Zaia's POV
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, magalit, malungkot, at mahiya dahil sa sinabi ni Sensui na handa siyang ibigay ang kanang mata niya para sa akin. Ayoko namang mabulag pero hindi ko na ata kakayanin pang manghingi pa ng tulong mula sa kanya.
Parte na ng katawan niya ang iaalay para sa akin at hindi ko naman hahayaang mangyari iyon. Paano niya nagawang ibigay nalang yung mata ng basta basta?
"Nasira na nga talaga ang ulo mo, boss" Aldrin.
"Hindi ko rin namang hahayaang mabulag siya ng tuluyan" sagot nito.
Hindi ko magawang um-oo o humindi man lang sa kanya. Gustong gusto kong makakita ulit pero kapalit noon ay ang kanang mata ni Sensui. Ang sakit lang sa kalooban. Nahihiya rin ako dahil hindi pa nga kami nakakapag-usap ng maayos tapos ang kapal ng mukha ko para hingin 'yong mata niya.
"Simulan mo na Adri. Wala na tayong oras" napipilitang sambit ni Cayn.
Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. At sa lambot na iyon ay hindi ko maitatanggi si Sensui nga iyon. He's holding my hand to make me feel better. He's making me cry once again.
"I'm here, Zaia. I'm right here beside you. You need to be strong" punong puno ng pag-aalala ang boses niya at mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Nakaramdam ako ng kaba pero mas nangingibabaw ang tapang ko dahil na rin kay Sensui.
I trust him. He's doing this for me, for all of us.
"Isarado niyo ang pinto, at mga bintana." Narinig kong sambit ni Adri.
Napahigpit ang pagkakakapit ko sa kamay ni Sensui dahil biglang nagdilim ang paligid at nanahimik ang buong lugar.
"Zaia, huminga ka ng malalim. This will be really painful" Adri said.
Sensui's POV
Ibinaling ko ang atensyon ko kay Zaia na madiing nakapikit ang mga mata. Panigurado ay unti unti niya ng nararamdaman ang hatak ng kapangyarihan ni Adri.
"Hingang malalim, Zaia" muling paalala ni Adri habang unti unting binubuo ang maliwanag na bagay sa kanyang kamay.
Miski sila Cayn din ay mukhang kinakabahan para kay Zaia. Para kang makukuryente sa mata kapag binulag ka ni Adri at hindi ganoon kadaling labanan iyon. Pwede siyang mahimatay dahil doon pero sa palagay ko ay kakayanin niyang labanan iyon dahil mayroon siyang cursed frozen ability.
"Ipikit niyong lahat ang mga mata niyo kung ayaw niyong mabulag. Zaia, I want you to shout it all out, okay? soundproof ang kwartong ito kaya isigaw mo lang lahat. " payo ni Adri.
Gaya ng sinabi niya, ipinikit na namin ang mga mata namin. Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Zaia at mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"Open your eyes, Zaia" hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kanya dahil anumang oras ay magsisimula na si Adri.
Nagulat ako ng biglang napayakap sa akin si Zaia kasabay ng kanyang pagsigaw. Mas lalo itong napahigpit ng yakap sa bawat segundong lumilipas.
"You can do it, Zaia!" sinabayan ko ang mga sigaw nito na palakas ng palakas.
Unti unti kong nararamdaman ang paglamig ng kanyang katawan at mahinang kuryente mula sa kanya. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay babagsak na ang katawan niya.
"You can do it" I whispered.
"It doesn't hurt" nagulat ako sa biglang pagkalma ng boses nito.
Iminulat ko ang mga mata ko para silipin siya pero napasigaw nalang ako nang makaramdam ng matinding init at kuryente mula sa nakakasilaw na liwanag ni Adri. It was like I was thunderstruck by my own attack. It was indeed painful and it almost burned my eyes.
Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Zaia nang maramdaman kong unti unti itong kumakalas sa pagkakayakap sa akin. Pinakiramdam ko ang tibok ng puso niya at isa lamang itong normal na pagtibok ng puso ng tao.
I used my telepathy to read her mind but I was shocked about it.
'I don't understand. I can't feel any pain at all. It's like I was just staring at an incandescent light with sun glasses on. I can't believe that I can stare at this blinding light for seconds'
Napangisi ako ng may pumasok na konklusyon sa isipan ko. Dalawa lang 'yan eh. It's Jin who is suffering the pain since he's the one who can see what Zaia needs to see. The other one is that her cursed frozen ability just activated.
Makalipas ang ilang segundo ay unti unti ng napapawi ang liwanag na makikita mo kahit nakapikit ka. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad agad na ihinarap sa akin ang mukha ni Zaia. She was so calm and relaxed. It's like she enjoyed seeing that blinding light.
"It doesn't hurt" nakangiting sambit nito. Mabuti naman kung ganoon.
Dumilat na rin sila at lahat sila ay tiyak na naguguluhan dahil sa reaksyon ni Zaia. Hindi man lang siya nasilaw o nasaktan, sino bang hindi magtataka doon. Hindi naman sa gusto namin siyang masaktan. It's just really unexpected.
"How do you feel, Zaia?" I asked her.
"I can't feel my eyes" deretsong sagot nito.
BINABASA MO ANG
Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION)
FantasyCOMPLETED || HIGHEST RANK: #48 in Fantasy As Zandria Louie Smith continues herself to study in Hangro School of Intelligence, she tries out sorts of things to make a living. Her ordinary days are suddenly shaken up when the Prince of Engrovia, Kyle...