Chapter 22

359 16 0
                                    

Cayn's POV


Pagkatapos ng insidenteng iyon,  tumakas na agad kami at ngayon ay papunta sa Bailon. Mayroon akong resthouse doon na nakatago sa gubat. Sinama ko na rin si Angelie dahil saksi din siya sa mga hunter na iyon pero matapos nung nanyareng iyon, hindi na siya masyadong nagsasalita. Natrauma ata siya.



"Are we there yet?" nag-aalalang tanong ni Kyle. Ilang beses niya ng tinanong 'yan kahit na alam niyang malayo layo pa kami.



Si Aldrin ang nagmamaneho at si Adri naman ang nasa passenger seat. Katabi ko si Angelie sa likod at si Kyle naman at Zaia ay nasa harapan namin.


"Can you just heal her here, Adri. Baka hindi na siya umabot kung doon mo pa siya gagamutin" narinig kong pagmamakaawa ni Kyle kay Adri. May healing ability kasi si Adri. Naiintindihan ko naman kung bakit hini pa niya magagamot si Zaia ngayon dahil naubos din ang lakas niya kanina. 



"I need more energy, Kyle" napapakamot na si Adri. 


"Kahit kaunting lakas lang, Adri. Hindi ko na alam kung ano ang nangyare kay Zaia. Her heart stops beating" mabilis na naipreno ni Aldrin ang kotse at lahat kami ay napasilip kay Zaia. Hindi ako sigurado kung patay na siya o baka inatake nanaman ng cursed ability niya. Sakit niya ata 'yon oh ano. Hindi ko alam. 



Si Dad kasi ang nagpaampon kay Zaia, hindi sinabi ni Dad sa akin kung kanino siyang anak pero pinapaobserbahan niya sa akin lagi. May mga araw si Zaia na bigl biglang titigil ang tibok ng puso at manlalamig ang katawan niya pero hindi pa siya patay. Kadalasan nangyayari sa kanya iyon kapag may sakit siya o mahina ang katawan.


Malakas ang kutob ko na ginamit si Zaia sa eksperiment dati tungkol sa frozen ability. Hindi ko lang alam kung isa siya sa mga taong kinapalpakan ng research. Pero ang mga taong may frozen ability daw ay nagagawang pigilan ang tibok ng puso at pipigilan nito ang pagdaloy ng dugo. 


Habang tulog siya, hindi siya tumatanda, walang nangyayari sa kanya, kung sugatan mo man siya, hindi lalabas yung dugo niya. Its like she is frozen. Lahat ng kung ano mang gumagana sa katawan niya ay titigil. 


If she can control this ability, she can be an immortal. Pwede siyang matulog hanggang ilang years kung gugusto niya pero hindi tatanda ang katawan niya. Pero hindi niya alam ang tungkol doon, hindi niya rin naman alam kung paano icontrol. Ang conclusion ko don ay baka isa siya sa eksperiment na gumana pero pumalya ang control. 



Now is my chance to see if she really is an immortal. It may be risky but it will help.


"Just let her sleep" basag ko sa katahimikan.


"Nasisiraan ka na ba? She is dying" baling sa akin ni Kyle.


"I know her more than you do. Just let her be" sagot ko rito.

Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon