na ng lalaking ito gawa nung init ng ulo niya kahapon. Kagabi kasi sumilip ako sa terrace at nakit ako siya doon sa baba at parang sinesermonan yung mga tauhan dito.
Nagulat ako ng tumigil kami sa tapat ng isang mataas na bakod na gawa sa dahon. Nagulat ako ng tinulak niya ito at nagmistulang pintuan papasok sa lugar. Ano ito? secret garden? haha ang galing! mukhang magiging favorite ko rin ata ang lugar na ito.
Pumasok kami at tumambad sa akin ang isang magandang hardin na punong puno ng ibat ibang uri ng halaman. Ang ganda ganda tapos may fountain pang ibang klase ang kulay ng tubig at nag-glow ito.
"Patikim pa lang yan" sambit nito.
Hinila niya ako at lumiko kami sa isang pintuang gawa sa mga bulaklak. Hindi ito hinawakan ni Sensui dahil kusa itong bumukas.
"WOW!" napasigaw ako sa sobrang pagkamangha. Mayroon falls sa dulo at sa baba non ay maraming mga ibong may buntot na umiilaw. Mayroon ding mga butterflies na may kakaibang kulay at nag-glow din. Nagulat ako ng may nabangga akong isang halaman at naglikha ito ng isang pamilyar na tunog.
"Piano?" tanong ko kay Sensui. Ngumiti ito at tumango. Ang galing! napapalakpak pa ako habang pinaglalaruan ang melodiya ng instrumentong ito. Lumingon ako sa kanan ng may mapansin akong kakaibang instrumento.
"Let me guess... guitar?" tanong ko at tumango lang siya. Muli akong lumingon sa kabila at napansin ko naman ang mga nakasabit sa puno.Parang instruments na made of leaves and flowers at kung ano ano pa. Nakaka mangha talaga.
"Welcome to Enchanted Garden, the most magical and enchanted place inside the palace" sambit nito.
"Thank you" pasasalamat at tumakbo papalapit dito at saka niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko rin ang mahigpit nitong yakap.
"May I have this dance, again?" natatwang tanong nito. Mukhang a-araw arawin niya na ata ang pagsayaw namin ah."With no hesitation.. Yes!" sigaw ko dito. Nagulat naman ako ng biglang kusang tumugtog ang mga instrumento dito.
"Dont worry, sinasanay lang kita, soon to be my queen" bulong nito at kinindatan ako at saka nginitian ng nakakaloko. "Alam mo talaga kung paano ako pakiligin eh no?" sambit ko rito. Nagkibit balikat lang ito at nginitian ako na para bang wala lang sa kanya ang inawa niya. This is more than anything.
"Anything for you, my princess" sambit nito. Inilahad niya ang isang kamay niya. Walang halong pagtanggi ay inilagay ko na doon ang kamay ko. Inilagay ko ang kaliwang kamay ko para ianagat ang gown na suot ko at ang isa naman ay nakahawak sa kaliwang kamay niya. Ang kanang kamay ni Sensui ang siyang nakahawak sa bewang ko.
"just guide me, my prince" bulong ko dito at sumayaw kami paikot ng fountain.
Hindi alintana ang sikat ng araw dahil natatakpan ito ng mga ibong nagliliparan sa itaas kasama ang mga paru parong gumagawa ng kung ano anong hugis na umaangkop sa ginagawa naming dalawa. Nanatili lang ang mata nitong nakatingin sa akin at sinasabayan ng humming ang mga instrumentong naglilikha ng musikang bumabalot sa hardin na ito.
"I love you" sambit ko dito at nginitian. He gave me a smirk and a quick wink. "I love you too, my princess"

BINABASA MO ANG
Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION)
FantasyCOMPLETED || HIGHEST RANK: #48 in Fantasy As Zandria Louie Smith continues herself to study in Hangro School of Intelligence, she tries out sorts of things to make a living. Her ordinary days are suddenly shaken up when the Prince of Engrovia, Kyle...